Share

CHAPTER 01

" Happy 23rd birthday, Devon! " Sabay-sabay na pagbati ng mga kaibigan ng isang dalagang may suot na birthday hat, isa-isang hinihipan ang mga maliliit na kandilang nasa ibabaw ng red velvet cake na hawak niya bago tumili na sinundan ng palakpakan at hiyawan ng mga taong nakapalibot sa kaniya.

" Let's go back to party! " Hiyaw ng dalaga kasabay ng muling pa dagungdong sa loob ng isang bar dahil sa musikang nanggagaling sa entablado ng DJ. Eksaktong alas-dose na ng hatinggabi ngunit buhay na buhay pa rin ang mga taong tila ngayon lang nakaramdam ng kalayaan. Sa bawat indak at pagsabay sa kanta, siya ring paggaan ng mga dinadalang problema ng bawat isa.

" Devon, let's dance! Halika na roon sa dance floor! " Pagyaya ng isang dalagang may maikling buhok, ang labi ay kasing-pula ng mansanas habang ang kasuotan nito ay puro itim, mula sa see-through na blouse, maong skirt hanggang sa tigh high boots, lahat itim.

" I need to pee! Mauna na kayo, susunod na lang ako, Kasey! " Paalam ni Devon sa kaibigan, hawak ang kaniyang puson dahil sa ikalawang araw ng kaniyang dalaw. Umaga pa lang ay ramdam na niya iyong pamimilipit ng puson niya ngunit hindi iyon naging rason para hindi siya tumuloy sa birthday party na siya rin mismo ang nag-ayos.

Maraming tao sa Unknown Bar na nirentahan ni Devon para sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan, ngunit iilan lang ang kilala niya sa mga bisitang mayroon siya ngayon dahil maski kaibigan ng kaibigan niya ay pinayagan na rin niyang dumalo para maging sulit ang babayaran niya.

" Hey, Devs! Happy birthday!" sa bawat pagbati ng mga taong nakakasalubong ni Devon, lalong natatagalan ang pagpunta niya dahil napapa-kuwento pa siya sa mga ito rason para mas maramdaman niya ang pananakit ng puson.

" Thank you, guys! Thank you! Enjoy lang kayo diyan! Punta lang akong restroom! " Nagawa pa ring ngumiti nang malaki ni Devon upang ipakita ang kagalakang nararamdaman habang unti-unting umaatras palayo sa mga mesang kaniyang hinihintuan. Nang marating ang banyo, unang bumungad sa kaniya ay ang isang eksenang hindi na bago sa paningin niya. Hindi niya kilala ang dalawa, ngunit pamilyar na sa kaniya ang mga hitsura nito dahil isa ito sa mga kasamang dumating ng kaibigang si Kasey.

" Gosh, get a room, guys! Hindi ba kayo nangangawit sa posisyon niyo? " Naiiling na sambit ni Devon sa magkaparehang gumagawa ng milagro sa ibabaw ng sink. Hindi na niya hinintay ang reaksyon ng dalawa dahil dumiretso na siya sa isang bakanteng cubicle para gawin ang pinunta niya.

Nang makalabas ay hindi na naabutan ni Devon 'yong dalawang halos gawin ng kama 'yong lababo pero iyong kulay pulang panty ay naiwang nakasabit sa gripo. Napangiwi siya, piniling sa kabilang dulo maghugas ng kamay at inayos ang pink fitted dress na suot niya.

" My gosh, I'm so red na pala?! " aniya nang makita ang paumumula ng magkabilang pisngi dahil sa iba't ibang klase ng alak na nainom niya. Ramdam na rin niya iyong init na gumagapang sa katawan niya kaya kaniya ng itinali ang mahabang buhok gamit ang hair tie na nakasuot sa kamay niya. Tinaggal na rin niya ang birthday hat na nasa ulo dahil kanina pa siya nasasakal sa taling nasa baba niya bago tuluyang lumabas para hagilapin sa entablado ang mga kasama.

" Devs, we're here! " Kaway ni Kasey na nasa gitna ng dance floor, todo giling habang hawak an isang bote ng tequila na pinaiinom sa mga kasama. " It's your turn, Devs! Nga-nga! "

Iginiling ni Devon ang katawan habang papalapit sa gitna ng entablado kung saan naroon ang spotlight. Naghiyawan ang mga tao kaya todo bigay si Devon sa pagsayaw hanggang sa makarating sa gitna kung saan naroroon si Kasey na nakipagligsahan pa sa paggiling ng baywang at pag-twerk bago itinuwad sa bibig ni Devon ang tequila na agad gumuhit sa lalamunan ng dalaga.

