Share

CHAPTER 10

Alas singko ng umaga, lumabas na ng kuwarto si Pablo na ilang oras lang ang itinulog sa kadahilanang hindi siya dinalaw ng antok sa buong magdamag. Malambot ang kama na kapag tinalon ay tatalbog ka pa. Malaki rin ito, kasya ang tatlong tao ngunit sa hindi malamang dahilan, naging rason din iyon kay Pablo para manatiling aktibo ang isip sa gitna ng mga matang nakapikit. Sa ilang oras niyang nakahiga sa kama, napuno ang isip niya ng mga katanungan tungkol sa naging desisyon niya.

" Oh, magandang umaga, Pablo. Ang aga mo namang bumangon? Mamayang mga alas nuebe pa gising ng ating Señorita. " Nakasalubong ni Pablo si Manang Elma sa salas, may dala itong isang tasa ng kape. " Kung pagbabasehan ang lalim ng mga mata mo, mukhang hindi ka nakatulog nang maayos kagabi, ah? "

Nahihiyang ngumiti si Pablo. " Namamahay lang ho. Ito ho kasi unang beses na matulog ako sa ibang bahay. "

" Talaga? " Hind makapaniwalang tanong ng matanda na kung pagbabasehan ang kaniyang karanasan, nagawa na niyang ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status