Share

You Are My Soul
You Are My Soul
Author: Whispering Rain

Their Chaotic Encounter

°Prologue°

A wedding. A holy matrimony that is shared by the two person who truly, madly, and deeply love each other...

Iyan ang mga katagang kasalukuyang naglalaro sa isip ng dalagang nakasakay ngayon sa isang bridal car na patungo sa simbahan kung saan gaganapin ang kaniyang kasal—kung kasal nga ba itong matatawag.

"May problema po ba kayo señorita? Kanina pa po kasi mukhang malalim ang iniisip niyo," tanong ng driver, na sandali pang sumulyap rito mula sa rearview mirror.

Ngunit tanging tipid na ngiti lamang ang naisagot sa kaniya nito kaya nagpatuloy na lamang siya sa pagmamaneho, at hindi na muling nagtanong pa hanggang sa tuluyan na nga lang silang makarating sa kanilang destinasyon.

Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ng binibini bago ito bumaba ng sasakyan at naglakad palapit sa malaking pintuan ng simbahan.

"Can I really do this?" tanong niya sa kaniyang sarili.

Kasabay ng pagbukas ng pinto sa kaniyang harapan ay ang pagpasok ng isang kataga sa kaniyang isipan.

"No, I can't," pagsasatinig niya, bago binitiwan ang hawak niyang pumpon ng mga bulaklak, at mabilis na tumakbo palayo sa lugar kung saan naroon ang dapat sana niyang mapapangasawa maging ang buo nilang pamilya.

"Lia! Bumalik ka rito!" sigaw ng kaniyang ina na nakasunod na pala sa kaniya.

"Tumigil ka na sa pagtakbo anak! H'wag mo kaming pahirapan ng mama mo!" sigaw naman ng ama niya, habang inaalalayan ang kaniyang ina na walang tigil sa paghabol sa kaniya.

"Pabayaan niyo na po ako! Ayokong pakasalan ang kung sino man na lalaking ‘yon! Mas gugustuhin ko pa ang mamatay na lang kesa magpakasal sa lalaking hindi ko naman kilala!" 

Pagkatapos bitawan ang mga katagang iyon ay mas binilisan pa nito ang kaniyang pagtakbo kahit nakatabon pa sa mukha niya ang puti nitong belo.

Dahilan sa pagtakbong walang tinginan sa daan ay hindi napansin ng dalaga ang paparating na sasakyan. It's a fast moving sports car, reaching towards her direction.

Tila tumigil ang pag-ikot ng buong mundo kasabay ng paglingon ng babae sa humaharurot na sasakyan na siya namang malakas na bumangga kaagad rito.

Ang kaniyang mga magulang, ang mga bodyguards na nakasunod sa mga ito, ang malakas na ilaw mula sa sasakyang papalayo na, at ang naka-itim na lalaking nakatayo sa hindi kalayuan.

Iyon ang mga huling bagay na kaniyang nasaksihan bago siya tuluyang lamunin ng kadiliman...

°Chapter I: Their Chaotic Encounter°

Third Person's POV

"I'll just go to the comfort room, Secretary Zhang. Sabihan mo na lang ako later if ever may dumating na mga investors or any business related person. Just tell them to wait inside my office because I just got some important business to do, pero kung hindi naman importante ay h'wag ka na lang mag-abala pa," he informed Carrie. His secretary.

"Aye sir!" masiglang pagsang-ayon nito at sumaludo pa nga. 

Kaya nga ba hindi na nagtataka si Regan kung bakit nagustuhan ni Clover ang sekretarya niya. Sobrang masiyahin kasi si Carrie at hindi naman sa pagmamayabang, pero napakaganda at sexy rin ng secretary niya.

Natatawang tinanguan niya lang ito bago nagpatuloy na sa paglalakad papuntang banyo. Nang masiguro nitong wala nang nakatingin sa kaniya, lakad-takbo na ang ginawa niya marating lang kaagad ang lugar na labasan ng sama ng loob. 

