Share

CHAPTER 14

" Mga señorita, gising na! Umuulan ng mga guwapong may six packs abs sa labas, baka maubusan kayo! " Nakabusangot na bumangon si Devon mula sa kama, kinukusot-kusot ang mata habang humihikab dahil pakiramdam niya ay kulang pa ang tulog niya.

" Napaka-ingay mo kanina pa, Mai. Anong oras na ba? " Iritableng tanong ni Devon, umusod nang bahagya sa kama nang may masagi siya sa tabi niya. Paglingon niya, nakangangang Kasey ang bumungad sa kaniya. Wala itong suot na pang-itaas kaya hinila niya ang kumot pataas para takpan ang katawan ng kaibigan.

" Girl, alas dos na ng hapon. Bumangon na kayo para ma-enjoy niyo naman iyong araw sa labas. " Inalis ni Mai ang tuwalyang nakatapis sa ulo niya kaya bumagsak ang basa nitong buhok. " For sure kumakalam na mga sikmura niyo kaya bumangon na kayo at kumain sa labas. Nag order lang kami ng bilao for lunch natin. "

" Mayamaya na. Hindi pa naman ako nagugutom. " Tamad na umalis ng kama si Devon at lumakad palapit sa maleta niya para kuhanin ang pang sk
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status