Share

Art of Destiny XLVI

MALALIM ang iniisip ni Naikkah ng mga sandaling iyon habang ang mga mata ay nakapako sa larawan nilang ni Jino. Wala noon ang kaniyang asawa dahil sumama ito kina Itay at Inay niya sa palengke. Naiwan siya sa bahay nang mag-isa at sinumpong ng boring kaya napaginitan niyang magpunas -punas habang hinihintay ang pagdating ng mga ito.

Maaga pa kanina umalis ang tatlo at katulad ng karaniwang routine, mga alas diyes ay maaring nasa bahay na ang mga ito depende kung mabenta ang mga nahuli nilang isda.

Ang mga kapatid naman niyang sina Tobby Rob at Zeneliah ay pumasok na sa school kaya mag-isa na lang talaga siya sa bahay na iyon.

Hindi naman siya natatakot, sadyang bored lang talaga kapag walang kausap kaya naman ay napagdiskitahan niya ang mga inaalikabok ng mga gamit sa loob ng kanilang bahay.

Nasa paglilinis siya ng mga kagamitan nang masagi ng paningin niya ang litrato nila na magkasama bilang asawa kahit pa sabihing wala namang naganap na kasalan sa pagitan nilang dalawa ni J
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status