Share

CHAPTER 15

" Hindi iyon panaginip..." hindi alam ni Devon kung nag d-delusyon lang ba siya o talagang totoo ang pangyayari na kaniyang nakita sa panaginip niya. Hindi niya magawa-gawang tapusin iyong pag-aayos sa sarili dahil kada tumitingin siya sa salamin, agad na bababa ang mata niya para tignan ang labi niya at kasabay noon ay ang paglitaw ng imahe ng paghalik niya kay Pablo. " Gosh, imposibleng panaginip iyon dahil...dahil bakit ang linaw sa memory ko? Bakit...bakit ramdam na ramdam ko iyong labi niya? "

" Devs, halika na kumain na tayo! Mamaya ka na mag-ayos! " Napatingin si Devon sa pinto nang madinig ang pagtawag sakaniya ni Kasey mula sa labas ng kuwarto nila.

Binalik ni Devon ang tingin sa harap ng salamin, wala naman siyang blush-on pero sobra ang pamumula ng pisngi niya kaya bago pa may makakita sa kaniya at asarin siya, tinapos na niya ang paglalagay ng sunscreen sa mukha. Ilang minuto ang lumipas bago niya napagpasyahang lumabas ng kuwarto na puno pa rin ng katanungan ang isipan ha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status