Share

Her Life Before Death

Alianne's POV

Ang buhay at kamatayan ay isang bagay na walang kasiguraduhan mula noon at hanggang sa kasalukuyan. Sabi ng iba, kung hindi sa langit ay siguradong sa impyerno ka daw mapupunta. Ang iba naman ay sinasabing nagiging blangko na lamang ang lahat matapos ang kamatayan. Ngunit, wala ni isa man sa kanila ang napatunayan ang mga bagay na napatunayan ko.

Tandang-tanda ko pa kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Isang kaluluwang pagala-gala kasama ang Grim Reaper na hindi ko malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinukuha.

One month earlier...

"Good afternoon class! Please welcome, Ms. Alianne Casper Villarreal. She's a transferee, obvious naman 'di ba? Anyway, siya rin ang nag-iisang anak ng may-ari ng eskwelahan na 'to kaya naman ayokong mababalitaan na ginugulo niyo siya. Understood?" Pagpapakilala sa ‘kin ng bago kong guro, sumagot naman ng 'oo' ang lahat ng narito.

Sa totoo lang ay hindi ko ito nagugustuhan. Ayoko ng special treatment, lalo na kung may ibang maaapektuhan, which hindi naman talaga maiiwasan. Kung tutuusin nga pati ang paglipat dito ay hindi ko rin kagustuhan, kung hindi ipinilit lamang ng aking mga magulang.

Nakita lang nila 'kong may kausap na lalaki sa previous school na pinanggalingan ko ay pinalipat na agad nila 'ko dito, mabuti na nga lang at lumipat rin dito ang nag-iisang kaibigan ko. Si Gani Dela Cruz.

Nakilala ko siya noong grade five pa lang kami, she helped when someone tries to hurt me. Since then, naging magkaibigan na kami.

"Ms. Villarreal!" sigaw bigla ng aming guro na siyang ikinagulat ko.

Mukhang kanina pa pala ito dumadaldal, hindi ko man lang napansin. Nakaupo na rin si Gani, kaya ako na nga lang talaga ang naiwang nakatunganga dito sa harapan.

"I'm so sorry po, Ma'am," Halos mautal nang paghingi ko ng paumanhin.

"No worries, just take a seat over there." Pagturo nito sa upuan na katabi ng kay Gani na siyang tinungo ko naman kaagad.

"Ano ba ang iniisip mo diyan girl? Nako! Kung hindi ka lang anak ng may-ari nitong school, malamang nasabon ka na kanina pa!" pasigaw na bulong ng magaling kong kaibigan.

"Wala naman akong masyadong iniisip, Nini. Naiinis lang ako dahil sa ginawa, at ginagawa, at mga gagawin pa nila mama. Nagpapasalamat na lang talaga 'ko dahil hindi mo 'ko pinabayaan na mag-isang lumipat dito," nakangiti ko namang saad dito.

"Wala 'yon baliw! Alam ko naman na ako lang ang kaibigan mo dahil ayaw mo sa iba at baka kamo traydurin ka lang. Did I remember your lines correctly?" tahimik itong natawa matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon kaya napatawa na lang rin ako.

May konting trust issue lang naman kasi ako dahil kila mama, lagi kasi nilang pina-plastik ‘yong mga kasosyo nila sa negosyo kaya ang ending, lahat sila ay mga naglolokohan na lang. Pakiramdam ko nga si Gani na lang ang nag-iisang totoo sa mundo. Malaki talaga ang tiwala ko sa kaniya.

Natapos ang klase nang wala akong naintindihan kahit isa. Ayoko kasi sa kursong ito, sadyang napilitan lang dahil sa mga magulang ko. Ang gusto ko talaga noon pa ay maging director ng mga pelikula, kaso ang gusto nila papa na kunin ko ay business management. Sana okay lang sila 'di ba?

"Bye for now, Lianne!" sigaw nito, habang tumatakbo palayo at kumaway-kaway pa sa 'kin. 

"Bye bye, Nini!" Kumaway rin ako pabalik rito, at pagkatapos ay malalim na bumuntong hininga bago dumiretso na papasok sa gate ng bahay naming walang kabuhay-buhay. Hindi ko nga alam kung buhay pa ba ang gumawa nito, kaloka!

Don't get me wrong dahil malaki naman ang bahay namin at maayos, sadyang wala lang akong nararamdaman na buhay dito.

