Share

Art of Destiny XLX

"ALAM niyo ba, nang lumuwas ako ng bayan ay nakita ko sa mga nakapaskil na missing sa mga kanto ang mukha ni Jino. Kamukhang-kamukha talaga ng asawa ni Naikkah ang nasa litrato."

Tinig iyon ni Marisol na kahit mahina ay dinig na dinig ni Naikkah. Nasa tabing dagat sila ng mga oras na iyon at sinasalubong ang mga mangingisdang kakarating lamang buhat sa laot ng umaga ding iyon.

"Ku, eh baka naman nagkakamali ka naman ng pagkakakita." supalpal naman ni ALing Roda sa mga pinagtatalak ng ginang. "Naalala ko pa din ang sinabi mo noon. Iyon bang sabi mo nawawalang asawa ni Carding ay nakita mong nagtatrabaho sa bayan. Nang puntahan ni Carding ang sinsabi mo, Hindi naman pala totoo. May kapal ka ba ng mukha na magsalita ng ganyan?"

Natameme ang babae sa sagot ng kausap. Nakaraan lang kasi ang nawawala ang asawa ni Mang Carding at ang hinala ay may kinatagpo ito sa bayan at doon na nagtatrabaho. Kalaunan ay natuklasan na kamukha lang iyon ni Aling Serna, dahil ang totoo ay matagal nang nama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status