Share

Chapter 8

It's Sunday at magsisimba kami ngayon. Wala masyado akong tulog kagabi dahil may mga panaginip na naman akong hindi kaaya aya. 

Nasa isang gubat daw ako at nakatali sa isang puno. Umiiyak at sumisigaw ako pero parang mga demonyo ang nasa paligid ko at walang nakakarinig sa akin. Tawa lamang sila nang tawa. Mayroon silang binubungkal na lupa at nang malalim na ito, kinuha nila ako at tinapon doon. Walang silbi ang pagpupumiglas ko dahil ang lalakas nila. Wala ding silbi ang mga sigaw ko dahil mga bingi sila. Tinabunan nila ako ng lupa at doon na ako nagising na pawis na pawis.

Hindi ako nakabalik sa pagtulog no'n kaya kulang ako sa tulog. Dalawang beses na akong binangungot at hindi ako komportable doon. Kaya ngayon, magsisimba ako. Kailangan ko ang gabay ng Diyos tuwing gabi.

Nakabihis ako ng simpleng brown ruffle dress na hanggang ibaba lang ng tuhod. I also wore my red 2-inch wedge with strap. I put a little lip and cheek tint at lumabas. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago natapos ang mga kapatid ko at si tita.

Ate Kathlyn wore a white boho dress na flowy at mahaba ang nasa likod. She paired it with white heels. Ate Kheana, on the other hand, wore a polka dots long sleeved dress na above the knee with black belt, and she paired it with black boots. Para siyang Dior fashion model. Meanwhile, si bunso naman ay nakasuot ng high waist fitted jeans na color white at cropped top fitted blouse na navy blue. And for her feet, she wore sandals. Ang gaganda ng mga kapatid ko, mas pinapamukha sakin na di ako belonged sa pamilya.

Si tita ang pinakahuling lumabas. Nakasuot lang siya ng maong jeans at ruffle blouse na black and she paired it with white sneakers.

Lumabas kami ng bahay, naunang sumakay ng tricycle sina tita at Khyzel. Pagkadating ng isa pang tricycle, sumakay kaming tatlo, at siyempre, sa likod ako.

Nang makarating sa simbahan, nagsisimula na ang misa. Habang naglilitanya ang pari, nagse-cellphone naman ang mga kapatid ko. Para silang mga walang pakialam. Siguro 'yong punta nila dito ay para lang i-show off ang mga damit nila. The Lord will not be glorified if you're not listening, and he'll probably not listen to your prayers too. Ang tanong, are my sisters even praying? Baka nga natutulog nalang kaagad ang mga 'to.

Isang oras ang natapos at dumating na sa puntong magbebeso beso ang mga magpapamilya at sasabihing "peace be with you" pero hindi 'ata talaga ako pamilya dahil wala man lang may nagbeso o nagsabi ng mga salitang kailangang sabihin. I just greeted myself the same thing since no one ever greeted me.

"Peace be with you, Kae." Nagulat ako nang biglang may boses akong narinig malapit sa tenga ko. Nang lumingon ako, nakita ko ang natatawang si Sidhean na halos nakapikit na ang mga mata. Ano'ng trip ng isang 'to? 

"Nagulat ako do'n ha," sagot ko sa kanya na akmang hahampasin siya pero nakailag naman ito. Teka nga, close ba kami neto?

"Sorry, sorry," natatawang sagot niya. Bumaling naman ako sa harap dahil matatapos na ang misa. "Wala man lang 'peace be with you' diyan?" dugtong pa niya.

"Oh, edi peace be with you po," pabalang kong sabi.

"Ano ba 'yan, parang napipilitan lang," mahinang sambit niya pero rinig na rinig ko.

"Ewan ko sayo. Tumahimik ka nga diyan. At isa pa, close ba tayo?" supladang sagot ko. Nairita talaga ako no'ng nagulat ako sa kanya.

"Ouch, ang sakit naman. Hindi pa pala tayo friends?" tanong niya na nagpapaawa pa. Inirapan ko siya at bumaling ulit sa harap. "Sige na nga, can we be friends, Kae?" tanong niya at nilahad ang kamay niya sakin.

