Share

Chapter 29

EKSAKTONG anim na buwan ay natapos nga ang pagre-renovate ng restaurant ko. Pinaghahandaan ko ngayon ang nalalapit na pagbubukas niyon maging ang kasal ni Liam sa isang buwan. Dahil naging abala ako ay si Ate Rose muna ang pinapasama ko kay Bennett kapag papasok ito sa school.

Naging panatag ang nararamdaman ko dahil nakikita kong nag-eenjoy ang anak ko sa bago niyang school. Kahit abala ako ay hindi ko pa rin nakakaligtaan ang samahan siya sa pag-aaral at ang makinig sa mga kwento niya.

"Mommy, where are you na po?"

"Malapit na ako, anak. Narito na ako sa parking lot."

Lakad-takbo ang ginawa ko no'ng makitang pasara na ang elevator sa parking. Nakahinga ako nang maluwag nang maabutan ko pa iyon. Nalaglag pa ang hawak kong susi ng kotse dahil sa pagpigil sa pinto ng elevator. Pupulutin ko na sana iyon pero naunahan ako ng taong naroon.

"Salamat," sabi ko nang maiabot iyon sa akin ng lalaki. May sinabi pa ito pero hindi ko na naintindihan iyon

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status