Vincent Hawley. Isang pinaka magaling at myembro ng organisasyon ng mga pumapatay sa mga matataas na leader ng sindikato. Inatasan siyang patayin ang lalakeng si Francis Villaruel isang leader ng malaking sindikato.Kalaunan ay nakilala niya ang babaeng si Shariena Villaruel Garcia sa isang gym. Napag alaman niya na iisa lang ang kanilang misyon ang mapatay ang leader ng sindikato na si Francis Villaruel. Shariena Villaruel Garcia ay naghanda para maghiganti sa taong pumatay sa kanyang mga magulang.Magagawa pa kaya ni Vincent ang kanyang misyon sa oras na malaman niya na ang babaeng nakilala niya ay pamangkin ng leader ng sindikato ang naka takda niyang patayin.Hindi inaasahan ng binata na makikipag sanib pwersa ang dalaga sa kanya para magawa ang kanilang misyon.Ngunit sa di inaasahan ay umibig si Shariena sa binata. Samantalang magagawa pa kaya ni Vincent na mahalin ang dalaga kung nakahadlang ang tiyuhin ng dalaga sa kanilang pagmamahalan?
view more"Palagi kang mag-ingat mahal ko, kahit na… nasa tago ka ng lugar ay palagi mong tatandaan na hanggat nabubuhay pa si Francis ay hindi pa rin tayo ligtas," paalala ni Vincent ng humarap siya sa katipan at niyakap ito ng mahigpit. "Maraming salamat sa lahat, Vincent mahal ko. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita kayo ng anak ko. Ikaw ang mag ingat sa iyong pupuntahan at delikado ang misyon mo, ipagdarasal kita na sana maging ligtas ka at magawa mo ang iyong misyon." Saad ni Shariena. Masama man ang loob ni Shariena na gagawin pa rin ni Vincent ang kanyang misyon ay kailangan niyang tiisin dahil hindi sila mamuhay ng payapa kung malaya parin si Francis. Matapos makapag paalam sa isa't-isa ay umalis na si Vincent. Maingat siyang nagmanman muna para maka siguro na walang naka sunod sa kanila. Sa labas ng bahay ni Don Hugo ay may katapat na malaking bahay at maingat siyang umakyat sa rooftop ng naturang bahay ng hindi siya nakikita ng may ari ng bahay. Sa rooftop ay abala si Vincent
Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ni Vincent bago niya itinuloy ang sasabihin sa taong kausap niya sa telepono. "Hello par? Kailangan ko ngayon ng malalaking kalibre ng baril." Pabalik-balik siya ng lakad sa loob ng kanyang condo. "Mai-hahatid mo ba mamayang gabi?" Sambit niya sa lalaking kausap niya gamit ang de keypad na cellphone, upang makakuha ng mga armas. "Sige pare, magkita nalang tayo mamayang gabi," tugon ng kausap niyang lalaki. Sa huli ay nagkasundo ang dalawa sa lugar kung saan sila magkikita. Hindi niya pwedeng dalhin ni Vincent sa kanyang condo ang kanyang mag ina dahil hindi iyon ligtas na lugar, kaya minabuti niya na manatili muna sa isang kwartong paupahan, sa hotel.Sa isang abandonadong hospital ay nagkita si Vincent at ang kanyang kaibigan na nagmamay ari ng gym, si Brandon. Bitbit ang isang bag na naglalaman ng mga kalibre ng baril na gagamitin ni Vincent sa kanyang gagawing paglusob sa bahay ni Don Hugo, at balak niyang mailigtas ang amo. "Meron ka b
