Share

Ang Paglipat

Namamayani ang katahimikan ng gabi. Tanging ang tunog ng aming kobyertos ang maririnig ng mga pagkakataong yun. Walang sinuman ang gustong magsalita samin. Bumuntong-hininga si Leo. Napatingin ako sa kaniya.

"Ang lalim nun ah." biro ko sa kanya. Tumingin siya sakin. Ibinalik ko agad ang atensyon sa pagkain bang magtama ang aming mata. Hindi ko parin kayang magtagal sa titig niya. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay.

"I'm want to say sorry sa nangyari kanina. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako." wika niya.

Bakit parang napakasakit na marinig ang mga katagang iyon sa kaniya. Na hindi bukal sa kaniya ang paghalik niya sakin. Parang may punyal na sumaksak sa aking dibdib. Napakasakit. Napalunok ako. Hindi ko dapat ipahalata sa kaniya na naaapektuhan ako sa sinabi niya. Ayaw kong isipin niya na may gusto ako sa kaniya. Baka mapahiya lang ako.

"Ayos lang yun. Nadala din ako." wika ko at agad na tumayo para ligpitin ang aking pinagkainan. Tumayo na rin si Leo.

"Ireready ko lang mga gamit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status