KABADO nang umupo si Robert sa harap ng mga board member sa mahabang conference table. Harrington Group, once a symbol of success and prosperity, was now teetering on the edge of bankruptcy. Isang hindi mapakali na katahimikan ang sumalubong sa silid. At bakas sa mukha ng kanyang mga miyembro ang pag-aalala dahil pabagsak na ang kompanya. “Thank you for gathering here today. As all you know, we are facing an unprecedented crisis, and the future of Harrington Group is in jeopardy,” malungkot na salaysay ni Robert. The atmosphere grew more tense as the board members exchanged worried glances. Hindi napigilan ni Gerald Thompson, the vice president, ang kanyang pagkabigo. “Robert, we can’t keep postponing the inevitable. Our creditors are breathing down our necks, and if we don’t take drastic action now, we’ll be left with nothing,” pag-aalalang sabi ni Gerald. Seryosong tumango naman si Cynthia Rodriguez, ang CFO ng kompanya. “I hate to say it, but bankruptcy might be our only way o
TUMINDIG si Clarence with a polite smile habang papalapit na ang mga ito. He was trying to hide his surprise and disappointment upon seeing Mike, Olivia and Lina accompanying Mari. "Hi, Mari! I didn't expect we'd have company tonight," he said while still maintaining his composure. Ngumiti si Mari na may halong kahihiyan dahil hindi siya nagpaalam dito. Medyo na-excite lang kasi siya na ibahagi ‘yong success nila ni Clarence kaya mas mainam na isama niya ang mga kaibigan niya pati ang secretary nito. “Sorry, Clarence. I hope you don't mind. I thought it would be nice to have a little celebration with friends."Clarence nodded, suppressing his initial shock. "Of course, Mari. It's just a bit unexpected. Siguro we need a bigger table,” wika niya saka binigyan niya ng hindi makapaniwalang tingin si Mike. Agad naman nitong iniwasan ang tingin ng boss niya. Mabuti na lang ay may bakanteng table pa sa kabila kaya lumipat sila. Nag-order muli si Clarence ng platter para sa lahat. “Mar
NAGISING si Mari na may basang tuwalya sa noo niya. Tila bang tinakasan na siya ng lakas nang subukan niyang iangat ang kanyang kamay para tanggalin ang tuwalya. Nanginginig din ang buo niyang katawan sa lamig. At mahapdi rin ang mata niya. “Inaapoy ka ng lagnat kanina, Mari. Hay naku, nagpaulan ka kasi kagabi. Kapag kaya mo nang bumangon, may lugaw sa lamesa, kainin mo ah?” nag-aalalang tanong ng Epiphania saka lumabas ito ng kwarto. Bigla na lamang niyang naalala ang nangyari sa kanila ni Clarence. Napabuga siya nang hangin at natawa. Binasbasan lang naman sila ng langit, hindi niya inaasahan na magkakasakit siya pagkatapos nito. Si Clarence, kumusta kaya? Kahit masakit ang ulo ni Mari ay sinubukan niyang bumangon at kunin ang cell phone niya. Napanguso siya nang mabigong wala ni isang tawag mula kay Clarence. Huminga siya nang malalim nang ibalik sa drawer ito. Nakaramdam ng pagkulo ng tyan si Mari, nagugutom na siya. Natungo siya sa lamesa at kumain ng lugaw saka uminom ng
NAPASIGAW si Mari sa gulat at lumayo rito. Pagtingin niya sa sahig ay nakita niya ang damit ni Clarence. Dahil do’n ay napausisa siya sa sarili. Nakahinga siya nang maluwag na makitang may saplot pa siya. Napabalikwas si Mari nang humikab si Clarence habang dinidilat ang mata nito. Nagtama ang paningin nila. Napahinto si Clarence. At nang mapansin niya na wala na siyang saplot ay bumaba siya at kinuha ang damit sa sahig. Dagling sinuot niya iyon. “I’m sorry. Pinagpawisan ako kagabi,” lakas loob na sabi ni Clarence. He’s trying to stay calm in front of Mari. “A-Ayos lang, Clarence. Are you feeling better now?” tanong ni Mari na may halo pa ring kaba. Imbis na sumagot si Clarence ay tinitigan niya lang si Mari. Maya-maya pa ay nilapitan niya ito. “Are you still not comfortable with me?” Napataas ng kilay si Mari. “What?” "Because I've noticed you seem nervous when you're around me. I want you to feel at ease with me." Nilibot ni Clarence ang kamay niya sa bewang ni Mari. He gentl
