"CHEERS!"
Umiimom kami nila Karen at Vera para raw sa celebration sa paglipat namin dito sa Manila at sa bago kong restaurant.
Isang linggo na simula noong makapaglipat kami rito. Naging abala ako sa loob ng isang linggong iyon sa pag-aayos ng condo at sa pamamasyal namin ni Bennett. Sila naman ay ngayon lang nagkaroon ng time na makapagday-off.
"Hindi ba dapat ay nagpapahinga kayo sa halip na nag-iinom?"
"Ngayon na lang ulit tayo makakapagbonding ng ganito, Inari. Huwag mo namang ipagkait sa amin 'yon," madramang ani Vera. Natatawa akong tumungga ng alak.
"Matatagalan pa ang pagbubukas ng restaurant mo, right?" tanong ni Karen habang nakatutok sa kanyang cellphone.
"Hindi na aabutin iyon ng kalhating taon. Saglit lang iyon."
"Ano'ng pagkakaabalahan mo habang hindi pa natatapos?"
"Marami akong seminar na pupuntahan. Isa ako sa mga kinuha nilang speaker."
Naiatras ko ang ulo at napataas ang kila
EKSAKTONG anim na buwan ay natapos nga ang pagre-renovate ng restaurant ko. Pinaghahandaan ko ngayon ang nalalapit na pagbubukas niyon maging ang kasal ni Liam sa isang buwan. Dahil naging abala ako ay si Ate Rose muna ang pinapasama ko kay Bennett kapag papasok ito sa school. Naging panatag ang nararamdaman ko dahil nakikita kong nag-eenjoy ang anak ko sa bago niyang school. Kahit abala ako ay hindi ko pa rin nakakaligtaan ang samahan siya sa pag-aaral at ang makinig sa mga kwento niya. "Mommy, where are you na po?" "Malapit na ako, anak. Narito na ako sa parking lot." Lakad-takbo ang ginawa ko no'ng makitang pasara na ang elevator sa parking. Nakahinga ako nang maluwag nang maabutan ko pa iyon. Nalaglag pa ang hawak kong susi ng kotse dahil sa pagpigil sa pinto ng elevator. Pupulutin ko na sana iyon pero naunahan ako ng taong naroon. "Salamat," sabi ko nang maiabot iyon sa akin ng lalaki. May sinabi pa ito pero hindi ko na naintindihan iyon
"HOW IS HE?" mahinang tanong ni Vera habang nakatitig sa natutulog kong anak. Marahan niyang hinaplos ang mukha ni Bennett. "Okay na siya kaya 'wag na kayong mag-alala." "Mabuti naman," ani Karen na nakatayo sa tabi ko. Malakas na buntong-hininga ang narinig ko sa kanya. Tumayo si Vera sa pagkakaupo sa kama at sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto. Dumiretso kami sa sala at doon umupo. Kagagaling lang ni Karen sa private resort nila Liam kung saan ginanap ang kasal nito. Si Vera naman ay may pinuntahan ding party kagabi. Dito na sila sa condo dumiretso nang malaman ang lagay ni Bennett. "Hindi ba alam ng Teacher niya na may allergy siya?" bakas ang inis sa boses ni Karen. "Bago raw 'yong Teacher nila Bennett na 'yon." "Bakit pinauwi na agad kayo ng doktor?" "Okay na naman siya, Ren. Kaunting pahinga lang at babalik din ang lakas niya." Hinilot ko ang sentido. Wala pa akong tulog kaya naman ngayon ay nakakaramdam ako ng p
NAKATINGIN ako sa repleksyon ni Lexi mula sa pinto ng elevator. Tiningnan ko ang kabuuan niya. Mas lumitaw ang ganda niya ngayon, eleganteng tingnan sa suot niyang two-piece dress. Iniangat ko sng tingin sa kanyang mukha Nakangiti itong nakatingin kay Bennett. Sinsero ang ngiting nakikita ko sa kanyang mukha. Hindi ko maiwasang isipin na nalilinlang niya na naman ako sa ngiting iyon. Bumukas ang elevator. Lalabas na sana ako nang maramdaman ang paghawak niya sa kaliwang braso ko. Tiningnan ko iyon bago iniangat ang tingin sa kanya. "Can we talk?" Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ko inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. "I can't. May checkup ang anak ko." Nilingon niya si Bennett na nasa kabilang gilid ko bago muling nag-angat ng tingin sa akin. "Saglit lang, Inari. Please?" may pagsusumamong aniya. Bumuntong-hininga ako at umiling. "Sorry." Lumabas na kami at naglakad sa pasilyo. Muli kong naramdaman ang paghawak
