Share

Chapter 65

Devine

''Iwan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa,'' Walang buhay na sinabi ko kay Sam. Ilang linggo na ang nakaraan noong mailibing si Garrett. Hanggang ngayon sobrang bigat at sobrang sakit pa rin. Hindi ko magawang tapusin ang isang buong araw na hindi ako umiiyak. Walang gabi na hindi ko hinanap ang mga yakap niya. Walang umaga na hindi tumulo ang aking mga luha. Kung pwede ko lang ibalik ang mga araw na nandito siya. Gagawin ko.

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. ''Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka o kaya si Erika.'' malumanay na sinabi niya.

Tamad akong tumango.

Hindi naman na sana niya kailangan na manatili pa dito sa mansyon pero ginawa pa rin niya. Siguro iniisip niya na pababayaan ko ang sarili ko o kaya baka magpakamatay ako. Which is minsan ko nang tinangka pero nakita lang ako ni Erika.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko noon, dalawang gabi matapos mailibing si Garrett. Basta sobrang bigat at sobrang sakit iyong hind

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status