Hindi na kase maganda ang timpla ng tiyan nito nang umaga pa lang, at kahit anong inom pa ng gamot ang gawin niya ay tila hindi pa rin mawala-wala ang sakit nito. Ang pinakanakakag*go pa ay biglang naging barado ang banyo na nasa office niya na maayos naman nang dumating siya.

Ginawa lang ni Regan ang lahat upang maging kalmado kanina dahil baka kung ano-ano pa ang masabi ng mga employee nito sa kaniya kung magkataon. Baka nga pagtawanan pa siya ng mga loko.

"B*llsh*t! Bakit walang tissue dito?!" he groaned.

Halos mamilipit na ang lalaki dahil sa sobrang sakit ng tiyan habang isa-isang binubuksan ang mga cubicle sa loob ng banyo upang maghanap ng tissue. P*ta bakit wala?! Ano na ba ang nangyayari sa mundo?! Mga katagang paulit-ulit sinisigaw ng kaniyang isipan.

Maya-maya pa ay bigla na lamang itong nakarinig ng mumunting halakhak ng isang babaeng may matinis at malamig na boses. What the heck?

"Who's there?!" halos mautal na pasigaw niyang tanong habang lumilingon-lingon sa paligid at nakahawak parin sa nananakit nitong tiyan.

Ilang minuto siyang naghintay na sumagot ito ngunit tanging malalamig at sunod-sunod na pagtawa lamang ang itinugon nito sa kaniya. He's starting to get nervous, thinking that it might be a ghost who he fear the most. 

"Regan. Regan ang pangalan mo, tama?" tanong ng babae. Her little cold voice echoed in every corner of the comfort room as the lights started to turn on and off a second after another.

Napahawak si Regan sa kanto ng lababo dahil sa pinaghalong gulat, takot, at sakit ng tiyan na nararamdaman nito. Pinagpapawisan na siya ng matindi at halos wala na rin itong makapang salita na pwedeng sabihin, tila umurong na ang dila dulot ng sobrang takot.

"I can see you, but you can't see me. Isn't it amazing?" she teased. "Oh! Kumalma ka lang. Ikaw rin, baka madumi ka diyan ng 'di oras," she added, giggling.

Isang malamig na hangin ang yumakap sa kaniya mula sa likuran na siyang biglang nagpaurong sa dumi nito, at purong takot na lamang ang natira. Dahan-dahan itong nilingon ni Regan, at nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang magtama ang kanilang mga mata. Her red roundish-almond eyes was morethan enough for him to shuddered and run out of the comfort room while screaming in terror.

Halos naikot na ni Kai ang buong building ng Co Enterprise, ngunit hindi pa rin niya mahagilap ang pasaway na multong kanina pa nito hinahanap. Napalinga lang siya sandali ay nawala na rin ang multo na kung tawagin niya ay number 69. 

"Number 69? Kapag ikaw hindi pa lumabas diyan, papasukin na talaga kita. I swear!" sigaw ni Kai.

Mahilig kasi ang multong iyon na tumambay at maligo sa banyo kahit pa hindi naman talaga siya nakakaligo kaya naisip ni Kai na baka bumalik na ito sa kwarto kung saan siya nag-check in kanina. Katabi lang ito ng building ng Co Enterprise. Ang Park's Hotel.

And yes, kahit isa pa siyang grim reaper ay kaya niyang magpakita sa mga tao kung gugustuhin niya. May kailangan kase itong asikasuhin sa katabing building ng hotel kaya naisipan niya na manatili muna rito for as long as he have to, pero ang pasaway na multo ay hindi talaga nabibigong pasakitin ang ulo niya sa araw-araw.

Hindi na mabilang nito kung ilang pagkatok na ba ang nagawa niya para lang palabasin si number 69, ngunit hindi pa rin ito lumabas. 

"Ah, ayaw mo talagang lumabas hah," Pinaglaho ni Kai ang kaniyang sarili at dire-diretsong pumasok sa loob ng shower room. Multo na nga rin naman ang isang 'yon kaya wala ng kaso kung makita man niya ang katawan nitong parang katawan lang naman ng bata.

