RAMDAM ko ang pagkirot ng ulo ko sa sakit na unti-unti kong kinamulat ng mata. Pagmulat ko ay nagulat pa ako nang makitang nasa loob ako ng hindi pamilyar na silid. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa hospital ako. Nang mapatingin ako sa tabi ko ay ang mukha agad ni Gorgen ang bumungad sa akin na nakaupo habang nakayuko at nakapikit ang mga mata na para bang antok na antok."Gorgen... Gorgen..." mahina kong tawag—na kinabalikwas nito at parang natauhan mula sa malalim na pagkakatulog."Elize, oh my gosh! Anong masakit sa 'yo?""What happened? Nasa hospital ba ako?" ngiwing tanong ko dahil sa pagkirot ng ulo ko."Oo nasa hospital ka dahil sa pagkaaksidente mo kagabi. Bumangga ang kotse mo sa isang poste, Elize! Buti na lang ay kilala ako ng isang nurse na nag asikaso sa 'yo at tinawagan ako na narito ka raw sa hospital."Agad akong dinambol ng kaba nang maalala ang nangyari."H-How about the baby?" Hindi ko mapigilan ang mapalunok. Napairap naman si Gorgen sa akin at inis nitong pinalo
Two years later...NAPAHAPLOS ako sa salaming bintana ng eroplano kung saan tanaw ko ang magandang kalangitan na kulay kahel. It's beautiful. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at napahinga nang malalim bago sumandal sa aking kinauupuan at pumikit. Dinig na dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa kung anong mangyayari kapag lumapag na ang eroplanong sinasakyan ko ngayon sa Pilipinas.Dalawang taon na ang lumipas at ngayon ko lang naisipang umuwi. I want to surprise my parents. Bukas na ang kanilang ika-29 years wedding anniversary, kaya naman naisipan kong umuwi pansamantala at surpresahin sila sa pagdating ko.Dahil sa pagpikit ko ay hindi ko na namalayan ang paglapag ng eroplano. Naalimpungatan lang ako sa pagtapik sa balikat ko. "Hoy gaga, we are here na, wake up," bulong ni Gorgen sa maarteng boses na kinabalikwas ko.Agad akong nagpalinga-linga sa loob ng eroplano. "Where's Shannel and Aeron?" tanong ko ng mapansing kami n
PARANG hindi makapaniwala ang parents ko nang aminin kong nagkaanak ako. At ngayon ay halos mangiyak-ngiyak si mommy habang nakatingin sa kambal.Buhat ni daddy si Shannel at buhat naman ni Loraine si Aeron na tawa nang tawa habang pinupugpog ng kapatid ko ng halik sa mukha.Nakaupo lang ako sa sofa habang sa kabila naman si mommy. Si daddy at si Loraine ay parehong nakatayo at tuwang-tuwa sa kambal. "Anak naman, paano mo nagawa sa amin 'to? Bakit ka naglihim? Ganoon na ba kami ka walang-kwenta ng daddy mo para sa ‘yo? Ni hindi mo man lang sinabi sa amin na may dalawang apo na pala kami," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mommy sa nagtatampong boses. "Hindi naman po sa gano'n, Mom. Masyado lang kasi magulo ang isip ko no’ng mga panahong 'yon. I'm sorry.""Huwag mo nang pagalitan pa ang anak mo, ang mahalaga ay nakita natin ang mga apo natin. Ikaw talaga masyado kang dramatic!" natatawang sabat ni dad at naupo na sa tabi ni mommy habang buhat pa rin si Shannel.Inis na pinalo ni mommy ang b
Hindi ko na namalayan ang sarili ko at unti-unti na pala akong napatayo mula sa aking kinauupuan habang nakatingin sa lalaking nakatayo ng mga tatlong dipa lang ang layo mula sa akin.Nagkatitigan kaming dalawa na para bang walang ibang tao sa paligid namin kundi kami lang. Halo-halong emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.Siguro ay may mga dalawang minuto kaming nagkatitigan, hanggang sa unti-unti siyang naglakad palapit sa akin. At nang sandaling nakalapit na siya ay hindi ko inaasahan ang paghila niya sa braso ko, kasabay no'n ay ang mahigpit niyang pagyakap sa akin na para bang ayaw na akong pakawalan.Nagulat ako sa kanyang ginawa. Walang salita na lumabas sa bibig ko. I don't know what to say or do. Nanatili lang akong nakatayo habang yakap niya ng mahigpit, ni hindi ako gumanti ng yakap sa kanya.Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahil sa magkadikit ang dibdib namin dalawa ay ramdam ko rin ang pagtibok ng puso niya na kasing bilis ng aki
