Awww. Liligawan pa lang ni Clarence, pero mukhang magkakalabuan na. . . h'wag naman sana.
MALUNGKOT ang mukha nina Lina at Olivia nang mabalitaan nilang mag-re-resign na si Mari. Nahihiyang nilapitan nila si Mari habang nag-aayos ito ng mga gamit sa locker room nila. “Mari,” mahinang sambit ni Lina sa pangalan nito saka hinawakan ang ibabang bahagi ng unipormeng pang-itaas at hinila. “Uy, iiwan mo na kami?” panguso tanong niya pa rito. “Oo nga, Mari, bakit mo naman kami iiwan?” tanong naman ni Olivia. Huminto si Mari sa ginagawa niya saka siya pilit na ngumiti. Huminga muna siya nang malalim saka hinarap ang mga ito. “Kailangan kong umalis, hindi dahil sa nahihiya ako sa nangyari do’n sa party pero sa kapakanan na lang din ng lahat.” “Dahil ba kay Kate?” tanong ni Olivia. Napawi ang ngiti ni Mari saka lumungkot ang mukha. “Isa pa 'yon, Olivia. Ayoko na rin kasi makaharap si Kate dahil kumukulo lang ang dugo kong makita siya,” inis na sabi ni Mari. “Pero, Mari, naguguluhan kami. Kung stepsister mo siya ibigsabihin no’n, e, hindi siya tunay na Harrington? Hind
HINILA ni Epiphani ang kamay ni Mari papunta sa kusina. May gusto lang siyang i-confirm dito base sa napanuod niyang balita sa TV. “Umamin ka nga sa akin, Mari. Totoo ba ang lahat ng ‘yon?” naguguluhang tanong ni Epiphania. Napataas ng kilay si Mari. “Po? Ang alin, La?” Kitang-kita ni Epiphania sa mga mata ni Mari na tila bang pinipilit nitong iwasan ang ganitong usapan. “Mari, naman. H’wag ka nang mag maang-maangan. Napanuod ko sa balita ang tungkol sa inyo ni Clarence. Totoo bang kasal na kayo? At si Gianni ay anak ni Clarence?” Natigilan si Mari sa narinig niya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang mga tanong ng lola niya. Nahihiya siyang umamin. Baka nga ikahiya pa siya nito. “La. . .” may alinlangan na sambit ni Mari dito. “Ano? Hindi ka aamin?” Mula sa kusina ay kitang-kita ni Mari sina Clarence at Gianni na masayang nagkukulitan sa sala. Naisip niyang oras na para malaman ng lola niya ang totoo. Huminga muna siya nang malalim saka nagsalita. “Totoo. To
HUMIWALAY ng pagyakap si Mari nang mapansin niyang pinagtitinginan sila ng mga tao. “What’s wrong, Clarence?” kunot-noong tanong ni Mari. Tumikhim si Clarence at inayos ang sarili. “N-Nothing. Siguro nagugutom lang ako. Baka may kainan dito? O kaya snack na lang?” tugon niya habang hawak ang tyan. Marahang natawa si Mari kasi ang weird naman dahil sa gutom ay yayakapin siya. “May alam akong nagtitinda ng banana cue sa labas. Tara?” “Banana cue? Ano ‘yon?” tanong ni Clarence. Imbis na sumagot si Mari ay hinila iya ang braso nito palabas ng wet market. Pagdating nila do’n ay agad na nag-order ng dalawang banana cue si Mari. “Here,” sabi ni Mari nang ibigay ang banana cue kay Clarence. “May banana pa lang ganito?” naguguluhang tanong ni Clarence na halatang first time niya ma-encounter ang gano’ng klaseng pagkain. Nagpipigil ng pagtawa si Mari. “This is a popular snack food, Clarence. Piniritong saging na binalutan ng caramelized brown sugar. Tikman mo, masarap ‘yan.”Walang p
NANLAKI ang mata ni Mari nang mapatingala siya sa taong pumigil sa kamay ni Robert. Hindi niya inakala ang pagdating ni Clarence sa coffee shop. Paano siya nito nakita? Sinundan kaya siya? Iyon ang mga tanong na bumagabag sa isip niya.“Wala kang karapatan na saktan mo muli ang anak mo, Mr. Robert Harrington,” seryosong sabi ni Clarence kaya napataas ng kilay si Robert. Agad na binitawan ni Clarence ang pupulsuhin ni Robert. Napabuga ng hangin si Robert saka marahang natawa sa sinabi nito saka sarkastikong binaling ang tingin kay Mari. “How did you seduce this man, Mari? May tinatago ka bang kamandag na hindi ko alam?” Nanliit ang mata ni Mari saka tinaas nang bahagya ang kanyang labi. “Hindi ko siya inahas. Sadyang—” Biglang sumingit si Clarence. “I like him, Mr. Robert. Ako ang unang nagkagusto sa anak mo.” Napadilat ng mata si Robert sa sinabi ni Clarence. “What are you talking about, Clarence? Look at her. Wala kang makukuha sa kanya kasi sinira niya ang tradisyon namin
