Pagkapasok ni Vin sa opisina ni Cally ay nagulat siya sa naabutan, maputla ito at tila hindi maganda ang pakiramdam habang nasa gilid nito ang nagaalalang si Ryan."What's happening here?" tanong ni Vin na may pagkabahala sa boses kaya sabay pa silang napa-angat ng tingin sa kanya.Gulat din siyang tinapunan ng tingin ni Cally nang makita siya habang nagtatanong ang mga mata."Bakit ka nandito?!" Mataray na tanong ni Cally na tila sandali niyang nakalimutang masama pala ang pakiramdam niya.Imbis na sagutin siya ni Vin ay lumapit ito sa kanya at sinapo ang kanyang noo kung mainit ba siya o hindi."Tsk, you have a high fever," deklara ni Vin ngunit tinabig lang ni Cally ang kamay niya."Don't touch me," angil ng dalaga."May sakit ka na nakakapag-taray ka pa rin, kung alam mong masama ang timpla mo ay dapat hindi ka na lang pumasok," pagalit ni Vin ka ikinataas lang ng kilay ni Cally."H'wag kang umaktong concern ka, umalis ka sa harap ko," pagtataboy ni Cally ngunit hindi siya nito si
Nagising si Cally na bahagya pang nahihilo at nilibot niya ang tingin sa itaas ng kisame at nangunot bigla ang noo niya nang dumako ang tingin niya sa tabi niya at nakita si Vin habang nakasubsob ang mukha nito sa brasong nakapatong sa kama.Kaagad namang naalimpungatan si Vin nang maramdaman niya ang paggalaw ni Cally kaya agad siyang napaangat ng tingin at tama nga siya gising na ito."You're awake!" masayang bungad ni Vin."Yes, I am, sinong nagdala sa 'kin dito? Si Ryan ba?" nanghihina at mamaos ang boses na tanong ni Cally at umiling lang ito."Ako ang nagdala sa 'yo rito," sagot ni Vin at lihim siyang nakaramdaman ng pagtatampo dahil siya ang nasa tabi nito pero nagawa pa rin nitong magtanong."Thank you," pasalamat ni Cally na ikinabigla ni Vin."Pakiulit nga?" tila nabibinging sabi ni Vin kaya pagak na natawa si Cally."I said thank you for bringing me here," pag-uulit ni Cally hanggang sa unti-unting sumilay ang matamis ngiti sa mukha ni Vin."You're welcome, I thought, susu
Hindi na nagsalita si Cally dahil mukang seryoso nga ito sa sinabing hahalikan siya kaya itinikom na lang niya ang kanyang bibig."Dapat pala sa 'yo ganu'n ang ibinabanta para lang mag-behave ka, takot ka naman palang mahalikan," sabi ni Vin na tila gustong matawa sa pananahimik nito."Bwisit ka," angil ni Cally sabay irap.Sabay pang napalingon sina Vin at Cally nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sina Fredrico at Ryan na biglang umaliwas ang mga mukha ng makita gising na siya."Apo! You're awake!" masayang bungad ni Federico kagaya lang ng reaksyon ni Vin kanina."Mabuti naman Ma'am, gising na kayo," segunda ni Ryan na masaya rin."Yes I am, so stop worrying about me." Nakangiting sabi ni Cally sa kanila na ikinahinga ng maluwag ng kanyang Lolo."H'wag mo nang uuliting magkasakit, hindi mo ako pinatulog na bata ka," sabi ni Fredrico na may pagaalala pa rin sa boses."Kontrol ko po bang magkasakit?" pilosopong tanong ni Cally sa kanyang Lolo ngunit si Vin ang sumagot."Hindi m
"What a sweet home! I miss the smell of this mansion!" bungad ni Cally nang makauwi na sila."Hindi porke't maganda na ang pakiramdam mo aabusuhin mo na ulit ang kalusugan mo," pangaral ng kanyang Lolo ngunit hindi niya na lang pinansin ang sinabi nito."Papasok na ako sa office bukas, pero h'wag kayong mag-aalala hindi na ako masiyadong magpapagod," sabi ni Cally sabay pasalampak na naupo sa sofa."You made me very worried," sabi ni Frederico."Stop thinking Lolo, normal naman ang lahat ng lab test ko kaya h'wag na kayong ma-ano diyan," sabi ni Cally sabay hikab."Vin will visit you and he's now on his way. Hindi ka raw niya napuntahan kanina dahil may importante siyang ginawa kaya naman dito na lang siya didiretso," sabi ni Frederico na ikinairap ni Cally."Mas importante pa kaysa sa 'kin? Kairita siya," wala sa loob na bulalas ni Cally na ikinatawa ng kanyang Lolo."Ikaw talaga, nagtatampo ka na agad sa fiance mo hindi ka lang niya nasamahan sa paglabas mo kanina," panunukso ni Fre
