Share

CHAPTER 7

Chapter seven

Pati mukha ko ay pinunasan ko na din dahil sa pawis na namumuo sa ulo ko. Kinakabahan ako, kinakabahan ako para mamaya.

"Sige, pumunta ka lang don sa garden. Nandon si sir doon naghihintay sayo. Sabay daw kayo kumain."

Pumikit ako. "Sige po, Manang!"

Ito na, kalma Maggie. Huwag kang magpapa apekto sa gwapong driver na amo mo. Tandaan trabahante ka lamang dito. Dapat mong sundin ang utos ng amo mo. Para sa pamilya Maggie, gawin ang dapat gawin basta't hindi lalagpas sa limitasyon.

Pagpapakalma ko bago ako matapang tumingin sa salamin. Huwag madaling pa apekto, lahat ng iyon ay wala lamang. Part lamang iyon sa trabaho. Para sa pamilya, dapat nati'y gawin ang lahat.

Maayos akong lumabas sa banyo pero kasalungat nito ang nararamdaman ko sa puso. Nandon pa din ang kaba at nerbyos.

Dumiritso ako sa garden at doon sya natagpuan na naka upo. Alam ko na ang pasikot sikot sa mansion na ito dahil tinuruan ako ni manang elma kahapon bago kami natulog. Buti nalang at Hindi ako madali makalimot kaya familiar na sa akin ang ibang daan.

Sa maaliwalas at tahimik na lugar, natagpuan ko si gwapong driver na mukhang prinsipe ang datingan dahil sa liwanang na tumama sa katawan nito. Parang ang kanyang charisma ay lumiwanag sa buong garden nila. Sabayan pa nito Ang pag banda ng init sa kanyang mata na syang nagpapaakit sa kung sino man ang makakita sa postura nya ngayon. Hindi ko alam pero mukha syang prinsipe sa mga napanuod kong fairy tale sa kapit bahay namin. Nakakaakit at sobrang gwapong nilalang nya kung tignan.

Napaigtad ako ng lumingon si gwapong driver sa direksyon ko. Hindi ako tumingin sa mga mata nya habang ako ay papalapit sa harapan ni gwapong driver. Nakakahiya iyong nangyari sa kitchen. First day of work ko pa lamang pero iyon na agad ang bumungad sa 'kin. Nang nasa harapan nya na ako ay tinuro nya ang stool chair na malapit sa kanya.

"Sir," utos nya.

Naka yuko akong umupo at hinayaan syang utusan o may sabihin sa 'kin. Afterall sya ang aking amo at isang katulong lamang ako. Inilapit nya sa 'kin ang platong may pagkain bago hinarap ang aking mukha gamit ang kanyang mga daliri.

"After this, samahan mo ako."

Lumaki ang mata ko sa sinabi nya. S-Samahan? "S-Saan?"

"My farm."

May farm si gwapong driver? Malayo ba iyon? May alagang kabayo ba si gwapong driver? O baka puro nga poultry at livestock ang meron.

Tahimik akong tumango at nagsimulang kumain na. Nagsimula na rin syang kumain at nang ito'y matapos ay walang habas nya pinagtitigan ang mukha ko. Nakaramdam ako ng awkward sa tingin nya kaya binilisan ko ang pagkain hanggang matapos ako.

"Oh! Fatto?" (Oh! Done?)

"Huh?"

"Ang bilis mo, wala pang ahm..." Tinignan nya ang oras bago tumingin uli sa akin. "3 minutes."

Nilunok ko ang lahat ng laway dahil sa narinig. Ganon ako kabilis kumain? Hindi naman ata ganon ka halata na nasasarapan at patay gutom ako diba?

Nahihiyang tango lamang ang binigay ko bago ngumiti ng mapilit. Unang tumayo si gwapong driver at nang tumayo na rin ako ay bigla n'yang hinawakan ang kamay ko sabay ugoy nito. Nabigla ako sa ginawa nya kaya mabilis akong tumingin sa paligid kung may ibang tao ba maliban sa amin pero kasamaang-palad ay wala.

"Una cosa che non mi piace... è che qualcuno sia titubante mentre è con me." (One thing I don't like... is for someone to be hesitant while they're with me.)

