Share

Chapter 11

"Alise! Ang costume saan niyo nilagay?"

It's February 13 already. Inaayos na namin ang mga gagamitin namin bukas. Tulad ng sabi ko sa kanila, 'di na kami nag practice this week. Tanging preparations na lang para nasa kondisyon ang mga katawan namin. I let my classmates enjoy para naman di kami puro stress.

Kasalukuyan kaming nag-aarange ng mga props namin for tomorrow. Hindi ko mahanap ang mga costume kaya tinanong ko si Alise.

"Nasa kabilang box, Kara," sagot ni Alise sa akin habang na ce-cellphone.

Muntik ko ng itapon sa kanya ang hawak kong paper bag na may lamang make-up sets. 'Di man lang niya ako tinulungan dito.

Nagpapakahirap ako ditong mag-arrange tapos siya naka-cellphone lang. Pangiti-ngiti pa siya habang nakatingin dito.

Dahil na cu-curious ako kung anong ginagawa niya, nagdesisyon akong silipin iyon. Dumaan ako sa kaliwang parte ng room na may mini board for room announcement. This way, 'di niya mahahalatang papunta ako sa likod niya. Dahan-dahan ang lakad ko para 'di ako ma bisto.

Nang makarating sa likod niya, sinilip ko ang ginawa niya at muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang chat ng kuya ko sa kanya!

Message content: can I court you?*

"Shit, 'yong kuya ko Alise!" bulong ko sa kinikilig kong kaibigan

"What the heck!" sigaw niya

Napatayo siya at muntik na niyang matapon ang phone niya. Tumawa ako ng malakas ng dahil sa reaksiyon niya.

"Nakabingwit ka Alise ha, kaya pala kinikilig ka eh," nakangising sabi ko sa kanya

Namula pa siya dahil sa sinabi ko at ibinalik ang tingin sa kanyang cellphone.

"Hindi ah," deny pa niya.

Halata namang kinikilig siya. Grabe ang swerte, may crushback.

Nagkibit balikat na lang ako dahil sa inakto niya. Nahuli na nga, nagdedeny pa. Lagot sa akin si kuya. Another blackmail na naman ito.

Pinuntahan ko ang malaking box na sinabi ni Alise kanina kung saan ang mga costume namin. Bubuhatin ko na sana iyon para isalin sa mesa pero tumunog ang phone ko.

Ismael Karl: where are you? Nandito na ako sa SEU.

Bumilis muli ang tibok ng puso ko. His simple words can really make me crazy. Noong nakaraan, hindi ma absorb ng utak ko ang mga sinabi niya. For real? Ismael Karl Gomez is courting me?

"Oh, bakit ka namumula diyan?" nagtatakang tanong ni Alise. 'Di ko namalayang nasa harap ko na siya.

Mabilis akong nagreply kay Ismael. Sinabi ko kung nasaan ako pati ang room number. Ibinalik ko na agad ang phone ko sa bulsa at bumalik ang atensiyon sa box.

"Aba, 'di ako pinansin. Si Ismael 'yon 'no?" nakangising tanong niya.

"Oo, tumahimik ka diyan kung ayaw mong ilaglag kita kay kuya," sagot ko habang 'di nakatingin sa kanya.

Nagtry akong buhatin ulit ang malaking box but I can't lift it. Leche! Ang bigat pala nito.

"Alise, tulungan mo nga ako dito," pagtatawag ko kay Alise.

May naramdaman akong lumapit kaya akala ko si Alise na yun. Umusog ako para makapwesto na siya.

"Ako na diyan."

Napaharap ako sa lalaking nag offer ng tulog. Grabe ang bilis niya mahanap ang building at room namin. Most of the time kasi, kapag sinusundo niya 'ko, sa auditorium lang o 'di kaya ay sa gate. He's doing this for almost 1 week. Ramdam na ramdam ko na tuloy ang panliligaw niya.

"Nandiyan ang prince charming mo girl. Kaya niya 'yan," natatawang saad ni Alise. Tiningnan ko tuloy siya ng masama.

Umalis ako sa pwesto ko kanina at hinayaan si Ismael na buhatin ang box.

