MALALIM ang iniisip ni Naikkah ng mga sandaling iyon habang ang mga mata ay nakapako sa larawan nilang ni Jino. Wala noon ang kaniyang asawa dahil sumama ito kina Itay at Inay niya sa palengke. Naiwan siya sa bahay nang mag-isa at sinumpong ng boring kaya napaginitan niyang magpunas -punas habang hinihintay ang pagdating ng mga ito. Maaga pa kanina umalis ang tatlo at katulad ng karaniwang routine, mga alas diyes ay maaring nasa bahay na ang mga ito depende kung mabenta ang mga nahuli nilang isda. Ang mga kapatid naman niyang sina Tobby Rob at Zeneliah ay pumasok na sa school kaya mag-isa na lang talaga siya sa bahay na iyon. Hindi naman siya natatakot, sadyang bored lang talaga kapag walang kausap kaya naman ay napagdiskitahan niya ang mga inaalikabok ng mga gamit sa loob ng kanilang bahay. Nasa paglilinis siya ng mga kagamitan nang masagi ng paningin niya ang litrato nila na magkasama bilang asawa kahit pa sabihing wala namang naganap na kasalan sa pagitan nilang dalawa ni J
MULA sa itaas na veranda ng malawak na mansion Del Valle ay nakadungaw ang isang malungkot na si Rose Mary. Makikita sa mga mata niya ang nakaguhit na kapanglawan at walang makapagsasabi kung ano ang bagay na gumugulo sa kaniya maliban sa siya lamang ang nakakaalam. It's been three years. Tatlong taon na ang nakararaan pero hanggang ngayon ay wala pa ding balita kay Jino. Kung nasaan at ano na ang nangyari rito ay wala pa ring may alam. Nanatiling sirado ang kaso ng pagkawala ni Jino lalo na sa pamilya Domingo. 'It's been a long time ago, but still... i learned to wait for you to come. I pray that one day, I will see you again with my own eyes and my heart beating faster while you are coming closer... and kissing me again. ' Piping dalangin ng kaniyang puso na siyang pagbagsak na naman muli ng malamig na butil ng tubig. 'Would you please come back to me? I will wait for you here.' Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan ng mga sandaling iyon. Hanggang sa mga pa
MULA sa itaas na veranda ng malawak na mansion Del Valle ay nakadungaw ang isang malungkot na si Rose Mary. Makikita sa mga mata niya ang nakaguhit na kapanglawan at walang makapagsasabi kung ano ang bagay na gumugulo sa kaniya maliban sa siya lamang ang nakakaalam.It's been three years. Tatlong taon na ang nakararaan pero hanggang ngayon ay wala pa ding balita kay Jino. Kung nasaan at ano na ang nangyari rito ay wala pa ring may alam. Nanatiling sirado ang kaso ng pagkawala ni Jino lalo na sa pamilya Domingo. 'It's been a long time ago, but still... i learned to wait for you to come. I pray that one day, I will see you again with my own eyes and my heart beating faster. ' Piping dalangin ng kaniyang puso na siyang pagbagsak na naman muli ng malamig na butil ng tubig. 'Would you please come back to me? I will wait for you here.'Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan ng mga sandaling iyon. Hanggang sa mga panahong iyon ay hindi pa din siya nawawalan ng pag-asang
"ALAM niyo ba, nang lumuwas ako ng bayan ay nakita ko sa mga nakapaskil na missing sa mga kanto ang mukha ni Jino. Kamukhang-kamukha talaga ng asawa ni Naikkah ang nasa litrato."Tinig iyon ni Marisol na kahit mahina ay dinig na dinig ni Naikkah. Nasa tabing dagat sila ng mga oras na iyon at sinasalubong ang mga mangingisdang kakarating lamang buhat sa laot ng umaga ding iyon. "Ku, eh baka naman nagkakamali ka naman ng pagkakakita." supalpal naman ni ALing Roda sa mga pinagtatalak ng ginang. "Naalala ko pa din ang sinabi mo noon. Iyon bang sabi mo nawawalang asawa ni Carding ay nakita mong nagtatrabaho sa bayan. Nang puntahan ni Carding ang sinsabi mo, Hindi naman pala totoo. May kapal ka ba ng mukha na magsalita ng ganyan?" Natameme ang babae sa sagot ng kausap. Nakaraan lang kasi ang nawawala ang asawa ni Mang Carding at ang hinala ay may kinatagpo ito sa bayan at doon na nagtatrabaho. Kalaunan ay natuklasan na kamukha lang iyon ni Aling Serna, dahil ang totoo ay matagal nang nama
