Share

Unforgettable Love with Mr. CEO
Unforgettable Love with Mr. CEO
Author: Jhem_Yang

CHAPTER 1

Chapter One

Maggie Petras POV

Malansang amoy at maingay na lugar ang bumungad sa akin sa entrada ng palengke. Narito ako sa palengke ngayon at pilit hinanap ang babaeng baliw kung maituring ng iba. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtingin sa paligid nang may kumirot sa tagiliran ko.

"Mayang!" ungot ko sa babaeng kumirot sa akin.

Ngumiti ito sa akin at pumalakpak. "Taray, ang fresh mo ngayon ah," aniya at pinasadahan nang tingin ang kabuoan ko.

"Saan lakad mo?" tanong nito sa 'kin bago hinawakan ang braso ko at pinaupo sa upuang malapit lamang sa pwesto namin.

"Barangay. Kukuha sa requirements na sinabi mo,” saad ko bago tumingin sa isdaang pwesto namin.

"Gusto mo samahan kita?"

Umiling ako. "Wag na, Dumaan lang ako rito upang ipabantay sayo iyong dalawang anghel ko," sabi ko bago tumayo at handa nang umalis.

"Sige, ingat ka sa lakad mo. Ako na bahala sa kapatid mo," paalam nito at inihatid ako sa tricycle na nakaparada sa gilid ng daan.

"Ikaw rin," sabi ko bago pumasok sa tricycle.

"Paramihin mo ang customers mo sa isdaan, ah! Mag dala ka na rin ng isda pag may sobra," dagdag kong sigaw bago nagsimulang umandar ang tricycle na sinasakyan ko.

"Where do you want to go?"

Bigla akong napalingon sa driver ng biglang mag English ito. "Huh?"

Wala sa sariling umiling ito at pinikit ang mata bago binuka ulit at tumingin sa 'kin saka nagtanong. "Saan ang punta mo?"

"Sa b-bar... bahay mo," sambit ko dahil sa pagkabigla.

Nanlaki ang matang napatakip ako sa bibig ko dahil sa nasabi. Sino ba kase ang hindi mabibigla sa ganitong itsura ng driver? Tang*na. Gusto ko nalang atang mag mura ng walang sa oras dahil sa ka pogian ng lalaki.

Kita ko ang pagkabigla ng driver dahil ilang minuto itong nakatitig sa daan na para bang pino-proseso muna ang sinabi ko bago nagtanong ulit sa 'kin. "What did you just s-say?"

Mabilis akong umiling at handa ng I deny ang sasabihin. "W-Wala, Ang sabi ko ay sa ano.. sa barangay. Oo, tama. Sa barangay," tatango kong saad at binigyan sya ng ngiti. Ngiting kabado dahil sa titig nito sa 'kin.

"Oh, here we go."

Bigla akong napakagat sa labi dahil sa accent nito na ang gandang pakinggan. May lahi ba sya? Galing sya ng america? Ba't ang gwapo nya? Palihim akong sumisilip sa mukha nya upang tignan kung anong lahi ang meron sya pero hindi ko ina akalang unang silip ko pa lang ay mata nya na ang unang bumungad sa mga mata ko.

"Ayy gwapong driver!" Sigaw ko ng nabigla ako sa pag eye contact namin. Nahihiya akong umiwas ng tingin at mahigpit hinawakan ang bibig. Ano ba iyon! Ba't na slide!? Nakakahiya!

Pagkatapos non ay hindi na ako tumingin sa lalaki o lumingon man lang kaya peaceful nya akong naihatid sa barangay.

"Salamat po, ito iyong bayad," sabi ko at inilahad sa kanya ang 20 pesos ng hindi tumingin sa kanya. Talagang iniiwasan ko ang pag eye contact namin. Nakakahiya sa part ko iyong ginawa ko kanina.

"Why don't you look at me?" tanong nito. Nilunok ko ang buo kong laway dahil sa ika-lawang pagkakataon ay narinig ko ang pag English nito kasabay ng kanyang maganda accent na akala moy galing sa mayamang pamilya.

"Wala lang, bet ko lang," tanging sabi ko bago kinagat ang labi.

"Puoi per favore smettere di morderti le labbra? Mi tenta.” aniya sa ibang language. May pagtataka at kuryosidad akong tumingin sa driver. (Can you please stop that lips bite? It's tempting me,")

"Huh?" Kinaway nito ang kamay at umiling.