Tatlong araw matapos manganak si Shariena, medyo may lakas na siya dahil nakapag lakad-lakad na siya. Matamis ang ngiti na nakatitig lang siya sa anak niya habang pinapadede niya, parang nabigyan siya ng panibagong buhay mula ng masilayan niya ang munting anghel na napaka ganda. May pumatak na luha sa kanyang pisngi dahil naghahalo ang kanyang nararamdaman para sa anak na babae na pinangalanan niyang Viana Quinn Hawley. Nangarap siya ng magagandang bagay para sa anak. "Shariena," tawag sa kanya ni Vincent."Halika, nakangiti siya tingnan mo. Ang ganda ng anak natin," aniya at napangiti naman si Vincent ng masilayan nito ang ngiti ng kanyang anak."Sana magawa natin na mapalaki siya ng maayos at ligtas," saad ni Shariena.Walang mailabas na salita si Vincent dahil sa halo halo narin ang kanyang iniisip kong paano niya mailalabas mg isla ang kanyang mag ina at kung paano nito mapoprotektahan ng maayos ang bata. Kinagabihan ay pinapasok ni Shariena kasama ang anak nila sa kanilang kwa
Isang malakas na ulan ang sumalubong kay Vincent ng makababa siya sa chopper na naghatid sa kanya sa isla Hissa, dahil walang payong ay basang basa siya ng makarating sa resthouse nakailang balik pa siya dahil sa marami soyang dalang mga gamit. "Nandyan na po pala kayo sir," saad ng may edad na babae ng makita siya na nagbukas ng pinto ng resthouse."Kumusta po kayo rito manang? Si Shariena po?" Magkasunod niyang tanong sa ginang. Ito ay nasa ika singkwenta na siguro ang edad at siya ang katiwala dito sa buong isla ni hidalgo. Si manang Lidia. "Si ma'am ho? Nako iho buti at nabanggit mo, madali ka at nandun si ma'am Shariena sankwarto at mukha ng manganganak na yata dahil na sumasakit ang tiyan sanhi ng pagkadulas sa sala!" Mahaba nitong sambit na ikinabahala ni Vincent kaya naman napakaripas siya ng takbo papunta sa kwarto ng dalaga."Shariena?" Tawag niya sa pangalan ng nobya."Arayyyyy..!" Sigaw ni Shariena, tama naman ng pagbukas niya ng pinto. "Shariena anong nangyari?" Maagap
"Boss nandyan sila sa loob," sambit ng isang lalaki kay Vincent ng bumaba siya sa kanyang dokati.Pagka baba sa motor ay tinanggal niya ang suot na helmet at simabit ito sa manibela at kinuha ang black shade sa bulsa ng kanyang black leader jacket at sinuot. Tinungo niya ang entrance ng isang bar at pumasok siya sa loob, sa may maliit na lamesa sa isang sulok siya pumwesto at nagmanman sa paligid. May hinahanap siyang lalaki, ang lalaking ito ang binigay na misyon ni Don Hidalgo sa kanya, maya maya lang ay napa tingin siya kanang bahagi ng bar.May isang maingay na grupo na pitong mga lalaki na sa tansya niya ay mga lasing na, mga naka itim ang iba at may isang lalaki sa gitnang dulo ng lamesa na naka itim na amerikana at puti naman ang kulay ng panluob na long sleeve. Habang lumalapit siya sa lamesa ay kinuha niya ang isang baril na nasukbit sa kanyang likod at lumapit siya sa lamesa saka inilapag ang dalang forty five na baril at dahil may bakanteng space sa kabilang dulo ng lam
Pagbalik nila sa kanilang kwarto ay dumiritso sa banyo si Shariena para maglinis ng katawan dahil malagkit ang kanyang balat sanhi ng hangin na nanggagaling sa dagat at paa na mabuhangin. Sumunod naman si Vincent sa banya at nakita niya ang kasintahan na nakahubad sa ilalim ng shower na malaki ang tiyan, isang buwan na lang at malapit na manganak si Shariena, habang papalapit ang araw na iyon ay mas lalong lang nagiging komplikado ang kanilang buhay dahil kay Francis. Naramdaman ni Shariena na hina-hagod na ni Vincent ang kanyang balikat papunta sa kanyang dibdib, kaya napasinghap si Shariena sa mainit na palad ng lalaki."Uhhmmm...," daing nito."Shariena, mahal na mahal kita kahit ano pang mangyari." Saka kinabig niya ng paharap sa kanya si Shariena, at siniil ito ng halik.Pinihit niya naman ang shower para huminto ang agos ng tubig nito, kung kanina ay lamig ng tubig ang nararamdaman ng dalaga ngayon ay mainit na katawan na ni Vincent ang bumabalot sa kanyang kahubaran. Binuha
