Share

Chapter 9

Classes resumed by monday and we're back to the same stress and frustration we felt on the first week of school. Days really fly fast. I couldn't even imagine myself still existing despite of those unimaginable happenings in my life the past week.

I was walking through the corridors and went to the locker area. The bell hasn't rung yet so the masters had their dose of works for me to do this early. When I entered the school gates, I was surprised that they were also there, only for me to know that they purposely waited for me to arrive just to carry their bags.

Nang mahatid ko sila sa kanilang classroom, heto ako't naglalakad patungong locker area to switch the things in their bags. Turns out they brought different books today, which I believe they planned to do. And now, they asked me to switch things in their respective lockers. Binigay naman nila sakin 'yong susi.

When I arrived at the leader's locker, whose name I found out is Cheska, I opened it. Pinalit ko 'yong Filipino book niya sa English dahil 'yon 'yong gagamitin daw nila ngayon. Same as with the two alipores, I exchanged the books that they brought to the English ones in their lockers.

Medyo padabog kong sinara ang mga 'yon dahil wala na nga akong tulog kagabi, ito pa aabutin ko sa school. Scam din kasi ang moon kagabi eh. Akala ko pa naman magiging matiwasay ang tulog ko pero kabaligtaran ang nangyari. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa takot kong bangungutin na naman.

I walked back to their room dala ang mga English books nila. Nakayuko lang ang ulo ko, yakap ang mga libro, at parang tinatamad na naglalakad. Napatigil ako at napatingala nang may dalawang kamay na pumigil sa magkabilang balikat ko. Nang tingnan ko, ang nakabusangot na mukha ni Aesther ang nakita ko. Umayos naman kaagad ako ng tayo.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sabay tingin sa mga librong hawak ko. Hindi kasi English ang first period namin at tatlo pa ang dala ko kaya siguro nagtataka siya.

"Ah, isasauli ko lang sa mga may-ari. Andoon room nila eh," sagot ko naman at nginuso ang room nila Cheska.

"Oh, okay. Samahan na kita," alok niya.

"Ay, huwag na," pigil ko sa kanya. Baka kasi anong isipin nila Cheska 'pag nakita nilang kasama ko ang isang 'to. Baka isipin nilang nagsumbong ako o ano. "Ako na lang, kaya ko naman eh. Mauna ka na," dugtong ko pa.

"Sure--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nag-ring na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

Nagpaalam ako sa kanya at dumiretso sa room nila Cheska. Ibinigay ko ang mga libro nila at pagkatapos ay dali-dali akong pumunta sa classroom. Tamang tama lang ang dating ko dahil kakadating lang din ni Ma'am.

Nagdiscuss ng kaunti si Ma'am at pagkatapos ay hinati kami sa limang grupo para sa isang project. Tigwa-walong tao bawat grupo at naging kagrupo ko si Sidhean. Nasa kabilang group naman si Aesther. Nagtatampo nga siya dahil hindi niya naging ka-grupo ang crush niya.

Few minutes passed and we're given the remaining time to plan for our project. I can't volunteer to lead because I know for a fact that they don't like having me in their group. Si Sidhean lang yata dahil kanina pa siya nakangiti sa akin.

"Hay nako, sana sa iba nalang siya napunta, wala namang may maitutulong 'yan eh," pagpaparinig ng isa. Alam ko naman na ako ang tinutukoy niya.

"Uhm, Sidhean, may gusto ka bang i-suggest sa project na gagawin natin?" tanong ng isa na halatang nagpapacute dahil ang nipis ng boses. Hindi naman ganyan ang totoong boses niya eh.

"Uhm, wala akong maisip eh... si Kaela! Baka may idea siya," sagot ni Sidhean na ikinagulat ko. Pinapahamak ba ako nito? "Kae, may idea ka ba?" tanong pa niya sa akin.

Tiningnan ko naman sila isa-isa at halata namang napipilitan lang silang tumingin sakin dahil si Sidhean ang nagsabi. Lakas din kasi kamandag ng isang 'to eh.

"Gawan nalang siguro natin ng review 'yong tungkol sa tax reform, para kahit papaano ay related sa diniscuss ni Ma'am atsaka napapanahon din kasi ang topic," sagot ko sa kanila at nakita ko namang parang ayaw nilang mag-agree sa sinabi ko.

"Yes! 'Yon nga! Magandang idea 'yan. The best ka talaga Kae!" biglang hiyaw ni Sidhean. Ok lang ba siya? Mukha ngang di nila gusto eh. "Ano? 'Yon nalang gawin natin," panghihikayat pa niya sa mga kasamahan. Nakakabilib lang na napa-oo naman niya ang halos lahat.