“USE me, Clarence para mabigyan ng hustisya ang mommy mo.” Hindi mawala sa isip ni Clarence ang sinabi ni Mari habang nasa byahe sila. Pagdating nila sa tapat ng bahay ni Mari ay agad naman na bumaba ito. “Thank you sa paghatid sa akin, Clarence,” wika ni Mari saka bumaba ito ng sasakyan. “No worries. Basta mag-take ka kaagad ng gamot pagsinipon ka,” habilin ni Clarence saka tumango si Mar.“Salamat, Clarence. Mag-iingat ka,” tugon ni Mari bago isinara ang pinto. Napaisip nang malalim si Mari dahil hindi siya sinagot ni Clarence kanina. May nasabi ba siyang hindi maganda? Nag-o-overthink tuloy siya habang naglalakad patungong bahay niya. Pagdating ni Clarence sa condo niya ay agad siyang kumuha ng wine at isinalin ito sa baso niya. Pumunta siya sa terrace at huminga nang malalim. Iniisip niya ang sinabi ni Mari tungkol sa hustisya ng mommy niya. Halos i-give up na niya ‘yon after that engagement party. But now, he fell in love even more because Mari wanted him to seek justice f
KABADO nang umupo si Robert sa harap ng mga board member sa mahabang conference table. Harrington Group, once a symbol of success and prosperity, was now teetering on the edge of bankruptcy. Isang hindi mapakali na katahimikan ang sumalubong sa silid. At bakas sa mukha ng kanyang mga miyembro ang pag-aalala dahil pabagsak na ang kompanya. “Thank you for gathering here today. As all you know, we are facing an unprecedented crisis, and the future of Harrington Group is in jeopardy,” malungkot na salaysay ni Robert. The atmosphere grew more tense as the board members exchanged worried glances. Hindi napigilan ni Gerald Thompson, the vice president, ang kanyang pagkabigo. “Robert, we can’t keep postponing the inevitable. Our creditors are breathing down our necks, and if we don’t take drastic action now, we’ll be left with nothing,” pag-aalalang sabi ni Gerald. Seryosong tumango naman si Cynthia Rodriguez, ang CFO ng kompanya. “I hate to say it, but bankruptcy might be our only way o
TUMINDIG si Clarence with a polite smile habang papalapit na ang mga ito. He was trying to hide his surprise and disappointment upon seeing Mike, Olivia and Lina accompanying Mari. "Hi, Mari! I didn't expect we'd have company tonight," he said while still maintaining his composure. Ngumiti si Mari na may halong kahihiyan dahil hindi siya nagpaalam dito. Medyo na-excite lang kasi siya na ibahagi ‘yong success nila ni Clarence kaya mas mainam na isama niya ang mga kaibigan niya pati ang secretary nito. “Sorry, Clarence. I hope you don't mind. I thought it would be nice to have a little celebration with friends."Clarence nodded, suppressing his initial shock. "Of course, Mari. It's just a bit unexpected. Siguro we need a bigger table,” wika niya saka binigyan niya ng hindi makapaniwalang tingin si Mike. Agad naman nitong iniwasan ang tingin ng boss niya. Mabuti na lang ay may bakanteng table pa sa kabila kaya lumipat sila. Nag-order muli si Clarence ng platter para sa lahat. “Mar
NAGISING si Mari na may basang tuwalya sa noo niya. Tila bang tinakasan na siya ng lakas nang subukan niyang iangat ang kanyang kamay para tanggalin ang tuwalya. Nanginginig din ang buo niyang katawan sa lamig. At mahapdi rin ang mata niya. “Inaapoy ka ng lagnat kanina, Mari. Hay naku, nagpaulan ka kasi kagabi. Kapag kaya mo nang bumangon, may lugaw sa lamesa, kainin mo ah?” nag-aalalang tanong ng Epiphania saka lumabas ito ng kwarto. Bigla na lamang niyang naalala ang nangyari sa kanila ni Clarence. Napabuga siya nang hangin at natawa. Binasbasan lang naman sila ng langit, hindi niya inaasahan na magkakasakit siya pagkatapos nito. Si Clarence, kumusta kaya? Kahit masakit ang ulo ni Mari ay sinubukan niyang bumangon at kunin ang cell phone niya. Napanguso siya nang mabigong wala ni isang tawag mula kay Clarence. Huminga siya nang malalim nang ibalik sa drawer ito. Nakaramdam ng pagkulo ng tyan si Mari, nagugutom na siya. Natungo siya sa lamesa at kumain ng lugaw saka uminom ng