PAGKARATING nila sa isang isla ay mabilis silang sinalubong ng tatlong lalaki. Isang malaking resthouse na nasa gilid ng dalampasigan ang kanilang tuluyan na pag aari ni Don Hidalgo. "Shariena, okay kalang ba?" tanong ni Vincent sa dalaga ng makarating na sila sa kanilang kwarto."Natatakot ako para sa anak natin Vincent," saad nito. "Nandito ako Shariena ipagtatanggol kita," aniya at niyakap ang dalaga."Paano kung isang araw ay ipatawag ka ni Mr. Hidalgo, iiwanan mo ako dito mag isa!" sambit nito at tuluyan ng tumulo ang luha na kanina pa pinipigilan."Ligtas kayo dito ni baby, walang sino man ang nakakapasok dito maliban lang kung pinahintulutan ng Boss na makapasok!" sambit ko habang nakatitig sa kanya.Ramdam ni Vincent ang takot ni Shariena para sa anak, siya man ay nag aalala sa kanyang mag ina. Tinulungan niya ito para maayos ang kanilang kama para mabilis na matapos at makapag pahinga si Shariena, hanggang natapos na nga ang pag aayos ng kama at kasalukuyan ng nagpapahing
Pagbaba nila sa motor ay napansin agad ni Shariena na umiiyak ang isang batang babae ang bunso ni Rey. "Tintin, bakit ka umiiyak?" tanong niya agad ng malapitan na ang bata na nakaupo sa sahig sa bungad ng pinto."Si tatay po kasi tiya eh," saad nito. Agad naman siyang kinabahan baka kung anong nangyari kay Rey. "Ano nangyari Tintin? sabihin mo?" pag aalala niyang tanong sa bata."Dinala po siya ni nanay sa hospital tiya kasi po bigla po siya natumba kanina habang paalis sila papunta sa palengke," sumbong nito at patuloy parin umiiyak."Alam mo ba kung saang hospital siya dinala?" tanong niyang muli sa bata.Ngunit hindi alam ng bata kung saan dinala ang ama at mas lalo lang umiyak ang batang babae, niyakap niya ang bata at hinaplos ang likod para mapatahan sa pag-iyak. Kailangan nilang hanapin kung saang hospital dinala si Rey."Sige na pumasok kana, ito may pasalubong kaming pagkain ha? asan ba si kuya mo?" tanong niya. "Sinama po ni lola sa palengke dahil sila lang muna daw po
Nagising si Shariena na wala na sa tabi niya ang binata, bumangon siya na masakit ang katawan."Ahhhh.." Sambit niya habang hinahagod ang magkabilang balikat pati na ang balakang.Napasinghap naman siya sa masarap na amoy ng niluluto, kaya tumayo na siya at nag inat inat muna bago lumabas ng kwarto. "Hummpp, parang ang sarap naman niyan. Good morning," aniya saka humalik kay Vincent na nagpi prito ng egg omelette. "Good morning, kumusta ang gising mo?" tanong nito ng bitawan n ang labi ng dalaga."Tired, pero happy. Ang aga mo gumising ah," saad ni Shariena at naghila ng upuan bago umupo. "Gagawan kita ng gatas," Aniya matapos ilagay sa lamesa ang niluluto niya kanina."Thank you," saad ni Shariena ng nagpasalamat sa binata.Mayamaya lang ay dala na ni Vincent ang baso naay lamang gatas at inilapag ito sa harap ng dalaga. Ang binata pa ang nagsandok ng sinangag at ulam sa dalaga, bago ito umupo. Habng si Shariena ay matamis ang ngiti na nakatitig lang sa ginagawa ng binata."Thank
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.