Share

Chapter 3

Euén's POV.

Kinabukasan ay inihanda ko na ang mga damit na dadalhin ko. Si Shaoi lang ang kasama ko ngayon dahil si Lola ay hindi pa nauwi habang si Azila ay nasa kung saan ata at nag hanap ng chismis.

Di rin naman nag tagal ay dumating na si lola kasama si Azila.

"Pumayag naman po di ba lola?" pag-aalangang bungad ko rito 

"Oo nak. Wala naman magagawa yon. Di rin naman ako nag punta don para mag paalam kundi para mag sabi lang" ngiting wika nito.

"Maraming salamat po talaga lola! Aalis na po ba tayo?" Tuwang-tuwang wika ko at yumakap pa rito.

"oo neng sinabihan ko na rin yung apo ko na mag pahatid ng sasakyan para masundo ka."

"yooossshh! makikita na ulit natin si kuyang pogi marsyyy!" umarte pang mahihimatay si Azil dahil sa tuwa.

Napailing na lamang kaming dalawa ni lola sa pinag gagawa ng dalawang multong may sapak.

"ano ba kayo! tara na, tama na kaka-fangirl diyan" pag-aaya ko sa mga ito at na una ng lumakad kasunod si lola.

"Come on vamanos everybody let's go!" Kanta ni Pugot na sinabayan ng sayaw ni Azila.

Gusto ko man silang sabayan sumayaw ay pinigilan ko ang sarili ko.

Sino ba namang gustong mapag kamalang nasisiraan ng ulo di ba?

Bumaba na ako at nakitang nakaupo si Papa sa isahang couch ng living room.

Kunot noo itong napatingin sa akin lalo na sa maletang dala ko.

"Where are you going Sirese Euén?" Seryosong tanong nito.

"Somewhere, don't worry mister dahil hindi na ako babalik" nakangiting pag papaalam ko.

I can clearly see the pain in his eyes. 

"I w-won't stop you if that's what you want. I just want to tell you that if you want to come back, our house will always open for you" sinserong sambit nito ngunit mababakas ang pagkapahiya.

"Well, thanks" ngiting sagot ko. Isang tunay na ngiti.

Sana nga'y mag kaayos pa kami ng tatay ko. Pero sa tingin ko'y malabong mang yari iyon hanggat mananatili rito ang mag inang pinatira niya.

Hindi ko na ito sinagot ulit at lumabas na lang ng bahay. Ngunit kung mamalasin ka nga naman ay makakasalubong ko pa ang mag inang sumira ng buhay ko.

"mukhang may napalayas ah?" ngising pagpaparinig ni Lycie.

"may mukhang payaso ah?" ngising pagbabara ko rito na kinasama ng mukha niya.

"ha!" yun na lamang ang nasabi niya at hindi na nasundan pa.

Ilang sandali na paghihintay ay may tumigil na limo sa harapan namin.

"mom? sa mall lang tayo pupunta bakit umarkila ka pa ng limo?" takang tanong nito sa nanay niya.

"well it's fine din naman" papasok na sana ito nang may lumabas sa kotse.

"that's right pag buksan mo ko. ang tagal mo lumabas ah. Mommy bawasan mo ang bayad sa kanya" pagtataray nito sa Diver.

"n-nak hindi ako ang nag arkila niyan" utal na sagot ng step mother ko.

Mabilis namang namula ang mukha ni Lycie dahil sa pag kapahiya at mas lalong nalukot ang mukha nito ng lumapit sakin ang Drive.

"greetings young lady, I'm Butler Tim" marahan itong yumuko.

"H-hi Butler Tim" alangang bati ko.

Sumama naman ako nang alalayan ako nito papasok ng kotse.

"impernes yayamanin si lola" pasimple kong sabi.

"told yah girl!" sabat ni pugot na prenteng nakaupo sa tapat ko.

Hindi na ako nakipag kwentuhan pa sa kanila at in-enjoy na lang tanawin sa labas. Naputol lamang ang pag mumuni ko ng biglang huminto ang sasakyan.

