Share

Chapter 10

"Hoy, bakit ang tahimik mo?"

Kumaway-kaway pa si Alise nang maramdaman niyang wala ako sa sarili.

"Paki-play ng music then practice na tayo ulit," lutang kong sagot.

'Di na rin naman nagreklamo si Alise at sinunod na ang utos ko.

Hanggang ngayon ay 'di matanggap ng utak ko ang mga narinig ko kay Ismael noong nakaraan. After that day, 'di na ulit kami nagkita. As if naman, gusto ko siyang makita. Naguguluhan ako sa kaniya. Baka nag-away lang sila ni Chytzy that time kaya wala siyang mapagtripan.

Nagchachat lang siya sakin every morning just to greet and remind me not to skip my meals. Gano'n din sa gabi, mag go-goodnight lang siya, then wala na. 'Di ako nagrereply sa mga chat niya.  Hanggang seen lang. Natatakot kasi ako na baka iba ang maisagot ko. Nagiging bobo pa naman ako kapag siya ang kausap ko.

Todo practice na kami dahil malapit na ang presentation. Every after class naman ay pumupunta pa rin ako sa CCAM para turuan si Jandrice.

"Pres, may game si Andrei ngayon. Pwede ba akong mauna umalis?"

Nagpacute pa si Justice habang nagpapaalam sa akin. Napailing na lang ako sa kaadikan ni Justice.

"Sige, okay na rin naman ang sayaw mo. Basta bukas bumalik ka sa practice ha," sagot ko sa kaniya.

Tumili pa siya dahil sa sobrang excitement. Talaga bang idol no'n si Andrei? Napakaadik talaga.

I saw Marie practicing her part sa gilid. Napangiti na lang ako. Magaling siya sumayaw.  Malambot ang pag galaw niya kaso nga lang, nahihiya katulad ni Justice.

Nakita ko 'yong iba na nagpapractice din ng kani-kanilang part. Buti na lang mababait 'tong mga classmates ko kaso, mga abnormal din minsan.

"Guys, practice tayo ulit. Sasabay na ako sa inyo ngayon. Next week, before ang presentation, 'di na tayo magpapractice. We need to chill by that time. Kaya kailangan nating magpractice this whole week okay?"

Tumango silang lahat. Itinali ko ang buhok ko para 'di maging sagabal sa pagsayaw ko. Pumunta na ang mga kaklase ko sa kani-kanilang pwesto at nag-ready na.

Nang magstart na ang music, sumabay na kami. So far, synchronized na rin naman ang lahat.

Ilang beses pa kaming nag practice. It's exactly 6:30 nang matapos kami. Isa-isa nagpaalam ang mga kaklase ko pati sina Ely at Jay.

Naiwan kami ni Alise sa loob. Umupo pa ako sa sahig dahil sa pagod. Hinihingal pa ako habang hinahanap ang towel ko sa bag para ipahid sa pawis ko. Nag-aayos na rin si Alise ng mga gamit niya.

'Di ko pa rin mahanap ang towel ko kaya tatayo na sana ako para pumuntang locker namin. Nakatalikod si Alise kaya 'di na sana ako magpapaalam.

Bago pa ako makatayo, may naglahad na sa akin ng bottled water at towel.

"Use this. Extra towel ko 'yan."

Napatitig ako sa kanya. Ayan na naman ang puso kong 'di mapalagay kapag malapit siya. Bakit siya nandito?

Kahit nahihiya ay tinanggap ko na lang ang towel sa kaniya pati ang tubig. Pinahiran ko na ang pawis ko at uminom ng tubig.

Ang sarap niyang sabihan na, 'oy Ismael, long time no see'. Kaso baka magmukha akong tanga.

"Kara, sabay ba... "

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nakita niya si Ismael sa tabi ko. Napanganga pa ang abnormal. 

"Ikaw 'yong nagbigay sa akin ng bottled water di'ba?" gulat na tanong niya kay Ismael.

"Oo, Ismael nga pala." sabay lahad niya ng kamay kay Alise.

Nag-aalinlangan pa si Alise nang tanggapin ang kamay ni Ismael.

"I'm Alise. So, magkakilala pala talaga kayo?" nakangising tanong ni Alise

Siguradong iba na naman ang iniisip nito. Kaya bago pa siya makahirit ay nagsalita na ako.

"Oo, magkaibigan kami Alise," diretsong sagot ko.

Sabay silang napatingin ni Ismael sa akin na para bang mali ang sinabi ko.

"What?" maang-maangan ko pa.

"Magkaibigan o magka-ibigan?" puno ng malisyang sabi ni Alise.

Napatawa ng mahina si Ismael na parang nagugustuhan pa ang sinasabi ni Alise.

"Magkaibigan pa lang," nakangiting sagot niya kay Alise na parang may gustong iparating.

"Oww, kaya pala lutang siya for how many days. Medyo gets ko na kung bakit."

Humagalpak pa ng tawa si Alise kaya tiningnan ko siya ng masama. Ang sarap sipain nito. Malisyosa.

