Share

CHAPTER 24

Tuwang-tuwa ang kambal nang makita ang mukha ng kanilang ama.

Tuluyan nang nangatog ang mga tuhod ko, lalo na nang makita ang gulat sa mukha ni Drex nang makita ang dalawang bata.

Nanghihina akong napaupo sa kabilang sofa habang nakatingin kay Drex na nakatitig lang sa kambal nang walang kurap-kurap at pabukas-sara ang bibig na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita. Pansin ko pa ang pagbaba-taas ng adam's apple nito habang nakatitig sa kambal.

"Daddee... Daddee..." paulit-ulit na tawag ni Shannel at Aeron habang tumatawa at pilit na inaabot ang mukha ng kanilang ama.

"I-I'm…” Huminga ako nang malalim, “I'm sorry…”

Hindi pinansin ni Drex ang sinabi ko, bagkus ay umalis siya ng upo sa sofa at lumapit sa kambal bago lumuhod para pumantay rito. Itinaas niya ang kamay na para bang gustong hawakan ang kambal pero agad na napahinto sa ere ang kanyang kamay at pansin ko ang panginginig nito.

"They are my kids, right?" tanong niya kapagkuwan. Garalgal na rin ang kanyang boses.

Kitang-kit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status