Share

Chapter 64

Devine

Para akong kandilang unti-unting nauupos. Hindi! Hindi siya iyan! Hindi ako na niniwalang si Garrett ang taong nakita nila. Hindi totoo ito, hindi pa patay ang asawa ko! Hindi! Parang pinipiga ang buo kung katawan, ang puso ko, ang kaluluwa ko! Hindi ko na yata kayang lagpasan ang pagsubok na ito. Ang dami-daming pwedeng mangyari bakit ganito? Bakit siya?

''Devine?'' Tumulo ang mga luha ni Sam noong tawagin niya ako. Banayad niyang hinaplos ang likod ko at niyakap niya ako.

''Pwede mo na siyang makita...''

''Sa ganitong paraan?'' Humikbi ako ng tuluyan. Pinilit kong maging matatag, maging matapang.

Inalalayan ako ni Sam. Paisa-isa ako ng hakbang papalapit sa itim na bag kung saan inilagay si Garrett. Nanginginig ang buo kung katawan. Namamanhid ako. Dahan-dahan akong lumuhod sa tabi noon. Habang dahan-dahan nilang binubuksan iyon lalong sumasakit ang dibdib ko. Gustuhin ko mang umasa na buhay pa siya. Heto na! Wala na. Wala na ang asawa ko..

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status