Share

Her Life After Death

Third Person's POV

Hindi sigurado si Alianne kung tama pa ba ang ginawa niya. Ayaw pa niyang magpakasal dahil gusto niya munang maging malaya. But here she is, nakatayo sa pintuan ng simbahan kung saan ilang minuto na lang ay magaganap na ang kasal na hindi naman nito gusto.

Gusto rin naman niyang maranasan ang maikasal, pero hindi ganito kaaga at sana naman ay sa lalaking mahal na niya.

Habang nasa byahe papuntang simbahan ay ilang ulit rin itong nakakita ng mga lalaking naka-itim sa hindi kalayuan. Hindi nito malaman kung ano ba ang trip ng mga lalaking iyon ngayon at halos karamihan ay naka-itim, pero hindi niya na lang iyon pinagtuunan ng pansin.

It's none of her business anyway. Naisip pa nga nito, maybe pinagluluksa na nila ang kasal niya in advance?

"Can I really do this?" she asked to herself.

Before the door open, she came into the realization. She'd rather die than to marry someone she don't even know nor love. 

"No, I can't," Alianne mumbled, then she ran away not knowing what will happen next...

"Iniisip mo na naman ba ang araw na ‘yon number 69?" Napalik ang dalaga sa reyalidad nang marinig nito ang boses ng h*nayupak na Grim Reaper, sinabi na nga niya ang kaniyang pangalan ng paulit-ulit, 'number 69' pa rin ang tawag nito sa kaniya!

"Ilang ulit ko na bang sinabi sa 'yo na Alianne Casper Villarreal nga ang pangalan ko at hindi number 69 hah?" she asked, murmuring.

"I don't know, I guess, fifty?" he responded.

"Pilosopo ka rin talagang Grim Reaper ka ano? Ah basta! Nevermind. Ayoko nang maririnig na tinatawag mo pa ‘kong number 69! Ang pangit-pangit kaya pakinggan, at tunog position!" Alianne muttered.

"Bakit naman kita tatawagin sa pangalan mo? Ako nga Grim Reaper lang ang tawag mo, at saka anong position ba ‘yang tinutukoy mo?" he innocently asked.

"Bakit? Alam ko ba pangalan mo? At saka h'wag mo nang alamin ang position na 'yon, basta parte ng masayang laro ‘yon! Super productive!" she answered. Alangan naman ipaliwanag pa niya? "Bakit nga pala parang wala kang alam sa mundo? Sabi mo nabuhay ka rin noon bilang tao 'di ba? And nagagawa mo pa rin naman ang mga gawain ng tao until now, right?"

"Yeah, but I'm more focused on my duties. And yes, nabuhay nga ako noon bilang tao, pero ang tanging natatandaan ko lang naman ay kung paano ako namatay and then the rest was all a mystery," he replied.

Naalala ni Alianne nang mga unang araw pa lang niya bilang isang kaluluwa, wala rin siyang maalala that time, halos dalawang linggo rin bago nito maalala ulit ang lahat.

She met that Grim Reaper guy sa unang araw pa lang kaya medyo komportable na siyang kasama ito. Isang misteryo nga lang kung bakit hindi pa rin siya kinukuha ng lalaki dahil sa t'wing nagtatanong siya ay iniiba nito ang usapan.

"Pa'no ka naman naging grim reaper? Isinuka ng langit at lupa gano’n?" muling pagtatanong ni Alianne dito habang sinusundan ito ng tingin.

Halos hindi na naman kase sila tumitigil sa paglalakad, parusa daw dahil sa pagiging pasaway niya. Pa'no kaya naging parusa kung hindi naman ako napapagod? Natatawang tanong ng isang bahagi ng kaniyang isipan.

"Baliw, hindi ‘yon gano’n. Naging ganito 'ko dahil pinigilan ko ang pagkamatay ng isang taong dapat na talagang mamatay nung araw na ‘yon, no'ng araw na namatay ako," he explained.

"Sino naman ang taong ‘yon? Ibig sabihin buhay pa rin siya hanggang ngayon? Kase 'di ba sabi mo tatlong taon ka pa lang sa pagiging grim reaper?" walang preno na pagtatanong dito ng dalaga.

"Ang dami mo namang tanong, number 69. Mukhang matagal pa naman tayong magsasama kaya next time na kita sasagutin, kapag sigurado na 'ko sa mga bagay-bagay." Binilisan nito bigla ang paglakad kaya nagmamadali rin itong sinundan ni Alianne.

Ayaw niya talaga ng maraming tanong, si Alianne nga lang ang lagi niyang sinasagot at binabalewala lang ‘yong ibang mga kaluluwa.

