Share

CHAPTER 11

NASA studio ako ngayon habang nakaupo sa isang sofa at nakatingin sa manager kong si Gorgen. Kanina pa ito pabalik-balik ng lakad sa harap ko at panay ang sermon sa akin dahil sa mga hickey sa leeg ko, na siyang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang photoshoot para sa isang magazine. Kailangan kasing naka-swimsuit, kaya lang puro hickey ang nasa katawan ko at hindi kayang takpan ng make up. Highblood tuloy ang manager ko sa akin.

“Akala ko ba ayaw mo diyan sa asawa mo? Pero bakit puro hickey na ‘yang buong katawan mo? Nag-iisip ka ba talaga, Elize Mica!”

Napanguso ako. “Sorry na, nadala lang kasi ako sa tukso, eh.”

Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Gorgen. “Tukso?” bulalas nito. “Anong klaseng tukso naman ‘yan, Elize? Eh halos minarkahan na niya ang buo mong katawan! Paano na ang photoshoot niyan? My goodness! Mauubos ang dugo ko riyan sa asawa mo! Ghad!” Napapaypay ito sa sarili na para bang nababanas na talaga kahit hindi naman mainit.

“Gorgen, puwede naman sa susunod na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status