Devon Valencia, isang dalagang puno ng kaartehan sa katawan. Walang ibang ginawa sa buhay kundi ang gumimik at magsaya gamit ang perang ibinibigay sa kaniya ng negosyateng ama. Nag-iisang anak lamang kaya lahat ng hilingin niya ay napapasakaniya sa isang pitik lang ng daliri niya.

Maliit lamang siyang babae, madalas mapagkalamang menor de edad dahil sa ka-inosentehan ng kaniyang mukha kaya naman palagi siyang may dalang ID para sa mga nagtataka at nanghihingi ng kumpirmasyon tungkol sa edad niya.

" Devs, six o'clock. " Nakangising hayag ni Kasey sa kaibigan sabay lingon sa likuran.

Umismid si Devon sa kaibigan, muling tinapunan ng tingin ang lalaking dilaw ang buhok, may malaking hikaw sa tainga at maliit na hikaw sa ilong na animo'y isang toro." He's hot but nope, not my type. "

Tumagal ng ilang oras ang selebrasyon sa Unknown Bar bago unti-unting nagsisiuwian ang ilan sa mga bisita ni Devon. Alas kuwatro na nang madaling araw at nagsimula sila ng alas nueve ng gabi kaya naman pagod at lasing na ang karamihan, kabilang doon ang birthday celebrant na hindi makatayo nang tuwid habang kumakaway sa mga bisitang nagpapaalam.

" Devs, what if pumasok muna kaya tayo sa loob? " Suhestiyon ni Kasey, nakaalalay sa kaibigan na panay pa rin ang kaway at paalam sa mga bisitang nagsisisakayan na sa kani-kanilang mga sasakyan. Kasalukuyan silang na sa labas ng bar dahil sa kagustuhan ni Devon na personal na makapagpasalamat sa mga taong nakisaya sa kaarawan niya. " Tinawagan ko na 'yong driver niyo at matagal pa bago siya makarating dito. Pumasok na muna tayo sa loob. "

" No, ayoko na roon. Gusto ko dito. Umiikot 'yong paningin ko sa loob dahil sa LED lights! " Nakapikit na sagot ni Devon, kamot nang kamot sa leeg pababa sa braso dahil sa mga naglilitawang pantal.

" Doon tayo sa VIP lounge. Nandoon 'yong iba at nagpapawala ng alak sa sistema. Halika na, ang lamok dito! " Pagpupumilit ni Kasey pero umiling si Devon, nakangusong itinuro ang kotse niyang nakaparada malapit sa harap nila.

" Sa car na lang ako maghihintay. Katukin mo na lang ako kapag nandiyan na 'yong driver, okay? Thank you! " Pinatakan ng halik ni Devon sa pisngi ang kaibigan bago lumakad patungo sa itim niyang sasakyan. Naghihikab niyang hinawakan ang handle ng pinto pero hindi ito nagbukas. Ilang beses niyang sinubukan hilahin nang biglang kumawala ang kaniyang hagikhik bago kuhanin ang susi sa loob ng pouch niya.

" Don't tell me na planong umuwi mag-isa ng birthday celebrant sa ganiyang kalagayan? " Takhang napalingon si Devon sa likuran nang may marinig siyang nagsalita. Nakita niya ang tatlong lalaki na nakasandal sa isang sport car na kulay pula, may mga kaniya-kaniyang hawak na alak habang may mga ngisi sa mukha. " Wanna ride with us? "

" Thanks, but no thanks. " Nakangiting pagtanggi ni Devon sa tatlong kalalakihan na hindi niya alam kung kabilang ba ang mga ito sa bisita niya o nakiparada lang ng sasakyan sa harap ng Unknown Bar. Binalik ni Devon ang atenyon sa paghahanap ng susi ng kotse niya hanggang sa makuha niya ito ngunit agad rin niyang nabitawan. Buntong-hininga siyang yumuko upang ito'y damputin nang mapatuwid siya nang tayo dahil sa dalawang palad na humawak sa likod niya.

" Tangina, lambot, ah, " tila nawala ang alak sa sistema ni Devon dahil sa naramdaman at narinig na nagpataas ng balahibo niya sa katawan. Agad siyang lumingon at walang pagdadalawang isip na sinapak ang lalaking nakatalikod sa kaniya.