"Lutang, why? May nararamdaman ka ba na 'di maganda?" nag-aalalang tanong ni Ismael sa akin

Manhid ka Gomez. Di maganda ang nararamdaman ko sayo.  Bwisit ka.

"Okay lang ako. Huwag kang maniwala diyan kay Alise."

Tumawa pa ulit si Alise. Nag-eenjoy siya sa nangyayari ngayon.

Paalis na kami ng Auditorium at muntik pa akong iwan ni Alise buti na lang nahila ko ang buhok niya. Traydor na kaibigan. Hindi pwedeng iwan niya kami ni Ismael.

"Ikaw ha, may boylet ka na pala. Kapag nalaman to nina Jay, sasabunutan ka no'n," natatawang bulong ni Alise sa akin.

Magkasabay kami habang nakasunod naman si Ismael sa amin. Bitbit niya ang bag ko.  Nagsagutan pa kami kanina kaso wala akong panama sa kanya.

Iba kapag pursigido. Sa huli, hinayaan ko na lang. 'Di nagpapaawat eh.

"Sipain kaya kita diyan. Hindi ko 'yan boylet.  Magkaibigan lang kami."

Muntik pa akong ma mali ng pagpronounce sa word na magkaibigan. Walang hiya!

"Asus, parang labag sa kalooban mo girl. 'Di naman 'yan mag e-effort sunduin ka kung wala lang," puno ng malisya pa niyang sabi.

"Sinusundo lang ako niyan kasi pinsan niya yung tinuturaan ko sa CCAM," naninigurado kong sagot sa kanya.

Well, totoo naman. Baka pinasundo ako ni Tita Cindy ngayon. 'Di na sumagot ulit si Alise pero tumatawa pa rin siya.

Pagkarating namin sa tapat ng gate ng school, humiwalay na sa amin si Alise at dumiretso sa sundo niyang naghihintay sa kaniya.

Nagsisi tuloy akong di ako magpapahatid sa driver namin ngayon. Mukhang makakasama ko pa si Ismael.

"Ah, 'di ka pa ba uuwi?" nag-aalinlangan kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin na para ba'ng sobrang mali ng tanong ko.

"Hindi, bakit uuwi ka na ba?" sagot niya.

"Bakit, sasabay ka?" hirit ko pa.

"Oo, kasi ihahatid kita," walang preno niyang sagot ulit.

Muntik ko na siyang sipain dahil sa inis. 'Di ba niya feel na ang awkward?

"Wag na, kaya ko naman eh," pagtatanggi ko pa sa offer niya.

Di lang niya ako sinagot at pumara ng jeep na dumaan. Wth, hindi kami magtataxi?

Hinila niya ako pasakay sa jeep. Pinauna niya ako bago siya sumunod. Magkatabi kami ngayon at sobrang magkalapit. Puno na ang jeep kaya di ako makagalaw ng maayos.

"Bakit tayo nag jeep?" pagrereklamo kong bulong sa kanya.

"Gagabihin tayo lalo kapag naghintay tayo ng taxi. Mas mabuti nang makauwi ka agad mamaya para 'di ka mapagalitan ng mga magulang mo," mahabang sabi niya.

Tama naman siya pero 'di ako komportable lalo na dahil mukhang adik ang nasa kaliwa ko. No'ng medyo tumagal ng kaunti, nakaka adjust na ako.  Pero ang katabi ko namang lalaki ay panay usog sa akin.

Noong una, hinayaan ko pa dahil baka nasisikipan lang rin siya. Pero sa pangatlong beses may dala ng hipo sa legs ko. Naka short pa naman ako ngayon dahil nagpractice lang kami ngayong araw. Napahawak ako braso ni Ismael dahil kinakabahan ako.

"May problema ba?" tanong niya nang mahalata niyang pahigpit ng pahigpit ang pagkapit ko sa kanya.

I don't know if I can directly tell him na may humihipo sa akin. Umiling pa ako dahil baka bigla akong sapakin ng lalaki sa tabi ko. 'Di ko na inalis ang pagkakapit ko sa kaniya. 'Di naman siya nagreklamo.

Sa pang-apat na beses ng katarantaduhan niya ay napuno ako. Kahit medyo kinakabahan ay sinuway ko siya.

"Manong. Wag kang manghipo! Ang manyak mo naman eh," reklamo ko habang nanginginig.  Napausog pa ako sa direksiyon ng kinauupuan ni Ismael.

Napatingin ang ibang mga pasahero sa gawi namin. Maging si Ismael ay napatingin sa lalaki. Matatalim na titig ang iginawad niya dito.

"Hindi naman kita hinihipuan ija," pagmamaang maangan pa ng lalaki at umarteng inosente.

Gusto kong maiyak dahil ang ibang mga pasahero ay tumingin din sa akin na parang inaakusahan pa ako.

"Hindi naman siguro. Kasalanan mo naman na short ang suot mo. Baka 'di naman niya sinasadya," pagtatanggol pa ng lalaking katabi niya.

