Share

Chapter 1

Euén's POV.

"A-aunt, please! Let me go!"  Wika ko nang bigla niyang higitin ang buhok ko.

Damang-dama ko ang pagbaon ng kuko ng stepsister ko na nakahawak sa magkabilang braso ko.

Nanggigigil itong nakatingin sa akin at sa halip na bitawan ay mas lalo niya pa itong hinigpitan.

"Mom! Let me do this" sabi ng anak nito at siya naman ang humigit sa buhok ko. 

Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakakapit sa buhok ko. Dahil feeling ko ay mapupunit na ang anit ko ano mang oras dahil sa higpit ng pag-kakakapit niya. 

Gusto ko mang maiyak dahil sa sakit ay pilit kong pigilan ito. Dahil alam kong kapag umiyak ako ay mas lalo lang silang gaganahang apihin ako.

"We said you're not allowed to go outside! Bitch!" Pinanlamigan ako ng katawan nang bitawan ako nito at itulak sa hagdan.

Sa bilis ng pangyayari ay di ko na namalayan na nasa ibaba na pala ako at dama ang bawat galos.

Bago pa ako mawalan ng malay ay malinaw ko pang nakita ang malademonyong ngiti nang mag ina.

••••••

"Kasalan mo kung bakit namatay si Acheron. Kung hindi ka naging makasarili ay hindi iyon mang yayari sa kaniya!" Panunumbat ng kung sino sa harapan ko. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya dahil sa labo nito.

Pero alam ko ay galit siya sa akin dahil sa bigat ng pananalita niya.

"W-wala akong ginawa. Hindi ko alam ang sinasabi mo" natatakot kong wika rito.

"Dahil sayo ay namatay siya kaya dapat ka na ring mamatay!" sabi ng taong iyon at akmang sasaksakin ako.

Napatayo ako at napangsinghap dahil sa bangungot na nakita ko.

Habol-habol ko ang hininga ko habang nakahawak sa dibdib.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa nakita ko. Kaya naman pinakalma ko muna ang sarili ko.

Sa pagkakaalala ko ay kaya masakit ang katawan ko ay dahil tinulak ako ng pesteng mag ina sa hagdan.

Tinignan ko ang kalendaryo nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto ko at doon ko napagalaman na dalawang araw na ang nakalipas sinula ng araw na iyon.

Ibig sabihin ay dalawang araw na rin akong nakahilata. Hindi rin sila nag abalang dalhin ako sa ospital dahil nakikita ko pa ang mga natuyong dugo sa braso ko.

Mga demonyo talaga.

Dahan-dahan akong tumayo dahil ang bigat-bigat pa ng katawan ko at nahihilo pa ako.

Lalabas na sana ako ng pintuan nang may nauna ng pumasok rito.

Yung step sister kong si Lycie. Simula pa lang nang iuwi ito ni daddy sa bahay ay puro pangungutya na at pang-aalipin ang ginawa nila sa akin ng nanay niya.

"O saktong-sakto pala eh." Lumapit ito sakin at pinagkrus ang dalawang braso.

Hindi ako sumagot dahil sa sakit na iniinda. Dadag pa ang hilo na nararamdaman ko.

"Lumabas ka na at may lilinisin ka pa!" Utos nito at dinuro-duro pa ang noo ko

Iniwas ko ang ulo ko rito dahil nakakadagdag lang siya ng hilo ko.

"Tss, pabigat. Loser!" Pangungutya nito at bago tumalikod ay inirapan muna ako nito.

Kala mo sinong maganda kung makapag taray. 

Hindi ko alam bakit ako natatakot diyan dati. Eh bukod sa pang Halloween niyang mukha ay wala ng nakakatakot sa kaniya.

Bumalik muna ako ulit sa kama ko at umupong muli para gamutin ang sugat ko at para na rin makapag pahinga ako. Na-i-stress ako sa step sister ko eh.

Mamaya na lang siguro ako bababa pag nakapag pahinga na ako. Para mamaya ay may energy ako para makipagtalakan sa kanila.