" Batos! " Galit na sigaw ni Devon, hindi alam kung dahil ba sa maliit lang siya o sadyang mataas lang ang lalaki at kinailangan niya pang tumalon para puwersahang hilahin ang kuwelyo nito saka niya sinabunutan at pinaghahahampas ang ulo gamit ang kaniyang sling bag. Subalit natigilan siya nang makita 'yong tatlong kalalakihan na dali-daling sumasakay sa sport car na sinasandalan kanina. " Hey, saan kayo pupunta, ha?! "

Binitawan ni Devon 'yong lalaking hawak niya para kalampagin 'yong sasakyan na unti-unting dinumog para palabasin 'yong tatlong nangangatog na sa takot sa kasalanang agad na pinagsisihan. Habang ang lalaki namang napagkamalan ni Devon ay tiim-bagang na umalis, hinihimas-himas ang ulo niyang pinaghahampas ng dalagang tinangka lang naman niyang tulungan.

***

Ala una na ng hapon nang magising si Devon dahil sa paulit-ulit na tunog na nanggagaling sa cellphone niya. Ramdam niya ang pananakit ng ulo na hindi na bago sa kaniya kapag nakakainom kaya inis siyang bumangon sa kama para hanapin kung nasaan ang cellphone pero hindi niya ito mahagilap sa kama at sa mesang nasa gilid niya. Iginala niya ang paningin sa kuwarto hanggang sa mahinto ito sa likod ng pinto kung saan nakasabit ang sling bag niya.

" Oh my gosh, really? " walang nagawa si Devon kundi ang umalis sa kama at puntahan ang sling bag. Dinukot niya sa loob iyong cellphone at tamad na bumalik sa kama bago sagutin ang tawag. " Hello—"

" Finally! Kanina pa kita tinatawagan, ah! Huwag mong sabihing kagigising mo lang? " Inilayo ni Devon ang cellphone sa tainga dahil sa lakas ng boses ni Kasey sa kabilang linya. " Hello, Devs?! Are you still there?! "

" What?! " Umikot ng higa si Devon para dumapa saka ipinatong sa tainga ang cellphone niya. " I'm still sleepy. Ano ba kailangan mo? "

" Devon Valencia, time to wake up! Try mong i-open ang social media mo para mawala ang antok mo! " anito sa kabilang linya, halatang natataranta. " Trending ang nangyari kagabi sa harap ng Unknown Bar. Pinag p-pyestahan ng mga tao 'yong video! "

Kumunot noo niya." What are you talking about? Ano'ng video? "

" May kumuha ng video kagabi sa nangyaring gulo sa Unknown Bar. Bilis, mag open ka na lang para mapanood mo at malaman mo kung anong pinagsasasabi ko dito. "

" Kasey, inaantok pa ako, okay? Saka what's the point ba? Nakakulong naman na 'yong tatlong manyak, di 'ba? Hayaan mo silang pag pyestahan sa social media. "

" Girl, hindi lang sila ang pinag p-pyestahan ngayon. Ikaw—"

Naputol ang tawag. Tinignan ni Devon ang cellphone niya at sinubukang buksan pero nanatiling itim ang screen nito. Buntong-hininga niya itong inilapag sa tabi at planong bumalik sa pagkakatulog nang makaramdam ng pagkalam ng sikmura. Nais mang dedmahin pero kusa ng kumilos ang katawan niya para tumayong muli sa kama at i-charge ang cellphone niya. Napatingin siya sa salamin sa kaniya tukador, halos magimbal siya nang makakita ng bruha.

Dumiretso si Devon sa banyo para linisin ang sarili nang maibalik sa pagiging tao ang kaniyang hitsura. Nagsuot na lang siya nang maluwag na itim na bestida bago nag desisyong lumabas ng kuwarto at bumaba sa salas.

" Manang Elma, si Papa ba nakauwi na? " tanong ni Devon nang makasalubong ang kasambahay sa kusina. Dumiretso siya sa ref, kinuha sa loob ang isang pitsel para magsalin ng tubig sa hawak na baso.

" Mamayang hating-gabi pa ang dating ng Papa mo, hija. Tumawag siya kagabi at hindi ka nga raw ma-contact. Sinabi ko na lang tulog ka na sa kuwarto mo dahil maagang natapos ang party niyo... " anito, napansin ang hitsura ng dalaga kaya tumungo siya sa kabinet para kumuha ng gamot." May hangover ka pa yata? Ito, uminom ka ng gamot. Gusto mo ba ng kape? "

" Yes please, Manang. Thank you. " Malambing na pasasalamat ni Devon bago lumabas ng kusina at bumalik sa salas.