"Saan ko 'to ilalagay?" tanong niya.

Tinuro ko ang mesa sa malapit. Dumiretso naman siya do'n at inilapag ng walang kahirap-hirap ang mabigat na box.

Lumapit na ako at binuksan iyon. Inumpisahan kong ilabas ang mga susuotin namin bukas at inilagay sa hanger para naman 'di mukhang basahan bukas sa sobrang gusot.

Ismael helped me while Alise was just looking and enjoying the view like she's watching a damn love drama.

Ngumingiti pa siya sa akin kapag naaabutan niya akong nakatingin sa kanya. Ang sarap tuloy sabunutan.

Hindi na rin naman nagsalita si Ismael.  Tinulungan lang niya ako sa mga ginawa ko hanggang sa matapos ito.

Nagdesisyon na kaming umuwi dahil lumalalim na ang gabi. Alise was with us until we reached the exit. Pagkarating sa labas ay himiwalay na rin siya sa amin.

Ilang linggo na akong 'di nagpapahintay sa driver namin dahil sinusundo ako ni Ismael. Buti na lang 'di rin nagtatanong sina Mommy.  'Di ko kasi alam ang sasabihin ko. Lalo na si kuya. Ang alam lang nila ay nagtuturo pa ako sa CCAM. Kapag nalaman nilang may nanliligaw sa akin, siguradong matutusta si Ismael.

Tahimik lang kaming dalawa ni Ismael habang naghihintay ng masasakyang taxi papuntang CCAM.

Ilang beses ko na siyang sinabihan na pwedeng sa CCAM na lang kami magkita always kapag hapon dahil dagdag gastos lang iyon. Siya pa naman ang nagbabayad always. Ayaw ako pagbayarin. Tapos baka pagod din siya. Pabalik balik lang siya pero ayaw niya makinig sa 'kin. Sinusundo pa rin niya 'ko.

Napansin ko ang pagkatahimik niya ngayon kaya nagtaka ako. Normally, magkukwento siya ng kung ano-ano kapag magkasama kami pero ngayon, iba. It feels like he's tired but still moving just to do his everyday chores.

"Are you okay?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin at mabilis na nag-iba ang mood niya. Napalitan ang pagod niyang mukha ng mumunting saya.

"Oo naman. Kasama kita. Paano ako 'di magiging okay?"

Bumilis muli ang tibok ng puso ko. Ismael's words were really powerful. Kahit wala pa nga siyang ginagawa sumasaya na ako. Parang 'di ako makapaniwala na ang lalaking 'to ay nanliligaw sa akin.

I didn't know that having a suitor like him is awesome. I mean, may mga manliligaw na rin ako noon pero 'di ako ganito ka saya at naapektuhan katulad ngayon. Ismael is just very different.

Natapos ang araw na 'yon na parang mabilis na pagdaan ng hangin. Every now and then, hindi nawawalan si Ismael ng time na magchat o tumawag sa akin. Pati pagsundo ay 'di niya pinapalampas.

Dumating ang araw ng contest na masaya ako. It just feels so unreal. Sobrang saya ko lang talaga.

"Everyone, just enjoy while performing, okay?" nakangiti kong paalala sa lahat.

Magpeperform na kami ngayon at kasalukuyang nasa backstage dahil kami na ang susunod.

I can see nervousness in their eyes. Hindi naman kasi lahat sa amin ay sanay mag perform sa harap ng maraming tao. Even me, I'm naturally born to perform in front of the crowd pero kinakabahan pa rin ako.

Rinig ko ang hiyawan ng mga tao.  Siguro patapos na ang performance ng isang section. Nang magpalakpakan na ay naghanda na kami. Hudyat na ito na tapos na ang nauna.

Ako ang huling lalabas dahil may solo performance ako kaya naiwan pa ako dito. Nag-umpisa nang sumayaw ang mga nauna at nakasilip lamang ako dito sa likod habang hinihintay ang time ko.

"Don't be nervous. Kaya mo 'yan."

Automatic na napalingon ako sa gawi niya nang marinig ko iyon. Nangunot ang noo ko dahil nakikita ko siya dito ngayon. It's February 14 at ibig sabihin, may sariling event din sila sa school.

