Napatulala na lang si Cally nang mawala na sa paningin niya si Vin at hindi makapaniwala napatingin sa kawalan dahil sa inasta nito sa harapan niya."Kanis!!" sigaw ni Cally mag-isa sabay bato niya ng throw pillow sa sahig nang biglang may maid na lumitaw muli sa kanyang gilid."Ma'am?" nagaalangang tawag ng maid."What?!" bulyaw ni Cally sa maid kaya napapitlag ito sa gulat."Ah, kasi po nandiyan po si Ma'am Ellise sa labas, papasukin ko po ba?" nangingiwing imporma ng maid kaya napairap si Cally sabay natampal ang noo."Of course papasukin mo! Kaibigan ko 'yan nagtatanong ka pa kung papapasukin mo?? Go! Let her in!" pasigaw na sagot ni Cally kaya naman dali-daling umalis agad ang maid at tumungo na sa labas.Mayamaya lang ay naririnig niya na ang yabag ng heels ng kanyang kaibigan ngunit hindi na siya nag-abalang salubungin ito."Babaita! Ang init ng ulo ah! Nasa lang labas pa lang ako pero rinig na rinig ko ang boses mo kung makasigaw ka naman sa katulong," bungad ni Ellise nang ma
"Welcome back Ma'am!" bati ng mga empleyado kay Cally kaya nagtataka siyang tiningnan ang mga ito."Anong nakain nila bakit parang masaya silang bumalik na 'ko ulit?" tanong ni Cally kay Ryan na tahimik lang na nakasunod sa kanya."Siguro natutuwa lang po silang makitang magaling ka na Ma'am," sagot ni Ryan ngunit hindi pa rin malinaw sa dalaga."I doubted, dahil baka nga sa loob-loob nila hiniling nila na hindi na sana ako gumaling dahil malaki ang galit nila sa 'kin," hindi naniniwalang sabi ni Cally."Hindi naman po siguro gano'n Ma'am, kayo lang ang nagiisip niyan," sabi ni Ryan habang patuloy lang sila sa paglalakad.Hindi na nagsalita pa si Cally at sumakay na sila ng elevator at sakto namang may dalawa silang nakasabay na mga empleyado rin ng company."Good morning po Ma'am," sabay na bati ng dalawa at tinanguan lamang sila ni Cally."Kamusta na po ang pakiramdam niyo Ma'am? Ayos na po ba kayo?" tanong ng empleyadong babae na lihim niyang ikinabigla kaya naman tinapunan niya it
Pagkababa ni Cally ng lobby ay kaagad niyang namataan si Vin mula sa labas ng building na tila may hinihintay habang nakasandal sa asul nitong Lamborghini.Naglakad siya papalabas ng building at agad siyang lumapit dito habang ang mga mata ay nakatingin sa sasakyan nito."Kahina-hinala ka talaga," bungad ni Cally nang tuluyan na siyang makalapit dito."Nandiyan ka na pala," sabi ni Vin at matamis itong nginitian at hindi niya na pinansin ang sinabi nito."Where did you get this car? Last time, itim ang dala mo nang unang beses ka nagpunta sa bahay para magpakilala kay Lolo at ngayon asul naman ang dala mo, mabuti pinahihiram ka ng Uncle mo," dudang sabi ni Cally habang naka-crossed arms."Mabait si Uncle, suportado niya ako sa lahat ng gusto kong gawin," pagsisinungaling ni Vin ngunit nandoon pa rin ang pagtataka ni Cally."By the way, bakit ka nga pala nandito sa tapat ng building?" tanong ni Cally habang nakataas ang isang kilay."I'm here to fetch you," sagot ni Vin."I'm still mad
Pagkababa ni Cally ay saktong bukas ng makukulay na ilaw kaya naman namangha ang kanyang mga mata sa nakikita at ang kaninang nakakatakot na buong paligid nagmistulang nagkaroon ng buhay."Nasa labas pa lang tayo, wala pa tayo sa loob," sabi ni Vin kaya napatingin ito sa gawi niya."Sinong nagmamayari lugar 'to?" tanong ni Cally."My family owns this place, this is our abondoned property at diyan sa mansion na 'yan ako lumaki," sagot ni Vin na may bakas ng tila lungkot sa kanyang boses."Bakit niyo inabandona? Sayang naman," panguusisa ni Cally at hindi niya napansin ang malumbay na ekspresyon ni Vin kaya naman mapait na lang itong ngumiti sa kanya."It's a very long story," tanging 'yon na lang ang naisagot ni Vin dahil masiyado nang personal para sa kanya ang tanong nito.Tumango na lang si Cally dahil nahalata niyang ayaw sagutin ni Vin ang tanong niya kaya naman nilibot niya na lang muli ng tingin ang paligid."Dito may ilaw, pero ang dadaanan natin papunta roon ay wala," imporma