Matagal ko na talagang gusto lumaban sa mga yon kinulang lang talaga ako ng lakas ng loob.

Kung lakas ng loob lang pala ang idudulot sakin ng pagkabagok ay matagal ko ng inutog ang sarili ko.

"Hays, ano bang ginawa kong kasalanan nung past life ko at ganitong pamilya ang binigay sa akin?" Malakas kong tanong sa sarili habang patuloy pa rin ginagamot ang sugat ko.

"Wala sa past life yan. Ganyan ang buhay mo sa katangahan mo. Hindi ka lumalaban e'di ayan inaabuso ka" hinanap ko ang boses ng nag salita pero naagaw ng pansin ko ang tila bolang gumulong sa paa ko.

"hi Euén!"

"Tunang inaaaa!!" Malakas na sigaw ko sabay sipa sa pugot na ulong nag salita. 

Mabilis na lumipad ito at tumama sa pader.

"Goal!"

"Ang galing mo neng"

Tinignan ko kung sino ang mga nagchi-cheer na iyon.

Halos kumawala na ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa takot. Hindi lang pala iisa ang multo na kasama ko kung hindi tatlo.

"A-aray mapanaket ka ano?!" Singhal sakin ng nagmamay-ari ng ulo sabay pulot sa ulo niya.

Nag pikit at mulat ako ng paulit-ulit at tinapik ang mukha. Nagbabakasakaling panaginip lang ito.

"T-totoo kayo?" 

"Oo" sabay-sabay na wika nila.

"P-patay na kayo?" Muling tanong ko na tinanguan nila.

"Wag mo kong nililibang ah. Ang sakit mo manipa gaga!" Sabat nung pugot ulo.

"Akala ko patay ka na, eh bakit masakit?" 

"Eh gago pala tong isang to eh. Putulin ko kaya ulo mo tas gawin kong flying soser para madama mo" pinigilan ito ng ibang multo ng akmang susugod sa akin.

Kinuha ko naman agad ang krus na nasa may tabi ko at hinarap sa kaniya.

"Pwede naman nating pag usapan yan madam. Lapag mo lang yan" sabi ni ulo pagkakita sa krus.

Gaya ng sabi niya ay nilapag ko ito ngunit sinigurado kong nasa may tabi ko lang ito para madali ko lang makuha kung sakaling lapitan ulit ako.

"s-sino kayo? tsaka bat ko kayo nakikita? wala naman akong third eye dati ah?" tanong ko at tinignan sila ng puno ng kuryosidad.

Pinilit kong pinakalma ang sarili ko dahil halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. May kaba, takot, at pagkalito. 

"sa pangalawang tanong mo ay wala rin kaming alam. Pero sa una ay mauna ka na pugot!" sabi ni White lady at bahagyang siniko pa si pugot. 

"Ako si Shaoi Ross Davis, Ross ang tawag nila sa akin. Isang sundalong pinugutan ng ulo" pagpapakilala nito.

"Ako naman si Drazila Shan Claridad, isang doctor. Namatay dahil sa tatanga-tanga kong ka-chismisan hindi sinabi sa'king may dadaan palang dyip na bundol tuloy ako" asar na wika nito sabay irap. 

Bigla naman akong natawa dahil sa ekspresyon niya at dahilan ng pagkamatay niya.

"gaga! wag mo akong tawanan. Badtrip pa ako kay Marites. whoo! sarap isama sa hukay" gigil na wika nito at tumitig pa sa kawalan na parang may pinapatay na.

"Ayy magtigil ka Asel. Nga pala iha, ako naman ang mag papakilala. Lola Patring ang tawag nila sa akin. Namatay dahil sa katandaan" ngiting wika ni Lola Patring sa akin na sinuklian ko rin ng ngiti.

"Well, nice meeting you all. I am Sirese Euén Arcacia. Sa kabutihang palad buhay pa naman" ngiting pagpapakilala ko sa kanila.

Nginitian lang nila ako pabalik at tumango. Napansin ko ring naging komportable na ang ibang multo lalong lalo na si Ross na nakaupo na sa sofa ng kwarto ko.