"Why are you here? Dapat nasa school ka," suway ko sa kanya.

Napatawa siya ng mahina at napakamot pa kaunti sa ulo niya.

"Ah, nasa school ako ngayon, Kara," pamimilosopo niya pa saakin.

Tiningnan ko siya ng masama kaya tumigil siya sa kakatawa. Nag peace sign pa siya na parang bata.

"I'm sorry. Wala naman akong gagawin sa school. At tsaka gusto kitang mapanood," nakangiting sabi niya.

His words were very comforting. Kung noon, kinakabahan ako dahil sa presensya niya,  ngayon nag-iba na. Sobrang comforting niya kasama to the point na whenever we're together, I know I'm safe.

Malapit na ang part ko kaya nag ready na ako. Lumipat na din si Ismael sa labas at manonood mismo sa harap ng stage.

Naghiyawan ang mga tao ng lumabas ako. Everyone cheered including Ismael. Sumasabay siya sa sigawan ng mga tao kaya napapangiti tuloy ako. Mas pinagbutihan ko ang pagsasayaw gano'n din ang mga kasama ko.

Nang mag partnering na ay mas lalong humiyaw ang mga nanonood. Naging busy ako sa steps ko kaya hindi ko na natingnan si Ismael sa sulok. I hope he's still cheering for me.

Napuno ng hiyawan at palakpaan ang buong auditorium pagkatapos namin mag perform. Sabay na kaming nag-bow lahat at pumasok muli sa backstage.

Pagkabalik namin sa loob ay agad kong hinanap si Ismael. Nalibot na ng buong mata ko ang backstage pero 'di ko siya makita.

"May hinahanap ka besh?" takang tanong ni Jay sa akin nang makita niyang may hinahanap ako.

"Ah, oo. Pero wala 'yon. Hayaan mo na."

Nginitian ko si Jay para 'di na siya magtanong. Alam kong eventually, malalaman din nila pero I don't think ngayon ang tamang panahon.

Sumilip ako sa labas at hinanap ng mga mata ko si Ismael. Pabalik balik ang tingin ko sa pwesto niya kanina pero 'di ko na siya makita. Umalis na ba? 'Di man lang nagpaalam.

Lumabas ako ng mismong auditorium at nagpahangin. Dumiretso ako sa isang bench malapit doon at umupo.

I can see couples around. 'Yong iba, nag ho-holding hands at 'yong iba naman ay masayang nagtatawanan. Puno ng mga hugis pusong lanterns ang school kaya ramdam na ramdam ng lahat ang Valentine's. 'Yong isa kong classmate na may boyfriend sa kabilang section ay nakita kong nakangiti habang hawak ang bouquet of flowers na kakabigay lang ng boyfriend niya. Gano'n din ba 'ko ka saya kapag sinagot ko na si Ismael?

Natigil ang pag-iisip ko nang nakita ko si Alise na may dalang rosas papalapit sa akin. Nakangisi pa itong nakatingin sa akin. Aba, ipagmamayabang pa siguro na may rose siyang natanggap.

I don't know what's the real score between kuya and her pero 'di ko na pinansin. As long as they're both happy, I'll support them.

Ibinigay niya ang rose na dala sa akin at bumulong sa akin.

"Haba ng hair mo, Kara," nanunuksong bulong niya sa akin.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko gets ang pinanggagawa nya. Akala ko ba sa kanya 'to?

Magsasalita na sana ako ulit nang dumating si Ely na may dala ring rose katulad no'ng kay Alise. Nakaupo pa rin ako sa bench kaya tumayo ako. Maraming napapatingin sa direksiyon namin kaya mas lalong sumiklab ang pagtataka ako.

Katulad ng ginawa ni Alise, nakangiti niyang ibinigay sa akin ang rosas na dala niya. Pagkatapos ay dumating din si Jay na nakabusangot ang mukha. Anong meron?

Pagkabigay niya sa akin ng rosas ay umirap pa siya.

"Madami kang dapat sabihin sa akin bruha ka," sabi niya.

