Share

CHAPTER 2

Chapter Two

Sigurado akong namumula ang dalawang pisngi ko habang pabalik sa bahay namin. Hindi ako maka get over sa lalaki. Hay! Gusto kong sampalin nang paulit ulit ang utak na meron ako. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin nag re-replay ang mukha ng lalaki sa utak ko. Iyong matangos n'yang ilong, iyong panga n'yang may kurba, iyong makinis n'yang skin, iyong amoy n'yang kay bango sa ilong ko akala moy hindi driver dahil hindi man lang amoy pawis at ang panghuli ay ang mata n'yang kulay asul. Habang nag eye contact kami kanina ay para akong nakatitig sa karagatan sa sobrang linaw nito lalo na ang kulay na para bang inaakit ako, pati na rin ang kanyang mga maninipis na labi. Ang kanyang maninipis na labi na akala moy may lipstick nilagay dahil sa mapupula ito. Ano kaya ang lasa ng labi nya paghinahalikan?

"Ate!"

"Aray!" ungot ko ng maramdaman ko ang labis na sakit sa ulo ko. "Ang sakit!" saad ko habang hinihimas ang ulo kong binatukan ni Mayang.

Kunot noong tumingin ako kay Manang. "Ba't mo ginawa iyon?"

M*****a nya akong tinignan at parang nanay ko kung umakto. "Dzai, iyong utak mo lutang kailangan nya ata ng batok ko." proud n'yang sabi bago ngumiti ng maliit.

"Tigas rin ng ulo mo ah, sakit sa kamay." dagdag nya pa at tunog nang-aasar.

Napabuntong hininga na lamang ako sa inaakto ng kaibigan ko. Ngayon alam ko na kung bakit baliw ang turing ng iba sa kanya. Literal na baliw talaga.

"Anong dala mo?" tanong ko at lumapit sa kahoy naming lamesa. Pinakita nya sakin Ang tatlong bangus na sigurado akong binigay iyon Kay aling Nena sa kanya.

Tumingin ako sa orasan namin at alas singko pa lang ng hapon. "Ang aga nyo atang nag close. Ubos agad ang isda?"

Umiling si Mayang bago humarap sa 'kin. "May gwapong lalaki ang dumating sa palengke at unubos ang isda ni aling Tina kaya ayon sobrang tuwa ng matanda."

Tinuro ko ang tatlong bangus. "Eh, ito? Binili mo?"

Umiling uli ito. "Hindi, binigay ito sa 'kin ng gwapong lalaki kasama ang dalawang libo."

Binigay nya sa 'kin ang isang libo. "Sayo na 'yan. Hati tayo."

"Sige, salamat sa blessings mo."

"Salamat rin sa sinabi mo kanina," aniya at lumabas dala dala ang bangus.

Huh? Salamat sa sinabi ko kanina? Ano iyon? Umiling ako at biglang napatawa. Mayang talaga, may oras pang mag biro at kunin ang kuryosidad ko. Tch.

Sa gabing iyon ay masaya kaming kumain sa hapag kasama si Mayang at ang ina kong may sakit. Habang pinapanuod ko ang pamilya kong masayang kumakain ay mas lalong lumaki ang ka gustuhan kong maka pag trabaho sa may malaking sweldo keysa sa mga raket ko na minsan ay hindi umabot ng dalawang libo sa isang araw. Hindi sapat ang dalawang libo sa amin lalo na't palapit na rin ang pasukan ng dalawang kapatid ko, at meron pa ang gamot ni inay araw-araw. Kailangan ko ang dobleng tiyaga at kayod para sa kanila. Kailangan kong maging matatag para narin sa sarili ko. Kaunting tiis na lang at hindi na namin kailangan mag tiis sa barong barong na ito, kaunting tiis na lang at maibigay ko na ang mga gusto ng dalawang kapatid ko, mabili ko na ang mga gamot ni inay ng walang pag aalinlangan sa perang dinadala ko. Sisiguraduhin kong pagkatapos ng isang buwan doon sa magiging trabaho ko ay babaguhin ko ang buhay na meron kami.

"Iyan lang ba ang dala mo? Maggie matagal ka mag stay don tapos iyan lang?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni mayang at pinasadahan ang mga gamit na dadalhin ko.