"Ano naman mapapala ko sa pakikipagkaibigan sayo?" tanong ko. Nagsimula na kaming lumabas dahil tapos na ang misa. Nahuhuli sina tita dahil may kausap pa siya.

"Uhm, you can tell me your problems, we can hang out sometimes, we can do what friends do," sagot niya.

Sasagot na sana ako pero biglang may tumikhim sa likod ko. Si tita pala. Tiningnan ni tita si Sidhean mula ulo hanggang paa. 

"Ah, tita si Sidhean po, classmate ko. Sid, si tita Mylalyn ko," pagpapakilala ko sa kanila. Nag smile naman si tita na parang napipilitan lang habang si Sidhean naman ay nagmano sa kanya. Napasapo ako sa ulo ko. Hindi ko siya nasabihan na huwag magmano dahil ayaw ni tita 'yon. Nakakatanda daw gawin.

"Dalhin mo 'to, uuwi na tayo," tugon ni tita sa akin sabay abot ng mga paper bags na dala niya. Bigay siguro 'to ng mga amiga niya na kausap niya kanina.

Nagpaalam ako kay Sidhean at hindi ko na nasagot ang tanong niya na kung pwede bang makipagkaibigan. Mabuti na rin siguro 'yon dahil kailangan ko munang mag-isip. Hindi ko pa naman siya masiyadong kilala. Ilang beses pa lang naman kaming nagkasama.

Sumakay ulit kami ng tricycle pauwi. Nang makarating sa bahay, nagbihis kaagad ang tita ko at pumunta sa bahay ng kaibigan niya. May birthday daw kasi doon. Kaming magkakapatid ang naiwan sa bahay. Wala din ang tito ko dahil palagi naman siyang umaalis. Siguro umiinom na naman kasama ang mga kaibigan niya. 

Nagbihis ako at nagsimulang maglinis ng bahay. Sinimulan ko sa sala papunta sa kusina, sa kwarto ko at sa labas ng bahay. Naglaba na din ako ng mga damit ng mga kapatid ko na hindi ko naubos kahapon. Nasa kalagitnaan ako ng pagkukusot ng damit nang biglang may mga damit na tumilapon sa nilalabhan ko. 

"Pakilaba na din niyan," sabi ng pangalawang ate ko, si Ate Kheana. Ito ang mga suot nila kani-kanina lang ah, palalabhan kaagad nila? 

"Pwede namang ibigay ng maayos eh, itatapon talaga?" mahinang litanya ko habang paalis si ate. Pero laking gulat ko ng makita ang mga paa niyang papalapit ulit. Narinig ba niya ang sinabi ko?

"Ano'ng sabi mo?" tanong niya. She even crossed her arms. Narinig nga niya 'yon. There's no point in denying.

"Ate kasi, pwede mo namang ibigay sakin ng maayos eh, sana hindi mo lang tinapon," maayos na pagpapaliwanag ko. Nararamdaman ko nang magagalit na siya.

"Pinagsasabihan mo ba ako? Ano'ng akala mo sa sarili mo? Boss?" galit niyang tanong. Isinigaw pa niya ang huling salita niya kaya napapikit ako.

"Hindi kita pinagsasabihan, maayos nga 'yong explanation ko eh," mahinahong sagot ko. Ayoko kasing sagutin ng galit 'yong galit niya. Sabi nga nila 'don't add fuel to the fire', kaya naging mahinahon lang ako.

"Aba, sumasabat ka pa ha," sabi niya at biglang sinabunot ang buhok ko. Nakatingala ako ngayon sa kanya na nasa likod ko at nakahawak sa buhok pababa. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa anit.

"Aray ate, ano ba? Bitawan mo 'ko," utos ko sa kanya. Pero imbis na bitawan, mas lalo pa niyang hinugot ang buhok ko. Naging sobrang sakit na ng kaninang masakit lang.

"You. Don't. Have. The. Right. To. Tell. Me. What. To. Do!" Isa-isang sambit niya na may kasama pang sampal bawat salitang binigkas niya. Kung nakikita ko lang ang sarili ko, siguradong pulang-pula ang mukha ko ngayon.

