Share

Chapter 25 (Part 1)

Samantha

"Sige, pirma ka d'yan. Tapos mag-iwan ka ng ID mo. Makukuha mo 'yon kapag binalik mo na ang librong hiniram mo."

Kaagad akong nagpirma at binigay sa kanya ang isang ID ko. Pagkatapos ko magpasalamat sa kanya, dali-dali akong naghanap ng bakanteng mesa. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko para tingnan kung sino ang nagmessage sa akin. Narinig ko kasing tumunog ang message alert tone ko kanina habang kinakausap ko ang school librarian namin. Dali-dali kong binasa ng makita kong si Wayne ang nagmessage sa akin.

Hubby: What's your lunch today, baby :)

Nakangiting kaagad akong nagreply sa kanya.

Ako: Beef Steak with rice and vegetables salad. Ikaw ba? Kumain ka na?

Kakasend ko lang ng reply sa kanya ay kaagad din tumunog ang cellphone ko.

Ang bilis ah. Hindi ba s'ya busy or sadyang ako lang talaga ang laging laman ng isip n'ya kahit nasa trabaho s'ya?

Halos gusto kong kiligin sa aking naisip. Pagkatapos kasi ng nangyari no'ng gabing 'yon, nagiging clingy na s'ya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status