TAAS-NOO akong naglakad palayo hanggang sa makarating sa parking lot. Ngunit nang makarating sa kotse at makapasok sa loob ay bumuhos ang mga luhang kanina pa pinasisikip ang d****b ko. Tahimik akong humagulgol. Kuyom ang mga kamao ko habang matalim na nakatingin sa kawalan. Iniisip ko ang mga sinabi ni Lexi. Wala namang masakit sa mga sinabi niya pero ang marinig ang pangungutya sa boses niya ay ibang galit ang ibinibigay sa puso ko. Ilang minuto akong nanatiling tulala. Kung hindi ko pa narinig ang katok sa bintana ng kotse ay hindi pa ako mababalik sa wisyo. Nakita ko sila Bennett sa labas ng kotse kaya mabilis ko silang pinagbukasan. "Okay ka lang, Inari?" nag-aalalang tanong ni Ate Rose. "Kanina pa ako tumatawag sa cellphone pero hindi ka sumasagot. Kanina pa rin kami kumakatok dito. May nangyari ba?" Ba
SERYOSO ang mukha ko habang pinagmamasdan si Kaiden at Bennett mula sa kusina. Nasa sala ang mga ito at nagtatawanan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Ate Rose na si Kaiden ang nakatira sa tapat namin. Mabilis na nangunot ang noo ko nang maalala ang lalaking nakasabay ko noong nakaraang gabi sa elevator. Hindi ko nakita ang mukha ng taong iyon pero napansin ko ang suot nito. At hindi ako pwedeng magkamali na siya ang lalaking nakatayo sa katapat na pinto nang gabing 'yon. Kung gano'n... Si Kaiden ang lalaking nakasabay ko sa elevator? Pero bakit hindi niya ako binati? O baka naman hindi niya rin napansin na ako 'yon? Bumuga ako ng hangin at naglakad na palapit sa sala bitbit ang tray na naglalaman ng isang baso ng jui
PINAGMAMASDAN ko ang dalawang pares sa magkalayong lamesa. Mukhang hindi pa rin nagkakasundo si Karen at Niko dahil sa nakasimangot na mukha ni Ren, samantalang seryoso naman si Niko. Tahimik at mukhang payapa namang nag-uusap si Vera at Owen. "Dito na ba kayo sa Manila mamamalagi o may may magma-manage lang nitong restaurant mo?" Nilingon ko si Kaiden na kasama ko sa lamesa. "Dito na. Weekly na lang ako uuwi sa Laguna para mabisita ang ibang branch ko roon," nakangiti kong sagot. "Hindi ba nakakapagod 'yon?" may pag-aalalang tanong niya. "Nakakapagod pero kailangan, eh." "Just don't forget to rest
LAKAD-TAKBO ang ginagawa ko palabas ng restaurant na iyon. Hindi naman malayo ang parking lot pero sobra ang hingal ang nararamdaman ko nang makarating doon. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang may humawak sa braso ko. Mariin akong napapikit nang mahulaan kung sino iyon, lalo na ng marinig ang boses niya. "Inari? It's you, right?" Ngayon lang ako kinain ng pagsisisi kung bakit ako nagmamadaling umalis sa restaurant. Ayokong isipin niyang apektado pa rin ako kapag nakikita siya. Nabigla lang naman ako at hindi nakapag-isip agad kanina kaya ganoon ang inakto. Humugot ako ng malalim na hininga bago hinarap si Kevin. Napanganga pa siya nang makaharap ako nang tuluyan. "It's you," masayang aniya. "I didn't expect to see you here!" 'Maski ako, Kevin. Kung alam ko lang na makikita kita rito ay dumiretso na sana ako pauwi.' "How are you?" nakangiting tanong niya. "I'm good." Pilit k
ILANG ARAW akong nakipagtalo sa sarili ko kung sasabihin ko na ba kay Bennett na gusto siyang makita ni Kevin. Ilang araw ko ring pinagpractise-an ang tamang sasabihin sa anak ko. Nang makapagpasya na ay kinausap ko muna si Kevin. Nalaman ko ang cellphone number niya nang magpadala siya ng text message nang gabing nagkita kami isang linggo na ang nakakaran. "Saan mo gustong makipagkita? Okay lang sa akin kahit saan," ani Kevin sa kabilang linya. "Kung gusto mo pupunta na lang ako riyan sa tinutuluyan n'yo." "Hindi ko gustong malaman mo ang tinitirahan namin, Kevin," walang pag-aatubili kong sabi. Ilang minuto siyang hindi nakapagsalita. Harsh man ang dating ko pero iyon ang totoo. Baka kasi kapag nalaman niya na kung saan kami tumutuloy ay pumunta siya rito lagi para makita si Bennett. Hindi pa ako handa sa ganoong set-up. Isang malalim na buntong-hininga ang sunod kong narinig sa kabilang linya. "Naiintindihan ko, Inari." "Magkita na