Share

Chapter 22

"PAANO ba 'yan? Matutuloy ang honeymoon natin sa England 'pag natapos na ang problema ko."

Matiim na tinitigan ni Yumi ang binata. "Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Bahagyang itinaas pa niya ang hawak na papel. "Biro lamang ang nakasulat dito, hindi ba?"

"Tsk naman! Nagpakahirap akong kuhain ang marriage of certificate natin, kaya dapat ay may premyo ako sa iyo." Itinulis nito ang nguso habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Napahinto rin ito kaagad nang ihampas niya ang hawak na papel dito.

"Magtigil ka nga!" Pinandilatan din niya ito. "Totoo ang nakasulat dito? Ibig sabihi'y totoo ang ating kasal!"

Malalim itong napahinga. "Oo nga at may utang ka sa akin! Siguro mga sampong gabi rin iyon." Binilang pa nito ang mga daliri.

Nangonot ang noo niya, hudyat na hindi niya naunawaan ang sinabi nito. "Utang? Anong utang?"

"Utang na gabi! Hindi ako nakatabi sa 'yo. Hindi nakayakap, hindi nakahalik at alam mo na kung ano 'yong huli." Pilyo pa itong ngumiti sa kanya na sinasamahan din ng pagt
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status