Nag mamadaling lumabas ang dalawa at tulad nila ay excited na rin akong makita ang bahay na titirahan ko ngunit untog lang ang inabot ko dahil hindi ako tumagos tulad nila.

"shootness, buhay pa pala ako" bulong ko sa sarili at ngangarap na sana lamunin na lang ako ng lupa.

"dahan-dahan nak. Dadating ka rin sa tagos tagos na yan HAHAHAHA" sabi ng matanda at iniwan ako sa loob. Minsan sarap ding mangaltok ng matanda eh.

Pinag buksan ako ni Butler Tim at nakita ko na nang maigi ang labas ng bahay. Mas malaki ito sa bahay namin para bang palasyo ito dahil sa tayog at gara ng pagkakagawa.

"yung totoo lola, ano pong trabaho ng pamilya nyo at ganito kayo kayaman? any tips?" mahinang tanong ko rito.

"I'm a stripper" sagot nito sabay kindat. 

Nasamid ako sa sariling laway dahil sa sagot nito at nanlalaki ang matang napalingon rito.

"issa praaannk HAHAHAHA! Business woman ako neng. Ganun din yung family ko"

Matandang to minsan may saltik. Masama akong tumingin sa dalawa.

'mailayo nga si lola sa mga to'

"alam ko yang iniisp mo girl hindi namin hinawaan yan noh! talagang may sapak pa minsan minsan yan si lola sabay sa uso ganon" -Azil

Patago akong tumawa dahil sa sinabi ni Azil.

"Lola Pat" napatigil kami sa pag chichismisan ni Azil ng may lumapit kay lolang lalaki.

Kung hindi ako nag kakamali ay multo rin ito.

"Kyaaaahhh! May gwapooo!" iniwan ako ni Azil at lumapit kay lola.

Lalapit sana ako kay Pugot ngunit lumapit na rin ito kila lola.

Mga langya iniwan lang ako. Parang di na ako belong nakakita lang ng gwapo.

"Wag ka ng mahiya young lady lumapit ka na din sa kanila" gulat akong napatingin kay Butler Tim na nasa may gilid ko na pala.

"P-po? Nakikita niyo rin po sila?" Gulat na tanong ko.

"Yes"

'eh kung oo sana sinabi mo na kanina pa ng hindi na ako nagpipigil na makipag chismisan' asar kong sabi sa isip.

Ngiting tumango na lang ako rito at lumapit sa kanila.

"Oh sakto at ipapakilala na kita neng. Yrion si Euén bagong makakasama natin sa bahay. Euén si Yrion walang dulot sa pamilya" pabirong pag papakilala ni lola na ikinanguso nito. Wala sa sarili naman akong napahagalpak ng tawa.

Minsan talaga may tama si lola.

Pero ewan ko talaga bakit ako natawa. Nakakababaw ata ng kaligayahan makasalamuha ng multo.

"Ano ka diyan la? Baka nakakalimutan mong kaya na nanatiling buhay ang pamilya natin dahil sa'kin" pagmamayabang nito.

"Isa ka pa kung makatawa ka kala mo close tayo" pagsusungit nito sa akin.

Pilit ko namang pinigil ang tawa ko. Bahala na kung saan lumabas ito. Respeto lang sa pamilya ng may bahay.

"Sige sabihin mo lang kung hindi mo na kayang pigilan ah? Baka gusto mo ng invitation card ni San Pedro." -Yrion.

Lumunok muna ako at huminga ng malalim bago pumutak.

"Lakas mang alok ah? Binigyan ka ba?" Ngising tanong ko rito. Hindi ko alam kung saang planeta ako kumuha ng lakas ng loob sa tanong ko na iyan.

Napahagikgik ang tatlo sa may likod ko damay mo na rin pala ang nagpipigil lang na si Butler Tim.

Matiim muna ako nitong tinitigan bago lumayas.

"HAHAHAHA ija galing mong mang bara paturo master" tawang-tawang wika ni lola na may paghampas pa kay pugot muntikan na ngang mahulog ang hawak nitong ulo dahil sa gulat.

