Share

Chapter 25 (Part 2)

Malalim akong napabuntong hininga muli at pinaalalahanan ang aking sarili na mas mainam na ako na lang ang umiwas. Tutal alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang masama at mas lalong wala akong inaagaw sa Monique na 'yon.

Papasok na ako ng classroom namin ng mapatigil din ako mismo sa hamba ng pintuan ng makita kong halos lahat ng tao doon ay nakatingin sa akin. Nakakunot-noo'ng tiningnan ko din silang lahat.

Bakit puro sila... lalaki?

Mga nakangisi pa sa akin. Teka... iginala ko ang aking paningin. Hindi ko sila kilala. Umatras pa ako para masiguro kung room ba namin ito at hindi ako nagkamali lang ng pinuntahan pero room talaga namin. Humakbang ako ng kunti papasok. Tiningnan ko ulit sila. Nangunot pa lalo ang aking noo ng mamukhaan ko si Ivan. Siya 'yong lalaking humarang sa amin noon ni Cait habang naglalakad kami palabas ng campus noong first day of school ko dito.

Napasinghap pa ako ng malakas ng mapadako ang paningin ko kay Luigi na nakadekwatrong nakaupo sa upuan ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status