Ibinagsak niya ang sarili sa sopa saka kinuha ang remote ng smart TV na nakapatong sa lamesitang nasa harap niya. Dala ng kuryusidad sa ibinibida sa tawag ng kaibigang si Kasey, sa smart TV na siya nag log-in ng soc-med niya at agad nag banggaan ang kaniyang kilay dahil halos sumabog ang notification niya sa daming tag at mentioned sa pangalan niya.

Pinindot niya 'yong pinaka recent at dinala siya sa isang video kung saan makikita sa thumbnail ang harap ng Unknown Bar at mga taong tila ba nagkakagulo. Napatuwid siya ng upo nang magsimulang mag play ang video at sa unang segundo, nakita niya agad ang sarili na hinahampas ang isang mataas na lalaki nang bigla siyang nagtatakbo para lumipat sa isang kotse at kalampagin iyon.

" What the..." Napatakip siya ng bibig, pinanood nang buo ang video na tumagal ng limang minuto. Bumalik siya sa unang segundo, pinanood ang sarili kung saan pinaghahahampas niya ang isang estrangherong nawala rin kaagad sa mga sumunod na segundo. Pumunta siya sa comment section at halos maligo siya agad sa pawis nang mabasa ang ilang komento.

@user574538: Grabi ang tapang naman ni ate pink! Suntok-suntukin ba naman si kuyang napadaan lang?

@kitty_09: Kawawa naman 'yong kuyang napadaan! Mukhang gusto pa naman sanang tumulong kaso siya nabugbog lol.

@blackmask: Gagi, nandiyan ako kagabi! HAHAHA! Tutulong talaga 'yong malaking lalaki kaso napagkalaman yatang kasabwat noong tatlo, ayon siya unang lumasap ng galit ni ateng pink.

@bebibleshi: hey @devalencia, is dis u?

" Oh, saan ka pupunta, hija? " Takhang tanong ni Manang Elma nang makita ang pagmamadali ni Devon na umalis ng salas para umakyat sa kuwarto at kuhanin ang cellphone niya.

" Kasey! " Bungad ni Devon nang sagutin ng kaibigan ang tawag.

" Oh, so you already watch—"

" Sino 'yong lalaki?! " Putol ni Devon, hindi mapakali dahil sa sobrang taranta.

" Devs, hindi ko rin alam! Wala akong ideya kung sino 'yon pero base sa mga nababasa kong comment, tauhan daw 'yon nong isang tindahan sa harap ng Unknown Bar." sagot ni Kasey sa kabilang linya. " If I were you, sadyain mo 'yon ngayon doon at mag sorry ka sa lalaki. Devs, damang-dama ko 'yong pagsapak at paghampas mo sa ulo niya kahit sa video ko lang nakikita! "

" Gosh, wala na akong masyadong maalala sa nangyari kagabi. " Napasabunot na lamang si Devon sa buhok at naupo sa dulo ng kama." Can you come with me? B-Baka gantihan ako noon, eh. Nakita mo naman, ang laking tao! "

" Gustuhin ko man, hindi ko magagawa dahil nasa province kami ngayon. Alam mo naman na linggo-linggo kaming nauuwi dito, 'di ba? Kaya mo na 'yan, Devs! "

" No, I cant! Ni hindi ko nga alam ang sasabihin ko, eh! "

" Sasabihin mo lang naman 'yong sides mo then mag s-sorry! Easy! "

" No, It's not! Kailan mo ba ako nakitang naunang mag sorry?! " at tumagal ng bente minutos ang pagpipilitan na nangyari bago nakapagpasya si Devon na sadyain ang tindahang nabanggit ng kaibigan, ngunit bumagsak ang balikat niya nang malamang hindi taga-roon ang lalaking sadya niya.

" Naku, pasensya na, hindi namin siya staff. Pahinante siya noong egg supplier namin, " sagot ng may-ari ng tindahan, " pero kung gusto mo talaga siyang makita, ibibigay ko sa'yo 'yong address nila. Isang oras lang naman ang byahe mula dito papunta doon sa probinsya nila, eh. "

" I see..." Inayos ni Devon ang suot niyang sumbrelo para takpan ang kalahati ng mukha niya. Natatakot siya at baka may makakilala sa kaniya base sa kumakalat niyang video ng pananakit sa inosenteng tao. " K-Kung ganoon, puwede ko po ba mahingi ang exact address niya? "

Tumango ito at kinuha ang isang papel at ballpen na nasa mesang nasa gilid nila para isulat ang lokasyon. " Wala namang problema, pero ayos lang ba kung tanungin kita kung ano ang kailangan niyo sa pahinante? "

Napalunok si Devon. " G-Gusto ko rin sanang bumili ng itlog niya..."