Napatulala na lang si Cally nang mawala na sa paningin niya si Vin at hindi makapaniwala napatingin sa kawalan dahil sa inasta nito sa harapan niya."Kanis!!" sigaw ni Cally mag-isa sabay bato niya ng throw pillow sa sahig nang biglang may maid na lumitaw muli sa kanyang gilid."Ma'am?" nagaalangang tawag ng maid."What?!" bulyaw ni Cally sa maid kaya napapitlag ito sa gulat."Ah, kasi po nandiyan po si Ma'am Ellise sa labas, papasukin ko po ba?" nangingiwing imporma ng maid kaya napairap si Cally sabay natampal ang noo."Of course papasukin mo! Kaibigan ko 'yan nagtatanong ka pa kung papapasukin mo?? Go! Let her in!" pasigaw na sagot ni Cally kaya naman dali-daling umalis agad ang maid at tumungo na sa labas.Mayamaya lang ay naririnig niya na ang yabag ng heels ng kanyang kaibigan ngunit hindi na siya nag-abalang salubungin ito."Babaita! Ang init ng ulo ah! Nasa lang labas pa lang ako pero rinig na rinig ko ang boses mo kung makasigaw ka naman sa katulong," bungad ni Ellise nang ma
"Welcome back Ma'am!" bati ng mga empleyado kay Cally kaya nagtataka siyang tiningnan ang mga ito."Anong nakain nila bakit parang masaya silang bumalik na 'ko ulit?" tanong ni Cally kay Ryan na tahimik lang na nakasunod sa kanya."Siguro natutuwa lang po silang makitang magaling ka na Ma'am," sagot ni Ryan ngunit hindi pa rin malinaw sa dalaga."I doubted, dahil baka nga sa loob-loob nila hiniling nila na hindi na sana ako gumaling dahil malaki ang galit nila sa 'kin," hindi naniniwalang sabi ni Cally."Hindi naman po siguro gano'n Ma'am, kayo lang ang nagiisip niyan," sabi ni Ryan habang patuloy lang sila sa paglalakad.Hindi na nagsalita pa si Cally at sumakay na sila ng elevator at sakto namang may dalawa silang nakasabay na mga empleyado rin ng company."Good morning po Ma'am," sabay na bati ng dalawa at tinanguan lamang sila ni Cally."Kamusta na po ang pakiramdam niyo Ma'am? Ayos na po ba kayo?" tanong ng empleyadong babae na lihim niyang ikinabigla kaya naman tinapunan niya it
Pagkababa ni Cally ng lobby ay kaagad niyang namataan si Vin mula sa labas ng building na tila may hinihintay habang nakasandal sa asul nitong Lamborghini.Naglakad siya papalabas ng building at agad siyang lumapit dito habang ang mga mata ay nakatingin sa sasakyan nito."Kahina-hinala ka talaga," bungad ni Cally nang tuluyan na siyang makalapit dito."Nandiyan ka na pala," sabi ni Vin at matamis itong nginitian at hindi niya na pinansin ang sinabi nito."Where did you get this car? Last time, itim ang dala mo nang unang beses ka nagpunta sa bahay para magpakilala kay Lolo at ngayon asul naman ang dala mo, mabuti pinahihiram ka ng Uncle mo," dudang sabi ni Cally habang naka-crossed arms."Mabait si Uncle, suportado niya ako sa lahat ng gusto kong gawin," pagsisinungaling ni Vin ngunit nandoon pa rin ang pagtataka ni Cally."By the way, bakit ka nga pala nandito sa tapat ng building?" tanong ni Cally habang nakataas ang isang kilay."I'm here to fetch you," sagot ni Vin."I'm still mad
Pagkababa ni Cally ay saktong bukas ng makukulay na ilaw kaya naman namangha ang kanyang mga mata sa nakikita at ang kaninang nakakatakot na buong paligid nagmistulang nagkaroon ng buhay."Nasa labas pa lang tayo, wala pa tayo sa loob," sabi ni Vin kaya napatingin ito sa gawi niya."Sinong nagmamayari lugar 'to?" tanong ni Cally."My family owns this place, this is our abondoned property at diyan sa mansion na 'yan ako lumaki," sagot ni Vin na may bakas ng tila lungkot sa kanyang boses."Bakit niyo inabandona? Sayang naman," panguusisa ni Cally at hindi niya napansin ang malumbay na ekspresyon ni Vin kaya naman mapait na lang itong ngumiti sa kanya."It's a very long story," tanging 'yon na lang ang naisagot ni Vin dahil masiyado nang personal para sa kanya ang tanong nito.Tumango na lang si Cally dahil nahalata niyang ayaw sagutin ni Vin ang tanong niya kaya naman nilibot niya na lang muli ng tingin ang paligid."Dito may ilaw, pero ang dadaanan natin papunta roon ay wala," imporma