Nagmakaawa ako kay ate na itigil na niya. Iyak ako ng iyak dahil sa sobrang sakit. Pero sa totoo lang, mas masakit isipin na mismong kapatid ko pa ang gumagawa sa akin nito.

"Sa susunod, huwag mo 'kong utusan, naiintindihan mo?" tanong niya sa akin. Naiiyak naman akong sumagot ng tango. "At kung magrereklamo ka, huwag mong iparirinig, dahil alam mo na ang mangyayari sayo," dugtong pa niya.

Umalis si ate at pumasok sa loob ng bahay. Naiwan akong humahagulgol dahil sa sakit na nararamdaman sa katawan, lalo na puso. The word 'painful' is an understatement.

Kahit na may nangyari, pinilit ko pa ring maglaba. Natapos ako nang papagabi na. Mabuti nalang at may drier si tita. Pumasok ako sa kusina, kumuha ng ice at dinampi dampi ito sa pisngi ko. Namaga talaga ang magkabilang pisngi ko. 

Kapag naalala ko talaga, nasasaktan ako. Mismong pamilya ko kasi ang gumagawa eh kaya mas grabe 'yong epekto sakin. Kung sa iba naman mabilis lang mawala 'yong sakit eh, kasi sinaktan lang nila ako physically. Pero kanina, nasaktan ako physically at emotionally. Mukhang hindi na naman ako makakatulog nito.

Dumating ang gabi at tama nga hinala kong hindi ako makakatulog. Pwera sa sakit sa pisngi at anit, nangangamba din ako na baka magkaroon ako ulit ng panaginip. Nang tignan ko ang orasan ay maga-ala una na pala ng umaga.

Tumayo ako at pumuntang banyo para umihi at maghilamos. Pagkatapos ay kinuha ko 'yong jacket ko at lumabas ng bahay. I'm just wearing a pajama pair and a pair of slippers. I went to the convenience store.

When I arrived, I proceeded in getting a bottle of milk and paid it at the counter. As usual, wala na namang tao. Sana parehas din nila ako na nakakatulog ng mahimbing. Iyong hindi nag-iisip na baka may mapanaginipan na namang hindi kaaya-aya. Iyong hindi nakakaramdam ng sakit sa katawan dahil hindi naman sila sinasaktan.

May mga tao man sigurong hindi nakakatulog ngayon katulad ko pero, ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Pumupunta din ba sila sa malapit na convenience store sa lugar nila?

"Oo," nagulat ako nang may nagsalita sa gilid ko. Nang lingunin ko ay si Sidhean pala. Bakit ba ang hilig nitong manggulat?

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Atsaka, ano'ng oo ang pinagsasabi mo?"

"To answer your first question, andito ako dahil bumili ako ng inumin at nauna po ako sa iyo," sagot niya sabay taas ng iniinom niyang chocolate drink. "And for your second question, 'yong mukha mo kasi parang nagtatanong eh, hindi ko man alam ang tanong, nag-oo lang ako para mapansin mo," dugtong niya sabay taas baba ng kilay niya.

Hindi ko na siya pinansin at bumaling sa buwan. Ang ganda ng liwanag niya ngayon. Parang sinasabi sakin na huwag akong mag-alala dahil gagawin niyang tahimik at matiwasay ang pagtulog ko.

Inubos ko ang iniinom at tumayo. Aalis na sana ako nang hinawakan ni Sidhean ang braso ko. Tinignan ko naman siya na parang nagtatanong.

"Aalis ka na?" tanong niya. Tumango naman ako. "Eh, hindi mo pa nasasagot 'yong tanong ko eh," dugtong niya. Tanong? Ano'ng tanong?

"Ha?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"'Yong kaninang umaga," sabi niya. Napa- 'ahh' naman ako sabay tango tango. "So ano nga?" dugtong pa niya.

"Pag-iisipan ko," sagot ko naman. Nakita ko siyang nagpout kaya natawa ako. Ang cute niya.

Kinuha ko ang braso ko at umalis na. May pahabol pa siyang 'bye' pero kumaway nalang ako. Hay, sana nga buwan, sana nga. Sana makatulog ako ng tahimik ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status