"Ok, divide nalang natin 'yong parts sa bawat isa," sagot ng isang babae.

They divided the work and most of them got the easy ones. Ako nalang at si Sidhean ang natira para sa review mismo. Wala na kaming nagawa kung hindi ang kunin 'yon kahit pa ito ang pinakamahirap sa lahat.

"Ok, so since may mga gagawin na tayo, no need for us to meet on the weekends. We'll just be working with what's given us and then if you're done, send me the soft copy and I'll compile the work. The deadline should be on Wednesday so that we can still have it checked and revise it," mahabang litanya ng isang kaklase ko. So I guess she volunteered to be the leader. We all agreed and were dismissed. We went back to our seats.

Nang maupo ako, tumabi si Sidhean sakin at kinalabit ako.

"Ano na naman bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya na parang nababagot na.

"'Yong gagawin natin, kailan tayo gagawa?" tanong niya.

"Ok na, ako nalang gagawa no'n," sagot ko naman. Kaya ko namang gawin 'yon eh.

"Ay, hindi ako papayag diyan no, dapat sabay tayong gagawa no'n," makulit niyang sabi. "What if I go to your house?" suggestion niya.

"What? No!" nabibigla kong tugon. Hindi siya pwede doon. Baka kung ano isipin at sabihin ng tita at mga kapatid ko.

"Edi sa bahay ko nalang. Punta ka sa bahay ko," suggestion niya ulit. Bakit ba ang kulit niya?

"Ayoko, marami akong gagawin, hindi ako makaalis ng bahay," sagot ko naman.

"Eh, ano nang gagawin natin?" tanong niya na parang frustrated na siya.

"Sabi ko naman kasi diba? Ako na ngalang ang gagawa. Check mo nalang pagkatapos," sagot ko naman. Okay lang naman sa akin na ako lang gagawa eh. Mas pabor nga sakin 'yon dahil walang kokontra sa mga gusto kong isulat.

"Gusto ko sanang tumulong eh," sagot naman niya. Ang effortless naman niyang magpacute, magpa-pout lang cute na agad eh.

"Okay, ganito nalang. From 6:30 to 8:00 in the morning, I work in the Morning Dew. Kapag nagtatrabaho ako, you work on it, kapag naman wala nang customer, I'll help you," suggest ko naman sa kanya.

"Okay, that sounds good. Magdadala nalang ako ng laptop para madaling magsulat. May wifi naman kayo doon diba?" tanong niya at tumango ako. "It's settled then. Thank you," dugtong niya at umalis sa tabi ko para bumalik sa totoong pwesto niya.

Dumating na din ang next teacher namin at nagpatuloy ang discussion hanggang sa nag-ring ang bell hudyat na lunch break na. Nagdismiss kami at kanya kanyang alis ang bawat isa. Hinatid ko ulit si Aesther sa labas bago bumalik kila Cheska.

They decided to eat at the mall so we went there and as usual, I am the one bringing all of our things and they were just walking like they're in a runway.

When they finally decided on where they would eat, we entered the famous fast food restaurant with the bee as their endorser. They narrated everything they want to order and of course, as per rule, I am the one lining up and getting us our orders.

Nang maupo ako, they began filming and taking photos of themselves to be put on their stories in different social media platforms. They do it definitely for fame. Wala naman kasing ibang naangkop na rason para sa kanila. Well, I don't have anything to do with it anyway, kaya hayaan nalang sila.

When we received our orders, we started eating and they began talking about how awful their teacher is and they're also badmouthing some of their classmates. Bakit ba ganito mga ugali nila? Napakatoxic.

Pagkatapos namin kumain, they spent the remaining time to shop and buy the things they wanted. Mga anak mayaman ang mga 'to pero hindi pa nag-private school. Sabagay, kung ako ang magulang, mas maganda ngang sa public school pag-aralin ang mga anak dahil marami silang matututunang aral. Nakadepende naman 'yon sa desisyon ng bawat pamilya eh.

Palipat lipat kami ng shop na pinapasukan dahil iba iba ang desisyon nilang tatlo. Merong gusto ang brand ng kabila, meron namang gusto 'yong discounted. They don't think as one kaya ang tagal nilang matapos sa pamimili. Umabot na kami sa supermarket, skincare products, bookstore, at marami pang iba. They even went to the bakeshop para bumili ng snacks nila mamaya.

After how many minutes of waiting and tailing for them, they finally would want to go back to school. Sabay-sabay kaming bumalik doon at nang maihatid ko sila sa kanilang room, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Bumalik na din ako sa room ko at nagsimulang mag-umpisa ang klase.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status