"Oo, ito lang naman ang mga gamit ko," saad ko sa mahinang tinig.

Ngayon'g araw ako susunduin ng pinadalang tauhan ng pagtatrabahuan ko ngayon. Nasa kanila na talaga ang pagsundo ng isang bagong apply na trabahante kaya expect na talagang hihingiin ang address mo katulad na lamang ni mayang noong kausap nya ang mayordoma ng mansion. Tinanong nito kung saan ang address ko dahil susunduin daw ako. Hindi ko akalaing tanggap ako agad sa isang tawag lang. First come first serve siguro kaya ganon na lamang sila kabilis tumangap ng trabahante without knowing their background information.

"Ay putek, sure ka? Wait ka lang may ibibigay ako sayo," aniya at mabilis tumakbo paalis ng barong barong namin. Habang naghihintay ako kay mayang na bumalik ay bumaling muna ako sa pamilya ko. Gustong kong magpaalam sakanila bago ako aalis.

Lumapit ako tatlong taong naging rason ko bakit ako patuloy lumaban sa hirap ng buhay. Pumunta ako sa kanilang harapan at ini isang pinagtitigan ang kanilang mga mukha. Panigurado akong araw araw ko silang ma-miss.

"Maki, Margareth.." bumaling ang mga mata ko sa babaeng nakaupo lamang "at inay..."

Tinaas ko ang dalawang braso ko. "Wala bang goodbye hug kay ate dyan?" maluluhang kong tanong sa kanila.

Kahit medyo labag sa kalooban kong iwan sila ay kailangan ko itong gawin, kailangan kong humarap sa panibagong landas, kailangan kong umalis at hanapin ang bagong daan para sa magandang kinabukasan namin. Gusto kong may mararating din ako sa pagkayod ko araw araw. Ayaw kong palagi na lang kami ganito na namumuhay sa iba't ibang raket at naninirahan lamang sa maliit na barong barong sa may squatter area. Gusto kong may maipagmamalaki ang mga kapatid ko, ayokong lalaki ang mga kapatid ko sa ganitong pamumuhay maghanggan.

"Pangako nyo sakin na always kayo mag behave ah, huwag n'yong bigyan ng sakit sa ulo ang ate mayang nyo,” paalala ko sa kanila at pilit nilabanan ang mga luhang gusto ng bumagsak.

"Magpapakabait kayo, tutulong kayo sa mga gawain dito."

"Aalis ka talaga, ate?" Tanong ni Margareth sa mahinang tinig. Tumango ako at pinahid ang mga luhang humarang sa paningin ko.

"Kailangan marga, kailangan ni ate ang trabahong ito para sa ganon maibigay ko na ang mga gusto n'yong gamit."

Tumingin ako sa bunso namin na ngayon at umiiyak na. "Diba gusto mo ng maraming school supplies lalo na para sa drawing mo ngayon'g balik klase?"

Mahina itong tumango, "Promise ni ate na pagbalik ko ay bibilhin ko iyon kahit ilang piraso pa ang gusto mo, huwag kana umiyak bunso. Kailangan talagang umalis ni ate eh, dahil sa pamamagitan ng trabaho na ito ay maibibigay ko na ang mga gusto nyo ng walang pag aalinlangan. Hmmm?"

Nahihirapan na ako. Feeling ko gusto ko nalang mag back out pero hindi pwede. Kailangan ko ito kaya magpapatuloy ako. Pinahid ko ang mga luha ni Maki saka bumaling uli sa dalawang babae sa buhay ko. "Inay aalis na ang maganda mong anak, paghinga ka ng marami ah, kaunting tiis na lang inay at maipagamot na kita." Si Margareth naman ang hinarap ko. "At ikaw marga, huwag mong pababayaan ang kapatid at si inay ah, tutulungan mo si Mayang sa mga gagawin. Haayan nyo babawi ako, pagbalik ko ay babawi ako sa inyo. Dadalhin ko kayo sa Jollibee at mag pa picture tayo sa statwang Jollibee doon kaya sa ngayon tiis muna."

Dinig kong bumukas ang pintuan namin. Pintong galing sa pintuan ng ref. "Ito Maggie, dalhin mo ang mga ito."

Sa huling pagkakataon ay pinagtitigan ko muna ang mga mahal ko. Kailangan ko ito, para sa pamilya ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status