"Mabuti naman at nakauwi ka na? Just so you know, you're one minute late, Lia. The next time you come home late, mag-ho-home schooling ka na talaga. Do you understand?" Kalmado lang si mama, ngunit kitang-kita ko pa rin ang inis sa kaniyang mga mata.

Tumango na lang ako, at paakyat na sana ng bigla namang magsalita si papa. "May pag-uusapan pa tayo, Lia." 

Disente ang lakad kong tinungo ang direksyon nila, at saka magaan na umupo sa tabi ni papa. Hindi ako pwedeng maging galawgaw kapag nasa harapan nila 'ko, kung hindi ay siguradong kulong sa kwarto ng ilang araw ang bagsak ko.

"What is it, Pa?" I asked.

"It's about your wedding," he answered casually.

Wedding what?! 

"Wedding po? Wedding ko?" I asked again.

He took a sip on his coffee. "Hindi ko gustong inuulit ang salita ko alam mo 'yan, Alianne." 

"Pero Papa—" bago ko pa man maituloy ang pagrereklamo ay pinutol na ni mama ito. "I know you're confuse, pero napagplanuhan na namin ang kasal mo ilang taon na ang nakalilipas. Hindi mo naman siguro sisirain ang pinaghirapan namin, right?" she said authoritatively.

"Pero bakit po? Eighteen years old pa lang po ako!" I muttered. "I disagree, kahit sino pa iyang lalaki na gusto niyong ipakasal sa ‘kin hindi pa rin ako papayag!" 

Hindi ko na napigilan ang mapasigaw dahil buong buhay ko na ang pinag-uusapan dito, hindi ako papayag na pati ang lalaking pakakasalan ko ay pakikialaman na rin nila!

Nanatiling kalmado ang mga mukha ng mga ito, but I'm aware that it's all just for the sake of decency. Hindi naman sila ganiyan katindi dati.

"Hindi pwedeng bumagsak ang negosyo natin, Lia. Wala ka nang pagpipilian, you have to follow our order" parang wala lang na utos ni mama. "Bukas na nga pala ang kasal kaya h'wag kang magpupuyat ngayon." 

I look at them in disbelief. "Bukas?! Ngayon ko nga lang nalaman na ikakasal na pala 'ko, tapos sasabihin niyo na bukas na agad 'yon?! This is insane!" 

For f*ck sake! Are they really my parents?! 

"Stop shouting please lang, wala ka sa palengke. Another thing, naihanda na namin ang lahat matagal na," Father explained. "Kaya naman itigil mo na ang pakikipagtalo at kumain na nang makatulog ka na, maaga pa tayo bukas," he commanded.

"Pasensya na, nawalan na po ako ng gana." Padabog akong tumayo at nagmamadaling tinungo ang aking silid. 

Ibinaon ko ang aking mukha sa unan nang makahiga na 'ko sa kama, hindi na ako nag-abala pa na magpalit ng damit dahil parang nawalan na rin ako bigla ng gana sa lahat ng bagay.

Hindi naman sila ganiyan kalala dati, noong hindi pa masyadong umaangat ang negosyo nila bukod sa school na pagmamay-ari namin. They are indeed authoritative, but not an authoritarian like this.

Nagsimula lang silang maging ganiyan no'ng mag-offer si Tito Henry ng tulong sa pagtatayo ng negosyo.

Hindi namin kilala ang isang 'yon nung time na 'yon. Sa isang party lang namin siya nakilala at naka-usap, pero naging close bigla ang pamilya noong lumago ang business. Hindi ko rin alam kung bakit siya nag-offer ng gano'n sa mga magulang ko gayong hindi naman niya kami kilala.

Ayoko na lang sanang bigyan ng ibang kahulugan, pero sa mga nangyayari ngayon? Sa palagay ko ay siya ang ipakakasal nila sa 'kin. Ito na siguro ang dahilan niya sa lahat ng mga pagtulong niya noon. Kainis! Hindi ko man lang nga alam ang apelyido niya! 

Ngayon pa lang kinakabahan na 'ko. Sino ba naman kasing matinong magulang ang ipakakasal ang anak nila kinabukasan lang matapos nilang ipaalam na ipakakasal na nila ito? Hindi pa nga ako nakakaranas magmahal tapos ngayon kasal na kaagad?

Ang masaklap pa ay mas matanda ito sa 'kin ng higit dalawampung taon kung magkataon man na tama ang iniisip ko. Hindi ko rin naman kayang suwayin ang mga magulang ko.

Halos buong magdamag akong nag-isip at nagmumok, hanggang sa makatulog na nga lang ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status