"Wala, just a random thought. Sige, bye! Take care!" Huling sambito nito bago sumakay sa tricycle at umalis na ng tuluyan.

Hinawakan ko ang dibdib ko at dinama ang puso kong sobrang bilis ng takbo. Normal pa ba ito? Hindi ba ako ma heart attack nito sa sobrang bilis ng pagtakbo ng puso, akala moy may racing?

Bago ako pumasok sa gate ng barangay ay pinakalma ko muna ang sarili ko. Huwag kiligin sa simpleng goodbye at take care. Ayaw kong ma isturbo dahil lamang sa pag pintig ng puso. Ayaw kong pumasok sa loob na hindi kalmado at occupado ang isip sa mukha ng lalaki kanina.

Ba't ang gwapo nya? Ba't ang kutis nya? Dinaig pa ang babae sa kinis. Pati iyong mata nya. Lalo na ang kulay ng mata. Para itong langit kung titigan sa malapitan. Ang mata n'yang kulay asul na sobrang kaakit-akit titigan. Nakaka inlove.

Bigla akong napatampal sa sarili dahil sa naisip. Hindi. Walang love. Paghanga lamang iyon, period. Hindi pwede ang love sa akin. Wala iyon sa dictionaryo ko.

Pumasok ako sa loob ng barangay na may ngiti sa labi at binati ang ibang kakilala ko lalo na ang mga barangay tanod saka kinuha ang tatlong requirements na kakailangan ko.

Plano kong mag apply ng maid sa mga mayayamang pamilya. Hindi ko alam kung anong pangalan ng pamilyang pag ta trabahuan ko dahil si Mayang lamang ang nag apply sa akin doon. Ang importante sa akin ay may trabaho na ako at malaki ang sahod. 60k every month ang sahod sa kada trabahante. Kaya sobra ang pagdadasal ko na sana ay matanggap and then bathala answered it well without hesitation. Hindi ko akalaing ang bilis kong matanggap. Siguro first come first serve iyong nangyari kaya ang swerte at nakaunang tumawag si Mayang. Mayang is really angel and disgusting— Este disguise for me.

May ngiti sa labi akong naglakad paalis ng barangay at dumiritso sa bakeryhan. Gusto kong dalhan ng snack iyong dalawang angel ko at isang Reyna.

"Ate, doughnut nga po iyong limang piso isa."

"Ilan po?"

"Apat lang ate," wika ko at binigay sakanya ang bentes pesos. Habang naghihintay na isupot iyong doughnut ko ay tumi-tumitingin muna ako sa paligid nang napunta ang mata ko sa lalaking ice cream vendor sa may puno. Familiar iyong pangangatawan nya, pati iyong ulo pero hindi ko makita ng masinsinan ang mukha dahil natakpan ito ng malaking payong sa ibabaw. Hindi ko tuloy nakita iyong mukha ng lalaki.

"Ito na po."

Napabaling ang ulo ko sa doughnut ko. "Salamat po."

Pagkatanggap ko sa doughnut ay mabilis bumalik ang mga mata ko sa lalaking ice cream vendor sa may making puno. Dahil kinain na ako ng kuryosidad ay naglakad ako papalapit sa ice cream vendor

"Manong driver ik—"

Nabitin iyong iba ko pang sasabihin dahil sa lalaking naka mask. At mata lamang ang nakita. Hala! May kapareho s'yang mata at hairstyles ng buhok. Ha? Hindi ba sya to? Iyong lalaking driver? Pareho rin sila ng katawan pero damit lamang ang nagiba.

Ilang minuto lang kami nagkausap at nagka interact nong lalaking driver pero sa loob ng ilang minuto na iyon na kasama sya ay feeling ko alam ko na ang katawan nya at buhok nya. Sumi-simpling silip kaya ako kanina.

Gusto ko pa sanang nagtanong ng may ibang mga customer ang lumapit at bumili ng ice cream kaya sa huli ay humihingi lamang ako sa pasensya dahil sa isturbo. "Hala, sorry po sa abala. Akala ko po kaibigan kita. Sorry po talaga, una na po ako." Paalam ko at mabilis umalis dahil sa hiya. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa hiya at pinagsasabi. Kaibigan? Kailan ko pa naging kaibigan ang gwapong driver na iyon? Gwapo nga sya pero diko naman kaibigan. Sayang.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhem_Yang
grabing pagaakala iyan?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status