"Matagal na kayo rito?" Pag papalit ko ng usapan.

"Kami ni Azil ay bago palang. Yang si lola ang matagal na. Kapapanganak pa lang ng nanay mo eh nandito na raw siya." 

Bagot na bagot na sagot ni Ross habang may hinahanap sa ulo niya. Para bang kinukutuhan ang pugot niyang ulo. Ngunit nagulat ako nang biglang may tirisin ito.

Ngiwi na lamang akong napatitig sa ginagawa niya.

'gago anong tiniris non? patay na kuto?' sa isip isip ko.

"may kuto ka?"

"wala, mukha kasing enjoy na enjoy ka kakanood eh kaya umeksena ako HAHAHAHAHAHHA"

Inikutan ko na lamang ito ng mata at hindi na pinansin.

Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil mas gumaan ang loob ko sa kanila. Ang kaninang takot na tinatago ko ay bigla na lang nawala. 

'hindi rin naman ata masamang mag karon ng kaibigang multo'

"Bakit pala hindi pa kayo tumatawid ng kabilang buhay?" Pag-iiba ko muli ng usapan.

"Di pa kami tinatawag eh. Siguro dahil may mission pa kaming dapat gawin?" hindi siguradong sagot ni Azil.

Wala ng sunod na nag salita at ilang minuto rin kaming natahimik. Nabasag lang ang katahimikan nang mag salita si Azil. Hindi na siguro nakayanan ang kachismisan.

"anong balak Euén? Atsay ka nila di ba? pinag lilinis ka na ng mga amo" 

Lukot ang mukha ni Drazila nang sinabi niya ito. Tila ba naiinis rin sa pinag gagagawa sa akin.

Nag kibit-balikat na lamang ako at napangisi dahil sa naiisip na gagawin.

Marahan akong tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang aming bahay at masasabi kong galing ako sa mayamang pamilya. 

Malaki ito at magara. Pinag halong white at coffee brown ang kulay nito. Meron din itong malalaking bintana dahilan para makita ang ganda ng tanawin sa labas.

Hindi pa ako natatapos tumingin sa paligid ay biglang may pumatid sa'kin.

Pag lingon ko ay si Lycie pala ito, ang step sister ko palang payaso. Agad akong tumayo at hinarap ito.

"Mabuti naman at naisipan mo pang bumaba babaita" taas kilay nitong litanya.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakapalan ng mukha ni Lycie. Napakagaling mag amo sa sarili naming bahay. Ginawa pa akong atsay. Kainis!

"Epekto rin ba ito ng makabagong teknolohiya? Pati b*sura nagsasalita" pang-aasar ko dederetso na sana ako sa hapag nang hawakan ako nito sa braso para pigilan

"Ang kapal naman ng mukha mo--"

"Pero mas makapal ang mukha mo! Lalo yang make up mo! Payaso!" pang-babara ko sa kanya and her jaw dropped because of that.

Akmang sasampalin niya ako pero na pigilan ko ito. Nakakarami na siya ng pananakit sakin, bakit dadag-dagan ko pa? Swerte naman niya.

"Subukan mong saktan ako, ipang-lalampaso ko sa sahig yang mukha mo" pag babanta ko rito

"A-at bakit ako matatakot sayo?" -siya

Hindi daw takot eh halatang-halata sa mata niya ang takot at pagkalito sa kinikilos ko. Nauutal pa nga eh.

"Tama, bat ka nga naman matatakot sa'kin? Kung mas katakot-takot yang pag-mumukha mo" hindi ko na inaksaya pa ang oras ko at pumunta na sa table para kumain.

Simpleng almusal lang kinain ko. Itlog, ham, at fried rice lang din naman kasi ang nakahain.

Sa kalagitnaan ng pag ngata ko ay biglang bumulong sa akin si Azil na nagpaalarma sa akin.

"Ayen, may balak na namang masama yung stepsister mo"

Nakiramdam ako sa gagawin niya at nang maaninag ko na ang paa niya sa baba ay agad akong lumingon dito.

