Share

Waiting For The Eclipse
Waiting For The Eclipse
Author: Klery_Cien

Prologue

Her POV.

I was in a book store looking for books to kill time until i saw this book dropped in the aisle.

Kinuha ko ito at ibabalik na sana nang maagaw ng pansin ko ang kakaibang cover nito. There's something inside me na humihikayat na basahin ito.

Mukhang napabayaan na ang libro na ito pero angat na angat pa rin ang kulay ng cover ng libro.

Base on the book's cover a demon and an angel is the lead. Looks like this book is about a demon and angel couple.

Hindi ko muna ito binalik dahil sa kuryosidad. I sat on the Floor and leaned on the book shelf behind me.

I flipped the page until I reached the last half of the book.

•••••••••

"BOO!" Pag gulat nito sa babaeng iniibig.

"Acheron! Enough! stop playing around. Mamaya makita nila tayo" pananaway nito sa kasintahan at bahagya pang pinalo sa braso.

"Naiah minsan na nga lang tayo mag kita nagsusungit ka pa" pagtatampo nito habang nang hahaba pa ang nguso.

Pinitik ni Naiah sa noo ang ginoong nag isip bata. Mas lalo namang napasimangot ang binata at napahawak sa noo niya.

Napatawa na lang ang dalaga dahil sa kakulitan ng kasinatahan niya.

"Nag iingat lang. Let's go Acheron" pabulong na wika nito at hinawakan sa kamay ang binata.

Palinga-linga silang naglalakad na akala mo'y isang kriminal na may pinag tataguan.

Nag tungo sila sa kanilang pinakatatagong lugar.

Dito sila namamalagi pag sila ay mag kasama. It's a neutral place where goods and bad can interact. They called it Earth, where human lives.

Pumasok sila sa hardin na pinamamalagian nila.

Ang hardin na ito ay may iba't ibang klaseng bulalak. Karamihan sa mga ito ay sabay nilang tinanim. Mayroon ding maliit na kubo rito upang mapag-pahingaan nila.

Ngunit tila isang baldeng malamig na tubig ang bumasa sa kanila pagkarating sa kanilang hardin.

Biglang pinanginigan ang mga ito nang makita ang naghihintay sa kanila.

Mga demonyo at anghel.

"Draco, dakipin mo na ang traydor na iyan" matigas na wika ng heneral ng impyerno.

Mabilis napahawak si Naiah sa kanyang kasintahan. Tila ba ayaw niya na itong pakawalan sa higpit ng hawak. Ganito na lamang ang ginawa niya sapagkat alam niya na ang kahahantungan ng binata.

Nag mamakaawa pa itong tumingin kay Draco na kaibigan nila upang bitawan si Acheron. Ngunit inilingan lang siya nito.

"Enough Naiah. Masyadong malaking gulo na ang ginawa niyo. Alam mo naman ang rule di'ba?" Mahinahong wika ng isang anghel at patuloy hiniwalay si Naiah.

Walang lakas nalamang itong napabitaw sa binata at tulalang pinagmasdan ang pag papahirap dito.

Nag tama ang paningin nila at nginitian siya ng binata. Hindi magawang suklian ng ngiti ni Naiah ang binata dahil sa matinding pag iyak nito.

Mas na pahagulgol si Naiah ng saksakin ng kasamahan si Acheron. 

"I love you, Naiah" ngiting wika nito at unti-unting bumagsak sa lupa. 

"Acheron!"  tanging sigaw niya na lamang.

Lalapit pa sana ito sa bangkay ng binata ngunit wala na siyang nagawa nang dinala na ito ng mga kasamahan.

"Halika na Naiah" wala sa sariling sumama ito sa kanila.

Mabigat ang dibdib niya at para bang pinipisa at tinutusok ang puso niya. Lalo na kapag na aalala ang itsura ng kasintahan bago ito mawalan ng buhay.

Sa maningning na kaharian sa itaas dumaretso ang mga anghel kasama na si Naiah.

Lumakad palapit ang babae at lumuhod sa may gitna.

"P-patawad ama. Patawad po" pag hingi ng tawad ni Naiah na sinundan ng mga pigil na hikbi.

"Pinapatawad na kita anak ngunit huwag mong aasahang wala akong ipapataw na parusa sa iyo. Gusto ko lang na matuto ka sa ginawa niyong pag kakamali. Alam mong malaking kasalanan ang inyong ginawa at bilang parusa ika---"

••••••••••

Naputol ang pag babasa ko ng hablutin ng kapatid ko ang libro.

"Hey bitch! What's this?" Mabilis nitong inagaw ang librong binabasa ko.

Gusto ko mang umangal ay alam kong wala akong laban dito.

Taas kilay niya tinignan ang librong binabasa ko at nandidiring tumingin sa akin.

"Neh! Ang pangit ng type mo. Let's go. Uuwi na daw. Bilisan mo kung ayaw mong maiwan" pagtataray nito at agad na umalis.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang cover ng libro bago umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status