Share

CHAPTER 17

PAGDATING namin sa Glamorous Beach Resort kung saan gaganapin ang photoshoot ay agad akong lumapit kay Gorgen na agad na lumaki ang ngiti sa labi ng makita ako.

"Buti naman at dumating ka! Dumiretso ka na doon sa restroom para magbihis," maarte nitong sabi.

"Hoy ikaw, bakla! Bakit sa dinami-rami ng pwede mong papuntahin ay sa akin ay 'yong pervert na photographer pa 'yon, ha?" sermon ko na agad na namaywang sa harap niya.

"What? Paano mo naman basabi na pervert si Garry?"

"Dahil ang bastos niya tumingin sa katawan ko! Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya na ako sa klase ng tinging binibigay niya!" mariin kong sagot sa mahinang boses.

Malakas na napahalakhak si Gorgen. "Oh my god! Malamang nagandahan lang si Garry sa katawan mo dahil sexy ka! Naiinggit lang 'yon sa ‘yo, dahil impossible naman na pagnasaan ka ng isang bading! My God! Nakakaloka ka, Elize Mica!"

Agad na nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean? Sinasabi mo bang bading ang lalaking 'oun?"

Gorgen nodded while laughing. "
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status