"Wala akong naintindihan." aniya ko sa mahinang tinig saka tumingin sa kanya.

"Pansin ko lang, ang hilig mong magsalita sa ibang lengguwahe." Direkta akong tumingin sa mata nya. "Nasa pilipinas tayo at nasa lugar tayo ng manila kaya tagalog lang dapat. Ekis muna iyong chenon deletche mo." dagdag ko sa matas na boses.

Hindi ko alam kung may nakakatawa sa sinabi ko pero biglang tumawa nang kasing lakas si gwapong driver. Tawa lamang ito nang tawa hanggang sa lumuha ang kanyang mga mata. Ba't ba ang hilig nila pagtatawanan ang sinasabi ko? May jokes ba don na hindi ko alam o hindi ko nararamdaman na nasabi ko pala?

"La Mia bambina, that's Italian language not a chenon deletche." aniya at puno na naman Ng pagtawa ang bibig. Ganon ba sila nasisiyahan sa mga pinagsasabi ko? (My baby)

"Italian? Ital as in Itali?"

Tumango sya, "Yes, Italy."

"So sa tagalog ay gapos o tali?" Wala sa sarili kong sambit at Napa tango-tango dahil may bagong nalalaman na naman ako. Ang easy naman Pala alalahanin.

Sa ikatlong pagkakataon ay labis na ang kanyang pagtawa na nagpalatumba at higa nya sa sahig. Ano na naman ang nakakatawa sa sinabi ko? Ano ba ito! Clown ang mga salita ko para maging happy pill nila?

"Bambina, did you know you just make me happy this day? Merda, perché non posso averti adesso?"

"Di ko alam, kasalanan ko bang kamag-anak ako ni clown." bulong ko.

"The sun is getting hot, let's go." Hinawakan nya ang kamay ko bago may binulong ulit sa Italian na lengguwahe. "Non voglio che tu ti bruci dal calore del sole, voglio essere io a farti bruciare." (I don't want you to get burn by a sun heat, I want you to make burn and feel heat by myself)

Buntong hininga lamang ang sinagot ko sa sinabi nya. Mataas ang sinabi nya sa ibang lengguwahe at baka hindi ko alam ay baka may dinagdag sya na pagmumura sa akin sa akin sa kanyang lengguwahe. Katulad lamang ng voglio, baka hindi ko alam ay bobo pala ang Ibigsabihin na iyon dito sa pinas.

"Tch, binulong pa, nahihiyang sabihin yan." balik kong bulong at alam kong narinig nya iyon dahil biglang gumalaw ang kamay nya na nakahawak sa akin. Pahiwatig na nasisiyahan sya o sya ay masaya.

"Presto, tesoro, non sussurrerò più perché lo griderò forte al mondo quanto follemente sono innamorato di te." (Soon baby, I won't whisper it anymore because I will shout it to the world loudly how madly I am into you.)

Tangig tingin at tango lamang ang binigay sa sa sinabi nya kahit hindi ko ito naiintidihan. Nang marating na namin ang lugar ay bigla akong napatanong sa sarili ko. Akala ko ay kailangan pa naming sumakay papunta sa sinasabi n'yang farm? Hindi ko akalaing ang farm nya ay nasa likod ng kanilang mansion. Akala ko ay iyong garden na kinakainan namin kanina ay nasa likod ng mansion, nakabahagi pala ang lugar na iyon sa gilid ng mansion nila.

Mula dito sa maliit na bahay kubo ay kita ko ang buong lugar, ang kanyang malawak at tahimik na farm. Ang laki ng lugar at maaliwalas, may lima itong malaking barn at may nga tangkal ang bawat gilid ng malawak na espasyo ng lugar. Farm nga ito! Ang laki, pwedeng matakbuhan sa lawak at plain ng sahig kahit puro lamang ito halaman at dahon

May binigay sa akin si gwapong driver na isang salakot sa ulo bago nya hinawakan ulit ang kamay ko at sabay kaming lumusob sa mainit na panahon. Kaya pala ang init na, malapit nang mag alas dose.

Binuksan nya ang unang barn bago kami pumasok. Madilim at ingay ang unang bumungad sa akin sa loob ng barn ng maramdaman ko si gwapong driver na naglakad palayo sa akin bago bumuhay ang Ilaw.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status