Hinawakan niya ang balikat nito, at mabilis itong pinaharap sa kaniya. "Ikaw na pasaw—" Napahinto ako ito nang makitang ibang babae ang naliligo. Hindi ito si number 69. 

Tila natulos naman ito sa kaniyang kinatatayuan at hindi man lang makapagsalita. "Who the hell are you? Tao ka ba?" he asked.

"Come again? Nang-iinsulto ka ba? Ikaw na nga 'tong basta-bastang pumapasok sa banyo ng may banyo tapos may gana ka pang mang-insulto diyan? Gusto mo ba na idemanda kita ng sexual harassment? At saka pa'no ka nakapasok dito hah?!" 

Uminit bigla ang ulo niya dahil sa kadaldalan ng babae. Dalawa lang naman ang tinanong niya, ang dami na nitong sinabi!

"Alam mo Miss, nagkakamali ka nang akala dahil una sa lahat hindi kita iniinsulto, pangalawa wala akong ginawa sa 'yo para kasuhan mo 'ko ng sexual harassment, at pangatlo, kwarto ko 'to," he explained.

"What are you saying?! This is my room!" she argued.

He rolled his eyes. "Anong room number mo?" Kai asked.

"300! It's a VVIP suite, a*shole!" she confidently answered.

"Then this isn't your room because this room number is 200, Miss," he calmly responded. 

"You better get dressed and then see it for yourself. Isa pa, kanina ko pa nakikita 'yang mukhang malambot na pakwan sa d****b mo," he added.

Kai saw her blushing before he decided to walk out of the shower room. Buti nga, inuna kase ang magbunganga bago magsuot ng damit.

"What the f*ck! I swear to death, I'm gonna sue you! You perverted jerk!" her last words he heard before he closed the bathroom door. He heave a sigh. That girl is insane.

Hindi naman siya matagal na naghintay sa labas ng banyo dahil lumabas rin kaagad ang babae matapos ang ilang minuto. 

She glared at him. "Kapag ito kwarto ko, idedemanda talaga kita tandaan mo 'yan!"

"Grabe, hindi ba napapagod ‘yang bibig mo sa kasisigaw hah?" Kai complained.

He's a grim reaper who have a lot of patience, but this girl infront of him is really getting into his nerves. Bakit ba kase hindi niya na lang tingnan ‘yong room number ng tahimik?!

"To a perverted guy like you? Never! Gwapo nga, napakamanyak naman." She rolled her eyes before walking out of the room. He just irritatedly followed her.

Nanlaki ang mga mata nito matapos makita ang number na nakasulat sa pinto. Ang kulit kase, sinabi ko na ngang hindi niya kwarto nakipagtalo pa rin. Sita rito ng kaniyang isipan.

Matapos ang ilang minutong pananahimik ay pekeng umubo ang babae. "I'm sorry for the misunderstanding, Mister. You can sue me if you wished to, I will gladly accept it." 

"Tsk! Just forget about it, h'wag ka na lang magpapakita ulit sa 'kin," he insisted.

"Really?! Thank you!" she exclaimed.

Kai got stunned when the girl suddenly hugged him after saying those words. Never in his whole existence, someone hugged him the way she did.

She let go, and he just found himself staring at her. Her blue colored droopy eyes, her cherry red lips, her long wavy hair, and her perfect shaped body. Every inch of her looks perfectly sculptured. She's beautiful, he admit.

"You're staring at me because?" she teasingly asked.

He fake a cough. "I'm not staring," he denied. 

"If you say so. By the way, my name is Soju. Soju Alkaline Park, nice to meet you, Mister?" she sweetly introduced. Why did she became this sweet all of a sudden?

He just ignored her and quickly walked inside his room again, closing the door behind. He just can't stay close to her any longer. Hindi na rin naman ito nangulit pa. Siguro ay umalis na lang siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status