"Bakit mo naman ako sasagutin? Nililigawan ba kita?" pagbibiro pa nito.

"Tigilan mo 'ko number 69!" he irritatedly said.

"Tigilan mo 'ko number 69!" she mimicked.

Hindi katulad ng ibang mga kaluluwang nakakasalamuha ni Alianne, hindi siya nalulungkot sa pagkamatay niya. Hinding-hindi. To be honest, she's glad.

Simula kase nung mamatay ito ay naging malaya na siya, at nakilala pa nga ang grim reaper na masayang asarin araw-araw. Lagi rin siya nitong pinagtatanggol sa mga soul eater na may gusto sa kaniya. Mali, sa kaluluwa pala niya. 

"Regan baby ko!" 

Nanlaki ang mga mata ni Regan, at saka nagmamadaling tinungo ang elevator nang marinig nito ang pamilyar na boses na lagi nitong naririnig sa araw-araw ng buhay niya.

I really hate this girl, she's always taking advantage of my surname! His mind screamed.

"Wait! Baby!" 

Nagtangka pa na humabol sa kaniya ito, ngunit sumara na ang pinto ng elevator bago pa man ito makahabol kaya naman napangiti ng todo ang binata. Hirap na hirap kasi siyang pagtaguan ang babaeng ‘yon.

Lalabas na sana siya nang bumukas ang elevator, ngunit halos mapaupo siya dahil nakita niya na prenting nakatayo ang delubyo sa kaniyang harapan.

Masamang tingin ang ipinukol nito sa kaniya at ngumuso pa bago siya nito biglang kinapitan sa braso.

"Regan ko naman, napaka harsh mo talaga sa ‘kin palagi," pagmamaktol nito.

"Pwede bang tigilan mo na ang katatawag sa ‘kin ng ganiyan? Ilang ulit ko na bang sinabi na layuan mo na 'ko?" he protested.

"Why would I? Hindi ba't, Regan Heaven Co naman talaga ang pangalan mo? Pina-iksi ko lang, hindi ba pwede ‘yon? At saka baby, wala sa plano ko ang layuan ka because we'll be together forever!" maligalig nitong sabi habang hila-hila siya papunta sa office niya. Hindi na rin naman kasi lingid sa kaalaman ng babae kung saan siya papunta.

Together forever, she said, pero nagugustuhan naman niya agad basta gwapo. Kaya lang naman nito nilalapitan si Regan ngayon dahil wala pa siyang nahahanap na ibang pogi. Bata pa lang sila ay gano’n na talaga siya. 

Nasabi pa nga minsan ng binata na magpapa-misa talaga siya kapag nagseryoso ang isang 'yon.

Hindi siya malandi katulad ng ibang mga babaeng mahilig sa gwapo, sadyang magaslaw lang talaga siya lalo na sa mga gwapong lalaki. Kaya lang naman siya iniiwasan ni Regan dahil wagas ito kung makadikit, at pati mga ka-business partner niyang babae ay pinapalayas nito.

Hindi na lang nagsalita ang binata hanggang makapasok sila sa office niya kaya nanahimik na lang rin ang makulit na babae.

"There you are! What took you so long, Regan my friend?" 

Iba talaga kapag kamalasan ang umatake sa 'yo ano? Hindi pa nga siya nilalayuan ng isang malas, may isa na namang dumating. It's Clover Gem Liu, his best friend indeed. Pero sa t'wing pumupunta siya, kung hindi si Carrie ang sadya ay siguradong mangungutang lang kahit pa may pera naman siya. Feeling mahirap lang.

"Oh! Hey there, Ms. Park," bati nito sa kasama niyang nakakapit pa rin sa braso niya.

Inirapan lang ito ng dalaga dahil alam rin nito ang tungkol sa mga pinaggagawang kalokohan ng magali na kaibigan ni Regan.

"Ano? Uutangan mo na naman ba si Regan baby ko?" pagtataray nito sa lalaki.

"Grabe ka naman sa ‘kin, Soju. Si Carrie ang ipinunta ko ngayon, dumaan lang ako kay Regan my friend para kamustahin ang buhay niyang ginugulo daw ng multo," he laughed.

"Ang sabihin mo, dumaan ka lang talaga para bwisitin ang nananahimik kong buhay," Regan uttered.

Mas gusto niya pa yatang makasama ang multong gumugulo sa buhay niya kesa sa dalawang kasama niya ngayon.

Kidding. The truth is, he really hate ghosts. Isn't it obvious?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status