SAGLIT na napahinto ang mga empleyado ng hotel ang pagdating nina Clarence at Mari habang naglalakad sa lobby. Nalaglag ang panga nina Lina at Olivia nang makita muli ang kaibigan nila, napalitan naman iyon ng kilig na mapansin na hawak ni Clarence ang kamay ni Mari. Naisip nila na baka may magandang nangyari pagkatapos ng dinner nila noon. Pilit na tinatago ni Mari ang ngiti niya nang tapunan siya ng mapang-asar na ngiti ng mga kaibigan niya. Mas lalo tuloy siya kinikilig at kinakabahan. “G-Good morning, Sir Clarence!” maligayang pagbati ni Manager Patricia. “Good morning, Patricia,” tugon na sabi ni Clarence. Napawi ang ngiti ni Patricia nang muli niyang makita si Mari. “M-Mari? A-Anong ginagawa mo rito?” Natigilan siya nang makitang hawak ng boss niya ang kamay ni Mari. “S-Sir…” tulalang nakatingin si Patricia sa kamay ng mga ito.Tumikhim si Clarence. Tinaas niya ang boses niya para marinig ng mga taong nakapaligid sa kanya. “I would like to announce something.”Dahil do’n ay
KUYOM ang kamay ni Clarence habang naglalakad sila ni Mari papasok sa emergency room. Lumipad sila kanina mula Baguio hanggang Manila gamit ang private helicopter para puntahan lang si Kate.They stopped as soon as they entered the room. It was chaotic. Nagtatakbuhan na ang mga nurse dala ang isang kama saka dahan-dahang nilipat ang walang malay na Kate rito. Nang mai-transfer na ito ay nakita ni Clarence ang sugatan na pupulsuhin ni Kate. At saka agad na sinugod ito sa operating room. He knew that Kate planned this whole thing para makita muli siya nito. Umigting ang panga niya habang pinagmamasdan ang kaganapan patungong operating room. “Clarence…” Tila nabuhayan ang loob ni Silvanna nang makita niya muli si Clarence. Lumapit siya at mangiyak-ngiyak na hinawakan niya ang braso nito. May kung anong malamig na bagay ang naramdaman ni Clarence sa braso niya. Napayuko siya rito at nanlaki ang matang makita ang duguan na kamay ni Silvanna. Sa tingin niya ay dugo iyon ni Kate. “M-My
DAHAN-DAHANG iminulat ni Kate ang kanyang mga mata habang nakahiga sa kama. The room was blurry at first, but her vision cleared nang makita niya ang pamilyar na paligid ng ospital. Napatingin siya sa kamay niya at nakita niya rito ang nakabalot na bandage sa sugatang pulsuhan. Tila nakaramdam siya ng bigat sa katawan at pagkahilo nang akmang babangon siya. Pagtingin niya sa tabi niya ay nakita niya ang isang tumutunog na makina, ang heartbeat monitor. Narinig niya ang malambing na boses na nagmula sa pinto, "Kate, gising ka na pala!” Tanaw ni Kate ang pagdating ng ina niyang si Silvanna. Bakas sa mukha nito ang ginahawa at tuwang makitang gising na ang anak. May dala itong mga prutas at pagkain kaya inilapag muna ito sa mesa saka nilapitan si Kate. “I’m so glad that you are awake now. Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa’yo.” Ilang sandali pa ay pumasok naman si Robert. Palagay ni Kate ay galing ito sa trabaho dahil sa suot nitong business suit. “Dad…” sambit niya rito.
DUMUNGAW mula sa bintana si Epiphania nang marinig niya ang ingay ng truck at ng mga tao sa labas. Pagtingin niya ro’n ay nakita niya ang mga lalaking naka kulay asul ang uniporme na may kani-kanyang dala ng malalaking box ng karton. Di lang iyon, may mga lalaki rin na nakasuot ng black business attire at nakakabit sa mga tenga nito ang intercom earpiece. “Anong mayro’n sa labas? May bagong lipat ba?” nagtatakang tanong ni Epiphania. Nagkibit-balikat na lang siya at bumalik sa kaniyang nilulutong agahan nila ni Gianni. Matapos niyang ihain ang pagkain sa mesa ay saka naman dumating si Gianni mula sa kwarto nito. “Good morning, Lola. Wala pa rin ba si mommy?” tanong niya rito habang kinusukot ang mata niya. Huminga nang malalim si Epiphania. “Pauwi na siguro ang mommy mo ngayon. O sige na, Gianni, kumain ka na,” paglahad niya sa pagkain sa mesa. Ilang sandali pa ay biglang may kumatok sa pinto. “Saglit lang, hijo. May tao sa labas,” paalam niya kay Gianni. Pagbukas ni Ep