Share

Chapter 10

Classes stopped at exactly 5:00PM. We prepared to go home but Aesther insisted on going to the mall first. Hindi naman sana problema 'yon kung hindi lang talaga dahil kila Cheska. Kailangan ko pa kasi silang ihatid gaya ng sinabi nila.

"I have things to do pa kasi Aesth, eh," sabi ko sa kanya. I don't want to disappoint her but Cheska and her alipores were clear about punishing me if I tell anything to Aesther.

"Please, please, please? Sige na, samahan mo na ako. Minsan lang eh," she pleaded. Mukhang wala na akong magagawa nito.

"Okay, ganito nalang, punta muna akong kabilang section dahil may kailangan ako doon, then after that we'll go, okay?" suggestion ko sa kanya. Agaran naman siyang tumango na parang bata kaya natawa ako. "Okay, let's go."

Naglakad na kami papunta sa section nila Cheska. Nang makarating kami doon, pinalayo ko muna si Aesther para hindi niya marinig ang pag-uusapan namin. Nakita na kami ng tatlong master malayo palang kaya paniguradong naghihinala na ang mga ito.

"Well, well, well, why are you together?" tanong ni Cheska.

"Maybe she already broke the rule," sabi naman ng isa.

"Hindi, hindi. Ano kasi..." sagot ko pero parang hindi ko alam ang sasabihin. "Uhm... Gusto kasi ni Aesther na pumunta ng mall kaya magpapaalam muna ako sa inyo. Promise wala akong sinabi sa kanya," dugtong ko.

"Talaga lang ha?" tanong naman ng isa.

"Totoo naman eh, sinabi ko lang na may kailangan ako sa inyo kaya pumunta ako dito," pangangatwiran ko.

"Okay," sagot niya. Ngumiti siya ng matamis pero hindi siya nakatingin sa akin, kundi sa likod ko. "Hi, Aesther," bati niya. Nasa likod ko na pala si Aesther. Ngumiti at tumango naman si siya bilang tugon.

"Let's go?" tanong niya sa akin. I nodded and smiled knowingly to the three of them and turned away. Actually, this is better than me accompanying the three in the mall because when I'm with Aesther, I don't feel like I'm a slave.

The walk to the nearest mall is about 5 minutes but she insisted on riding her car. Ang lapit lang naman eh, pero sige na nga. Mas mabuti na din siguro 'to. After more than a minute, we arrived. Her driver parked the car while we went inside.

Kakapasok palang namin, hinatak na niya ako papuntang dress shop ng paborito niyang brand. So I was just tailing her as she go around and checks the dresses that she likes.

As we were walking futher into the store, I saw a dress that's very beautiful. Nilapitan ko ito at tiningnan. It is a navy blue off shoulder bodycon dress, pero pagdating sa hita, maluwag na ito at may mga ruffles pa.

Sobrang ganda din ng tela nito. I checked the price and I think I have to sell my kidney first before I can afford this. It's almost the same as my sister's tuition fee.

Nagagandahan man, hindi na ako nag-abala pang suriin ito ulit. Ayoko nang tignan 'yon, baka kung ano pa pumasok sa utak ko.

Hinanap ko si Aesther at nakita ko siya doon sa shirt section. Pumunta ako sa kanya at nagsabi na sa couch ko siya hihintayin. Umupo naman ako doon sa couch na nasa loob ng shop. Tinignan ko ang oras at magbe-bente minuto na pala kaming nandito sa loob.

Habang nakaupo at nakatunganga lang, may nakita akong fashion magazine sa lamesang nasa harap. Kinuha ko naman ito at binuksan.

First page na first page parang sinusubukan ako ni Lord. Nakita ko kasi kaagad ang damit na tinitignan ko kanina lang. Suot ito ng magandang model at bagay na bagay sa kanya ang damit. Nakalagay din doon kung saan ito galing, na nagmula pa pala sa bansang Australia. At siyempre, ang nakakamatay na presyo nito.

I flipped past the page that I don't want to review anymore. Marami pa akong damit na nakita na sobrang ganda, pero sobrang mahal din. Habang nagbabasa, kinalabit ako ni Aesther at sinabing aalis na daw kami. Mabuti naman at tapos na siya. Nagutom kasi ako eh.

"Kain muna tayo, nagutom ako eh," sabi niya. Parehas pala kami. Kakasabi ko lang din sa isip ko na nagugutom na ako. Tumango nalang ako at sumunod sa kanya papunta sa isang Italian restaurant.

"Aesth, wala akong pera, ang mahal diyan eh," sabi ko sa kanya.

"Eh, gusto ko ng pasta eh," sagot naman niya.

"Hindi ba pwedeng sa fastfood doon sa kabila? May pasta din naman doon," suggestion ko.

"Sige na nga." Huminga siya ng malalim bago sabihin 'yon. Mukhang napipilitan dahil sakin. Eh, ano'ng magagawa ko? Wala akong pera eh.

Pumunta kami sa kalapit na fastfood at pumili para umorder. Si Aesther naman ay naghanap na ng uupuan. Ang haba ng pila tapos nasa hulihan pa ako. Habang nakapila, tumingin tingin muna ako sa paligid hanggang sa umusad na nga ang pila.

I'm supposed to take a step forward but someone took the place before me and blocked my view. Nang, tingnan ko ito, isa siyang babae na may mahabang buhok. Naka skinny jeans siya at cropped shirt.