Talagang hindi niya man lang itinanggi ang pagiging taksil niya. Siguro tama lang na hindi niya na malaman pa ang tungkol sa kambal, dahil talagang nakakainis na siya. Paglabas ko ng hotel ay madilim na pala sa labas, at nang mapitingin ako sa aking pambisig na relo ay 6:42 p.m. na. Pumara ako ng taxi at nagpahatid pauwi. Pagdating ko sa bahay ay si mommy agad ang nakita kong nakaupo sa sofa katabi ni daddy habang nanunood ng TV. Hindi ko alam na nakauwi na pala si dad. "Oh, ba't ngayon ka lang?" tanong ni daddy nang makita ako. "May pinuntahan pa kasi ako, dad. Ang kambal nasaan?""Naroon sa kuwarto ng kapatid mo at baka tulog na,” mom replied. "Magbihis ka na doon para makapag-dinner na tayo, pabantayan mo muna sa mga katulong ang kambal at baka mag iyak kapag nagising nang walang katabi."Tumango lang ako kay mommy bago umakyat ng kuwarto ko at nagbihis. Pagkatapos kong nagbihis ay pumasok ako sa kuwarto ni Loraine, at tulad nga ng sinabi ni mommy ay tulog na ang kambal, mar
Tuwang-tuwa ang kambal nang makita ang mukha ng kanilang ama. Tuluyan nang nangatog ang mga tuhod ko, lalo na nang makita ang gulat sa mukha ni Drex nang makita ang dalawang bata. Nanghihina akong napaupo sa kabilang sofa habang nakatingin kay Drex na nakatitig lang sa kambal nang walang kurap-kurap at pabukas-sara ang bibig na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita. Pansin ko pa ang pagbaba-taas ng adam's apple nito habang nakatitig sa kambal. "Daddee... Daddee..." paulit-ulit na tawag ni Shannel at Aeron habang tumatawa at pilit na inaabot ang mukha ng kanilang ama. "I-I'm…” Huminga ako nang malalim, “I'm sorry…”Hindi pinansin ni Drex ang sinabi ko, bagkus ay umalis siya ng upo sa sofa at lumapit sa kambal bago lumuhod para pumantay rito. Itinaas niya ang kamay na para bang gustong hawakan ang kambal pero agad na napahinto sa ere ang kanyang kamay at pansin ko ang panginginig nito. "They are my kids, right?" tanong niya kapagkuwan. Garalgal na rin ang kanyang boses.Kitang-kit
HALOS puno ng mga iba't ibang laruan ang backseat ng kotse dahil sa dami ng binili ni Drex para sa kambal. Kung hindi pa ako umapela ay baka pati tindihan ng toys ay bibilhin na niya. Buti na lang talaga ay naka-rubber shoes lang ako, dahil kung hindi ay paniguradong sumasakit na ang mga paa ko sa mga oras na 'to dahil sa kakalibot-libot kanina sa loob ng mall."Tila napagod ang mga anak natin. Hindi ko alam na ganyan pala sila kapag natutulog, ang sarap pagmasdan," basag ni Drex sa katahimikan habang nagmamaneho at panay ang sulyap sa kambal na ngayon ay nakatulog at tila napagod sa pamamasyal.Nanatili lang akong tahimik habang nakasandal ng upo sa loob ng kotse.Alas otso na ng gabi nang makauwi kami.Pagdating sa bahay ay agad na ipinasok ni Drex ang kambal sa kuwarto at inihiga sa kama.Dumiretso ako sa loob ng banyo at naligo dahil parang nanlalagkit na ako sa sarili kong pawis.Nang matapos ako sa pagligo ay lumabas na ako ng bathroom habang tapis ng puting tuwalya.Napahinto a
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Drex na may pagtataka nang makita ang bigla kong pagtayo. "Hindi ka pa kumakain, Elize.""P-Puwede mo bang sabihin sa akin kung saan nakatira ngayon si Leila?"Mas lalong kumunot ang noo ni Drex sa tanong ko pero agad ding tumango."Sure, but before that kumain ka muna. Sa pagkakaalam ko ay kakabalik lang ni Liela kahapon mula sa China dahil may business meeting ang kanyang asawa rito sa Pinas. Isa kasi sa mga business partner ni Dad ang asawa niya at baka bukas ay babalik din sila agad ng China pagkatapos ng meeting. Ano nga pala ang kailangan mo sa kanya? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kayo malapit sa isa't isa."Hindi ko na namalayan ang pagkuyom ko ng kamao."May itatanong lang akong importante sa kanya. Mamaya na ako kakain, magbibihis lang ako. Pakihintay na lang ako sa kotse."Napapabuntonghininga na tumango na lang si Drex at hindi na umangal pa.Lumabas ako ng kitchen at mabilis na nagbihis sa kuwarto.Habang nasa biyahe ay nanatili akong wa