Hindi na ako nakasagot dahil may dumating pa ulit. Pasipol-sipol pa si Justice habang papalapit sa akin. Nakita ko ang pila ng mga kaklase ko sa pinto banda ng backstage ng auditorium.

Ang ganda nilang tingnan habang nakapila at may dalang rosas. Magkakapareho pa naman ang suot nila. 'Di pa kasi kami nakapagpalit lahat.

Hindi ko alam kung ano ang pakulo ng mga 'to pero tinatanggap ko lang ang mga rosas.  Nakakaagaw na kaming lahat ng atensiyon. May ibang pumalibot pa talaga sa kinaroroonan namin para maki-chismis. 'Yong mga napapadaan naman ay napapatigil.

I know it's too unusual to see students na namimigay ng rosas sa classmate nila. May kumukuha pa ng video.

Malapit na silang maubos lahat pero ang mga naunang nagbigay ng rosas ay muling bumalik sa pila. Naiwan akong mag-isa sa pwesto ko na nagtataka pa rin.

"Anong---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bumalik na muli si Alise at isang card naman ang dala. Hindi mawala sa itsura niya ang ngisi. This time, mas mabilis ang pamimigay. Hindi ko man lang mabasa ang nakasulat sa bawat card. Sobrang dami na no'n.

Napatingin ako sa grupo ng mga kaklase ko na nahuli. May dala pa silang balloons na hugis puso at may hawak na rose bawat isa. I guess mga sampu sila? 'Di ko masyadong mabilang dahil mabilis ang lakad nila. Dikit na dikit pa sila habang papalapit sa akin. Parang tinatago ang ano mang nasa likod nila.

Nang malapit na sila ay narinig akong hiyawan. Hiyaw na may dalang kilig. Hindi ko pa rin gets ang nagyayari kaya napatingin lang ako ng nagtataka sa mga kaklase ko.

Nakalapit na ang sampung kaklase ko. Isa-isa nilang ibinigay sa akin ang balloon at rosas. 'Di ko na mabilang kung ilang piraso na ba 'to.  Tanggap lang ako nang tanggap.

Nang dalawa na lang ang natira ay namataan ko ang taong nasa likod nila. Ibinigay ng dalawang kaklase ko ang natitirang balloons at roses.

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na si Ismael ang nasa likod nila. May dala itong bouquet na puno ng chocolates!

Lumapit siya sa akin kaya mas lalong naghiyawan ang mga tao sa paligid. Maging ang mga kaklase kong nakatingin sa amin ay nagsisikuhan pa habang bumubungisngis.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang ilang pulgada na lang ang pagitan namin. He gave me the bouquet while smiling. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Gulat pa rin ako sa pangyayari. Kaya ba siya nawala kanina dahil dito?

May mga teachers pa'ng nakiusisa.  Nadagdagan ang hiya ko. 'Di ako sanay sa ganito. Napatingin ako kay Ismael at nakita ko siyang napahawak sa batok niya na para bang nahihiya.

Sa kabilang parte ng crowd ay nakita ko si Ma'am Gardose maging sina Jandrice at Tita Cindy na mas lalong nagpagulat sa akin. Nakangiti silang lahat habang pinapanood kami. Nag thumbs-up pa si Jandrice nang makitang nakatingin ako.

Bumalik ang mga mata ko kay Ismael na seryosong nakatingin ngayon sa akin. Napatingin siya sa mga cards na nanggaling din siguro sa kanya.

"May number ang bawat card. May tanong sa huling numero. Hindi ako nagmamadali,  Kara. Sagutin mo na lang ang tanong na nandiyan kapag ready ka na," nahihiya ngunit nakangiti pa rin niyang sabi sa akin.

Naghiyawan muli ang mga tao sa paligid nang mas lumapit pa siya sa akin. Wala na akong maaatrasan kaya 'di na ako nag-atubiling umalis pa. May mga naramdaman pa akong flash ng camera sa paligid pero hindi ko na iyon alintana. Ang tanging focus ko ay kay Ismael. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang ngayon ay 'di ko mahanap ang tamang salita na dapat sabihin sa kanya.

"Happy Valentine's Day, Kristier Arabella."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status