***

Alas kuwatro nang hapon noong makarating si Devon sa lokasyong ibinigay sa kaniya at kagaya ng paglalarawan ng napagtanungan niya, isang malaking bukiran ang pinasok ng sasakyan niya. Nahirapan pa siyang maghanap kung saan niya ipaparada ang kotse dahil sa sikip ng mga kalsadang kaniyang dinadaanan. Halos sampung minuto din ang inubos niya sa pag-iikot bago siya makahanap ng bakanteng lote.

" Thank you. " Inabutan ni Devon ng barya sa bintana ang isang lalaking gumabay sa kaniya sa pagparada ng sasakyan. Inilabas niya ang cellphone at pinakita ang isang larawang in-screenshot niya mula sa video. " Uh, excuse me, Kuya? Magtatanong na rin po ako. Baka po kilala niyo po ito? "

Sumingkit ang mata ng lalaki, inilapit ang mukha sa cellphone na nakalabas sa bintana. " Aba, teka, si Pablo namin 'yan, ah! Saan kuha 'yan? "

Umaliwlas ang mukha ni Devon. " Kilala niyo po? "

" Oo, pamangkin ko 'yan! Ayan lang 'yong bahay niyan, oh! " Itinuro ng lalaki ang isang bahay-kubo na may mga pinagtagpi-tagping lumang tarpaulin na sa tingin niya ay mga kandidato. " Pero wala yata siya ngayon diyan. Malamang ay naroon 'yan sa patubig at pinaliliguan si Bebang. Ano ho bang kailangan nila?"

" Ah, wala naman pong malalim na dahilan. P-Puwede niyo po ba akong dalhin ngayon sa kaniya? " Pakiusap ni Devon, hindi na tinanong kung sino 'yong Bebang. Agad namang pumayag ang lalaki at kinausap ang mga kasamang tambay na bantayan ang ilang sasakyan nasa bakanteng lote.

Walang ibang makita si Devon sa paligid kundi bukiran at mga punong nagtataasan. Halos magkakadikit rin ang mga kabahayan sa gilid ng kalsada na hindi na bago sa paningin niya dahil sa dami ng lugar na napuntahan na niya. Nagkalat ang mga bata sa kalsada na abala sa paglalaro, habang ang ilan sa mga matatanda ay napapatingin sa dalagang kutis gatas na tila ba kumikinang dahil sa tumatamang sinag ng araw sa balat niya.

" Ayon, nandoon siya sa patubig. " Huminto sila sa gitna ng isang sementadong tulay kung saan sa kanilang ibaba ay may patubig na hanggang tuhod lamang ang taas. " Teka, tawagin ko—"

Agad naman naalarma si Devon. " Ah, no need na po. Lalapitan ko na lang, Kuya. Salamat po. "

" Osiya, sige ikaw bahala. Maiwan ko na kayo at ako na bahala magbantay ng sasakyan mo." Paalam ng lalaki bago ito tumalikod at naglakad paalis.

Binalik ni Devon ang paningin sa lalaking nag ngangalang Pablo, may kalayuan ang puwesto nito mula sa sementadong tulay na kinatatayuan niya kaya naman siya'y tumawid sa kabila para lapitan ang taong abala sa pagpapaligo ng kalabaw.

Tumikhim si Devon nang makalapit sa patubig kung nasaan ang lalaking nakatalikod sa kaniya. " Uhm, excuse me—"

Hindi nagawang ituloy ni Devon ang balak na sabihin nang makita ang agarang pag-alis ng suot pang-itaas ng lalaki dahilan para bumalandra sa harap niya ang matipuno nitong likod, malapad na balikat at naglalakihang mga braso. Kitang-kita niya pa ang pagdulas ng kumikinang nitong pawis mula sa balikat pababa sa balakang.

" Y-Yummy..." Nanlaki ang mata ni Devon nang mapagtanto ang lumabas sa bibig niya at huli na para bawiin pa nang lumingon ang lalaki sa kaniya na mababakasan ng gulat ang mukha. Agad nitong hinarang ang matipuno nitong braso sa katawan dahilan para matakpan ang mga pandesal sa tiyan. Nanlaki ang mata ni Devon. " W-Wait, It's not what you think—"

" Bastos." Isang salita subalit damang-dama ni Devon at pag-akyat ng dugo niya sa buong mukha dahil sa matinding hiya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status