Okay... Maganda siya tignan sa likod kasi likod lang naman niya ang nakikita ko. I poked her shoulder at humarap naman siya. She's a couple of centimeters taller than me, at tama nga ang hinala ko, maganda nga siya. She has this Half-Filipino Half-Indian look.

"Uhm, sorry but I'm the last person when you came in, you should be lining up after me," sabi ko sa kanya. But instead of doing so, she just smirked, raised her eyebrow, then turned her back. English naman ang sinabi ko ah, hindi niya ba naintindihan 'yon?

I poked her again and what she did shocked the hell out of me. She slapped my hand and pushed my shoulders. Aba, hindi naman 'ata tama 'to?

"Look, whoever you are? I don't care," sabi niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "You came first? I still don't care. I will do what I want," dugtong pa niya.

"Excuse me? I believe that's not-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil humarap siya ulit at tinulak na naman ako. Natumba ako at masakit 'yon.

"Back off," sabi pa niya. Tumayo ako at hinarap siya.

"Ikaw na nga 'tong mali, ikaw pa ang nananakit? Iba ka din eh, no?" I confronted her. She just rolled her eyes, proceeded to the counter, and ordered. Hah, grabe na talaga mga tao ngayon, sobrang wala nang respeto sa kapwa.

Huminga ako ng malalim dahil parang hinihingal ako sa galit na hindi ko maipalabas. Tiningnan ko lang siya ng masama hanggang sa umalis siya dala 'yong order niya.

"Hey, are you okay?" tanong ni Aesther pagdating ko sa mesa dala ang pagkain namin. "I saw what happened pero hindi na ako nakalapit dahil umalis na din naman siya," dugtong niya.

"I'm okay. Finish your food," malamig na tugon ko. Mabuti nalang at hindi ko kilala 'yon, hindi ko na din sana siya makita muli.

Aesther doesn't seem convinced but did eat her food. After eating, lumabas kami at hinatid ko siya sa sasakyan nila. When we were in front of their car, she handed me a paper bag from the dress shop na pinuntahan namin kanina.

"What's this?" tanong ko nang matanggap ko ito.

"I bought an extra dress, then I thought baka pagalitan ako ni daddy kapag nakita niyang andami ko na namang binili, kaya, sayo na 'yan," mahabang sagot niya. Nagulat ako at isasauli ko sana sa kanya pero ayaw niyang kunin.

"No, Aesth, I can't accept that. It's your money, this is yours," sabi ko naman sa kanya. Pilit kong inaabot sa kamay niya ang bag pero pilit din niyang nilalayo ang kamay niya.

"Hey, hey, hey," sita niya sakin. "Accept it Kae. Bigay ko sa iyo 'yan. Atsaka sorry na din kanina dahil hindi man lang kita natulungan kanina no'ng inaway ka ng malditang 'yon sa fastfood," dugtong pa niya.

"Ano ka ba, okay lang 'yon. Wala namang kaso sakin 'yon. Basta kunin mo 'to, hindi ko matatanggap 'to," sagot ko na pilit binabalik ang paper bag sa kanya. Pero nabigla ako nang dumiretso siya sa loob ng sasakyan at sinara ang pinto.

"That's yours. Open it when you get home," sabi niya na may kasama pang kindat. "Bye, love you," mabilis niyang tugon at umalis na ang sasakyan nila.

I sighed deeply dahil wala naman akong magawa kundi dalhin 'to. I went to the bus stop and rode back home. Pagdating ko sa bahay, kalat ang salubong sakin. At dahil katulong ang turing sa akin dito, I cleaned the whole place at 9:00 pm na ako natapos.

After cleaning myself, I prepared to go to sleep pero nakita ko ang paper bag na binigay sakin ni Aesther. With curiosity, I opened the bag and what I found inside made my heart warm. It was the dress I was looking at the store. Ang mahal nito eh, bakit pa niya binili 'to? With this in mind, I texted her.

Me: Hey, I would like to thank you, but this is really expensive. I can't accept this.

Aesther: Don't feel bothered. That's for you, therefore, that's completely yours.

I guess I can’t really convince her to take the dress with her. She’s so adamant on giving it to me. So I just replied with “Okay, fine” and bid goodnight to her.

However, the night doesn’t seem to be good with me. Nakailang ulit na ako ng iba’t-ibang posisyon sa pagtulog pero hindi pa rin ako makatulog. Umalis ako sa kama at nagtimpla ng gatas. Inilagay ko ito sa isang styro cup at dinala sa labas. Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad dala ang gatas ko. The wind is cold but I don’t seem to be bothered by it. Ni hindi nga ako nagsuot ng jacket.

I finished my cup of milk and noticed that I was in front of the convenience store. I wasn’t aware that I’ve walked this far. Since nandito na din naman ako, papasok nalang ako. I went inside and grabbed a box of milk to drink while walking home. Pagkatapos kong magbayad, lumabas ako. I am busy putting the straw inside the box para mainom ito ng mabuti pero kung minamalas ka nga naman, may nakabunggo akong lalaki at natapon ang gatas ko. I am just looking at the wasted milk, begging myself not to cry over it.

“Kae! Hey!” nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Nang tingnan ko kung sino, mas lalo akong nagulat at lalong nanlaki ang mga mata ko. “I’m sorry for your milk. Here, I got you the same. I’m really sorry.” Inabot niya sakin ang bagong box ng gatas.

“A-a-” said I, stuttering. Nilagay niya sa kamay ko ang gatas at nagugulat ko pa rin itong tinanggap. Masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko at halos matumba ako nang tuluyang umalis si Sidhean palabas ng convenience store.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status