Ngumisi ang lalaking nanghipo sa akin dahil malamang, ang ibang mga pasahero ay 'di na naniwala sa sinabi ko. Siguro kasama niya ang lalaking nagtanggol sa kaniya.

"Paanong hindi sinasadya e pang-apat na beses niya na ginawa," naiiyak ko pang sabi.

Nakaka frustrate dahil imbes na maniwala at maawa ang mga kasabay namin, tiningnan pa nila ako ng mapanghusga.

I can feel the tension within Ismael's muscles. Napatingin ako sa kamay niya, it formed a fist and his face was very serious.

"Kahit wala pa 'yang suot kung may respeto ka, 'di ka gagawa ng kahit na ano. Ang problema nga lang, wala kang respeto," seryosong sabi ni Ismael habang deretso ang tingin sa harap niya na para bang ito ang kausap niya.

"Anong sabi mo? Ang tapang mong pagbintangan akong walang respeto ah," galit na sagot ng lalaki sa kanya.

I unconsciously hold Ismael's fist at medyo napakalma ito. Pero 'di ko siya napigilang tumingin ng matatalim sa lalaki.

"Hindi ko naman sinabing ikaw. Sadyang natamaan ka. Pasalamat ka kumalma pa ako ng kaunti ngayon kaya 'di kita masapak," sagot pa ni Ismael sa lalaki.

Alam kong galit na galit na ang lalaki dahil sa mga sinabi ni Ismael pero 'di ito makaalma dahil madami ng nakatingin.

"Manong, para!" sigaw niya sa driver.

Eksaktong nasa tapat na kami ng CCAM.

"Let's go."

Hinila na ako ni Ismael pababa ng jeep at dumeretso na papasok sa gate.

Tinatahak na namin ang daan papuntang auditorium. Ni isa sa amin ay walang nagsasalita.

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Tumigil ako para sana bawiin na ang kamay ko. Tumigil din siya pero 'di niya ito binitawan.

"Ah, 'yong kamay ko," nahihiya kong sabi sa kanya.

Seryoso pa rin siya habang nakatingin sa akin.  Hinila ulit niya ako papunta sa isang bench na nakapwesto sa harap namin at pinaupo ako do'n. Nasa tapat no'n ang malawak nilang field.

Kahit madilim na ay kitang-kita ko pa rin ang kagandahan ng paligid dala ng mga lights na naka-display sa bawat puno.

Umupo sa tabi ko si Ismael habang hindi man lang binibitawan ang kamay ko. Sumilip ako sa banda niya at nagulat dahil nakatingin din pala siya sa akin.

Tanging katahimikan ang bumalot sa amin. 'Di ko na alintana ang totoong ipinunta ko dito. Kapag kasama ko siya, nakakalimutan ko ang mga bagay na dapat kong gawin.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

Kahit 'di na ako magtanong ay alam ko na ang tinutukoy niya.

"Oo, thank you nga pala," pagpapasalamat ko sa kaniya.

May halong pagkaseryoso ang mukha niya habang nag-aalala kaya 'di ako makapag salita ng maayos.

His menacing brown eyes were intently looking into my soul. Nakaka-kaba siya kausap. Always bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya.

"Pasensya na. Sa susunod 'di na tayo sasakay sa jeep. Magdasal na ang manyak na 'yon na 'di kami magkita ulit," seryosong sabi niya.

"Wala ka namang kasalanan. Napamalas lang ako ng katabi."

Ngumiti ako para mabawasan ang inis niya.

Hinigpitan niya ng ilang sandali ang pagkakahawak sa kamay ko at unti-unti iyong binitawan.

Nawala ang ngiti ko dahil sa inakto niya. Kanina ayaw niya bitawan. Tapos ngayon kung kailan nagugustuhan ko na, babawiin niya.

Tumayo siya at ngumiti ulit. Nag-umpisa na siyang maglakad paatras.

"Pumunta na tayo sa Audi. Baka kanina ka pa nila hinihintay," nakangiti pa rin niyang sabi.

'Di ko siya maintindihan. Sinisisi niya pa rin ba ang sarili niya sa nangyari kanina?

"Sige," dismayado kong sagot sa kaniya

Alam kong nahalata niya ang pag-iiba ng boses ko kaya napatigil siya sa paglalakad.

Sumeryoso ulit siya at lumapit pabalik sa pwesto ko.

"For now, wala munang holding hands. I need to put some space between us hanggang sa sagutin mo na 'ko."

Muli siyang ngumiti kaya bumilis ang tibok ng puso ko. 'Di ko alam kung ano ba ang dapat sabihin. Seryoso ba siya? Nanliligaw na ba siya?

Oh my gosh, my heart Ismael!

"Ha?" lutang kong sagot sa kanya.

Para akong tuod na nakatayo lang sa harap niya not knowing how to act and what to say.

He chuckled and pinched my cheeks.

"Nanliligaw na ako, Sandoval."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status