"Yes, I like it," sagot ni Cally habang hindi rin mapalis ang kanyang ngiti sa mukha dahil sa labis na pagkamangha."I'm happy to see that you really like being here, hindi gaya kanina na bago pa lang tayo papunta," sabi ni Vin sabay nilibot niya rin ng tingin ang buong paligid."Hindi ko naman kasi alam na sa ganito pala katahimik at kagandang lugar mo 'ko dadalin," sabi ni Cally at nginitian lamang siya nito."Let's go to the balcony, nandoon ang mas magadang view," yakag ni Vin sa dalaga at nauna na siyang tumungo roon kasunod ito."Wow..." namamanghang reaksyon ni Cally nang makarating na sila sa mismong balcony na may kahoy na railings.Tanaw mula rito ang kabuuan ng nasa ibaba dahil ang three house na ang pinaka-mataas na puno rito.Kitang-kita niya ang maraming alitaptap na naggagala idagdag pa ang liwanag ng buwan at ang mga ilaw na pinasadya ni Vin na siyang nagbibigay buhay rin sa maaliwalas na paligid at tanawin."Ang ganda rito... I didn't expect this," sabi ni Cally haban
"Have a wonderful morning everyone!" Maganda ang gising na bati ni Cally sa kanyang Lolo at sa mga maids at butler."Good morning din naman hija, it's nice to see you happy in the morning," bati rin ni Frederico sa apo.Hindi na sinagot ni Cally ang puna ng kanyang Lolo at sa halip ay nginitian niya lamang ito ng matamis at dumako ang tingin niya sa mga katiwala at kasambahay."Let's eat breakfast together, maupo na kayo." Nakangiting yakag ni Cally sa mga ito na labis na ikinagulat ng lahat lalo na ng matanda kaya tiningnan siya ng mga ito na tila naging ibang tao siya sa paningin nila."What's wrong? Bakit ganiyan kayo kung makatingin?" Kunot noong tanong ni Cally."Butler Han, paki-tawagan nga ang family doctor," utos ni Frederico sa Butler habang ang atensyon ay nasa apo pa rin."Lolo, I'm not sick," saway ni Cally sabay napaawang ang kanyang bibig."Gusto ko lang naman makasiguro na baka epekto 'yan ng gamot na itinurok sa 'yo," sabi ni Frederico at halata ang pagpipigil ng tawa
"You brought her there?" tanong ni Ryan."Yes," tipid namang sagot ni Vin sabay tungga niya ng hawak na beer at unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa sa kanyang mukha."Tatlo na pala tayong may access sa lugar na 'yon," sabi ni Ryan na tila may kung ano sa boses."You sound odd again, may problema ba? Ano naman kung tatlo na tayong may access do'n? Bakit may masama ba?" tanong ni Vin na may pagtataka."Wala naman... masaya nga ako that you brought a girl there," sagot ni Ryan sabay tingin sa malayo."Kilala kita, alam ko ang tono ng boses mo kapag may problema ka, kaya sabihin mo na kung ano man 'yang bumabagabag sa isipan mo," sabi ni Vin na tila pinaaamin ito."I'm just thinking, paano ba kasi kayo naging magkakilala ni Ma'am Cally sa ganoong iglap lang," curious na sabi ni Ryan kaya naman napabuga si Vin ng hangin."Nasabi ko na sa 'yo no'n at napag-usapan na natin 'to hindi ba? Sabihin mo nga ang totoo sa 'kin. What's bothering you??" tanong ni Vin sa kanyang kaibigan."H'wa
Kasalukuyan sapo ni Vin ang kanyang ulo habang nakaupo sa ibabaw ng kama sa loob ng kanyang silid. Hindi niya lubos maisip na ganu'n siya kadaling nawala sa sarili.Napadako ang tingin niya sa pinto nang bigla itong magbukas at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Ryan at kaagad siya nitong nilapitan."I brought her to her home," imporma ni Ryan."What did she say?" tanong ni Vin."Wala siyang sinabi, kinausap ko na rin siya na h'wag na siyang magpapakita sa 'yo ulit kung ayaw niya nang maulit pa ang nangyari and she promised that you won't see her again," sagot ni Ryan na ikinahinga naman ng maluwag nito."I can't believe that I lost my control easily," bulalas ni Vin sabay napahilamos gamit ang kanyang dalawang palad."I think you should see your doctor and ask for consultation," suhestyon ni Ryan ngunit umiling lang si Vin."Sobrang tagal na panahon na Ryan simula nang huli akong magpatingin and I thought everything was okay," dismayadong namang sabi ni Vin para sa sarili.Bumu