Di ko alam hanggang kailan may sapak si lola. Pero okay na rin atlis hindi na kj tulad dati.

"Solid pre HAHAHAHA" sabay na sabi nina Ross at Azil.

"Tara na nga at ipapasyal ko kayo sa loob" pag-aaya ni lola. Nag punas pa ito ng luha dahil sa kakatawa.

Sumunod naman kaming tatlo kay lola.

Pag pasok palang namin ay malaking family portrait ang sumalubong. Para bang pag pasok mo ay nasa museum ka na dahil sa dami ng paintings na nakadikit sa bawat pader ng bahay.

Malayo layo rin ang nilibot namin. Nang mapag pasyahan naming mag pahinga muna.

Ang last route ko ay ang garden at library.

Sinabi ko na ito sa kanila pero ayaw na nila akong samahan. May mapa naman daw sa may hagdan at bawat corner ng bahay para di ako maligaw.

Pinabayaan ko na rin naman para makapag isa ako saglit. 

Una ko ng pinuntahan ang garden. Ang shala lang dahil yung garden nila halos kasing size na ng bahay namin.

Iniikot ko ang paningin ko at ang shrub na may imaheng babae ang nakaagaw ng pansin ko. Maganda siyang babae. pero di ko mapagkakailang mas maganda naman ako.

Nakakahanga ang gumawa nito dahil mukang alagang-alaga ito.

Mas nilapitan ko ang imahe ng babae ngunit napatigil ako dahil sa box na muntikan ko ng maapakan. Kinuha ko ito at pinagpag ang mga alikabok na napunta rito.

Mukhang mamahalin ang box na ito. Magaang ngunit na sisiguradong kong may laman sa loob dahil sa ingay nito. Matagal ko muna itong tinitigan, iniisip kung bubuksan ko ba o hindi. 

"hoy! pakielamera!" gulat akong napalingon sa kung sinong nag salita. akala ko kung sinong damuho, si Yrion lang pala.

"wala kang pruweba ah!" tarantang sagot ko rito.

"eh bat may hawak ka? kasi pinakialaman mo!" asar to kung makapang husga.

Agad kong tinapon yung box na kaninang hawak ko

"oh ayan wala na. Asan ang pruweba mo?" alanganing tanong ko rito.

"aba mautak kang babae ka ah!" sabi nito sabay madiing tumuro sa akin.

"bakit sayo ba yung box?" pag-iiba ko ng usapan.

"di ko nga mahawakan paanong magiging akin yan?" sinubukan niya rin itong hawakan ngunit tumatagos lang sa kamay niya.

"tsaka kung gamit ko yan dati di ko iiwan sa labas" masungit na dugtong pa nito.

"dami mong dada di naman pala sa iyo" lumapit ako sa box at kinuha ulit ito.

"oh eh akala ko ba hindi ka pakielamera?"

"napakag decide na ako kani-kanila lang na maging pakielamera ng 5%" pabalang na sagot ko rito.

Taka naman nitong pinag masdan ang ginagawa ko habang ako naman ay pinag sa walang bahala ang tingin niya.

Alam kong hindi tama itong ginagawa ko. Pero meron sa akin na nagtutulak para buksan ito. 

Inalog-alog ko yung box bago binuksan. Umupo muna ako sa lapag bago isa-isahing tignan ang laman nito.

"sure kang 5% na pakielamera lang yan? Eh binubuksan mo na oh" di ko namalayang nakikiupo na rin pala sa tabi ko si Yrion.

"e'di dagdagan mo ng 5% ulit. Tsaka pwede ba kung mangungulit ka lang din eh lumayo-layo ka na sa akin at na kakairita ka." asar na sabi ko rito at sinamaan siya ng tingin.

Di ako nito pinansin at nag patuloy lang sa panonood kaya ako naman ay nag patuloy na lang rin na mangielam.

Characters:

•Butler Tim

•Yrion

   Iryon

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status