Dahil sa gulat ay sa lamesa niya naitapon ang tubig na dapat sana sa akin itatapon.

"Oh my God! nabasa yung table! Kailangan ko ata ng basahan"  walang salitang hinila ko ang buhok niya at pinunas sa lamesa yung mukha niya.

"Ouch! Let go of me bitch!" Angal nito.

Di ko alam anong demonyo ang sumapi sa akin pero abot ang tuwa ang naramdaman ko nang dumaing ito. Hehe teka isang hila pa sa buhok.

Gaya ng gusto ko ay muli kong hinila ang buhok niya at kiniskis ang mukha sa may lamesa. Satisfying.

"There! Malinis na. Pwede ka ng umalis. Ba.sa.han." ngising utos ko rito. 

Namumula itong umalis sa harapan ko.

'ang gaga sumunod nga'

Napahagikgik ako dahil sa ginawa niya ang dalawa naman ay napatawa rin sa ginawa ko  habang si lola naman ay napailing na lamang.

"Impernes mars palaban ka na" Ross said then giggled.

"Na? What do you mean by na? Ano ba ako dati?" Mahinang bulong ko.

Nag katinginan ang tatlo at takang tumingin sakin.

Para bang kung tumingin sila sa akin ay isa kong mangmang. 

"seryoso girl? di mo alam kung gaano ka ka-loser dati?" gulat na gulat na tanong ni Azil.

Inilingan ko na lamang ito at napaisip.

'bakit nga ba parang may kulang sa mga naaalala ko?'

Nakita din siguro nilang na guguluhan ako kaya pinag patuloy nila ang pag kukwento.

"Well, daig mo pa ang sanggol na walang isip girl! Sinasaktan ka na ikaw pa nag sorry kaloka ka!" Sinimangutan ko lang ito at ngumuya ng pag kain.

"Maganda pala epekto nang nahulog sa hagdan ano bakla? Tumatapang eh. Tas biglang bukas ng third eye mo. Grabe lakas talaga ng loob mo. Nung buhay pa ako palaban talaga ako mare! Nako! Tropa ko yung tanod samin----"  natigil sa pag-sasalita si Azil ng batukan ito ni Ross.

"Umiiral na naman yang ka-chismosahan mo eh no? Si Euén pinag uusapan natin tas mauuwi sayo!" Asar na wika nito.

"Manahimik na nga kayo" saway ni lola.

"Ano ng gagawin mo? Pag uwi ng Daddy mo siguradong kawawa ka niyan. Sumbungera pa naman yang step sister mo kahit siya ang may kasalanan" pag-aalala ni Rico.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kampi nga pala ang tatay ko sa mag inang iyon. Pero wala naman akong pakialam.

"Bayaan mo sila. Mag sumbong sila kung gusto nila. Wala akong pake" pinal na sagot ko at muling sinubo ang huling pagkain sa plato ko.

"Fuck you bitch! What did you do to my daughter? How dare you?!" galit na galit na pag sugod sa akin ng step mother ko.

Hinihingal pa itong lumapit sa akin. Paano auaw kasing mag bawas ng kinakain kaya mabilis hingalin. 

Muntikan pa akong matawa dahil sa iniisip ko. Kinukutya ko na kasi siya sa isipan ko eh. Isipin mo sa kasaaman ng ugali ko nag mumukha na siyang tustadong baboy na hinihingal. 

Pinigilan ko ang tawa ko at kinausap siya.

"Oh! You're just on time!" I said and clapped my hands.

"Huh?" She gave me a confused look.

"Here kakatapos ko lang kumain. Wash it carefully huh?" Ngingisi-ngisi kong turan.

I gave her my plates and leave.

CHARACTERS:

Sirese Euén Arcacia

   •Sayris Yuweyn  Arkasya

Acheron

   •Akeron

Naiah

   •Naya

Shaoi Ross Davis

   •Shawi Ros Deyvis

Drazila Shan Claridad

   •Drazila Shan Claridad

Lola Patring

   •Lola Patring

Lycie

   •Laysi

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status