HIndi na alam ni Jino kung nasaan na siya dinala ng kaniyang pagtakas. Ang kaniyang pagod at hapong nararamdaman ay magkasamang gustong tumalo sa natitirang hibla ng kaniyang huling lakas. Gustuhin man niyang magpahinga ay nawala na sa isip niya dahil ang tanging mas matimbang sa isipan niya ay makatakas at ganap na makalayo mula sa mga taong humahabol sa kaniya. Kanina lang ay dinig pa niya ang sigaw at mga yabag na nakasunod sa kaniya hanggang sa tila mga boses ang mga iyon sa kaniyang pandinig na unti-unting namamaos. Hindi na niya ramdam ang mga tinik ng mga dawag na sumasagi sa kaniyang mapino at hindi kaputiang kulay ng balat. Maging ang mga pagdurugo ng mga sugat na likha niyon ay balewala na din sa kaniya. Ang kaniyang mga paa na hindi na mabilang ang mga tinik na nakasalaksak ay parang naging normal na lamang sa kaniyang pakiramdam. Sinubukan niya ang pasaglit na lingon upang tiyakin kung may sumusunod pa sa kaniya. Sa klase ng lugar na pinasukan niya, malabong masundan p
MAY kakaibang kislap na nabuhay sa mukha ni Arianne nang may mapabalitang naririto lang pala sa Palawan ang kanilang nawawalang anak na si Jino. Ayon sa mapagkatiwalaang source ay matagal nang naninirahan si Jino sa isang Isla na kung tawagin ay Isla Maambeng.ayon sa ibinalita, nasa bahaging Southern Palawan ang nasabing Isla mararating sa loob ng isang oras lamang mula sa bayan. "Totoo? Buhay ang anak natin? Buhay si Jino?" Walang pagsisidlang tuwa na pangungumpirma ni Arianne sa asawang si Jake ng ibalita niya rito ang tungkol sa nalaman. Mabilis na tumango si Jake bilang kumpirmasyon na walang balak panisin ang pananabik at sayang nakaguhit sa mukha ng asawa."Kahapon lang ay may tumawag sa akin na isang caller dala ang balitang natagpuan daw nito ang anak natin at alam nito kung nasaan si Jino. Hindi nga lang muna siya nagbigay ng pangalan dahil gusto niyang personal tayong makausap."Agad na inayos ni Arianne ang sarili na para lang nagising sa isang matagal na bangungot. Wal
INTRODUCTION: PangungulilaSa dalawang magkaibang dako, may magkaibang puso na naghihintay, umaasa at nananabik na magkitang muli... Malulunasan ba pareho ang mga sugat ng panahon at oras??βββββOne night of a full moon.Makikita ang isang taong nakaupo sa isang bangkong kawayan. Nagiisa lang ang person. Walang balak mag-ingay, magsalita o sumigaw.Nakapako lang ang mga mata niya sa galaw ng dagat. Pinagmamasdan nito din ang tila kristal na tubig na tinamaan ng liwanag ng buwan.Matiyaga nitong pinakikinggan ang mga tila awit ng hampas ng alon sa pampang.Mayamaya ay saglit nitong ginalaw ang mga nangangawit na paa dahil sa tagal ng pagkakaupo.Pinaglagutok din nito ang mga daliri sa kamay na parang namanhid na din. Masaya nitong binilang habang pinakikinggan iyon hanggang sa huling lagutok. Di pa nakuntento ay isinunod nito ang mga daliri sa dalawa nitong paa. Nakaramdam ito ng ginhawa matapos gawin ang mga iyon. Naginat pa ito at pinaglagutok din ang likod sa sarili nitong pamamar
One/ Nakatagong lihim"Sa likod ng mga realidad na nagaganap, may mga nakatagong lihim ng nakaraan na mauungkat , katulad ng librong may mga kabanatang nilumot na ng panahon."ββββ"Miss Rose Mary Gaile Villadencio, will you marry me?"Ito ang mga katagang binanggit ni Jino na punong-puno ng eksaytment at 'di masusukat na saya. Noon ay nasa isang sikat na restaurant ang dalawa at kasalukuyang nasa dinner date. Nakatayo si Jino sa pormang paluhod sa harap ng kaniyang girlfriend at wala silang paki sa mga nakapaligid sa kanila o kung pinagtitinginan man sila ng mga ito.It was Jino's most awaited moment. A moment to propose marriage to his fiancee for more than five years and still counting.Even though na parang sinasalakay ng kaba ang puso niya at handang makipagkarera sa laban sa sobrang bilis ng pintig niyon, still Jino's trying to do what he should do a year ago.Jino thought that those five years are enough to make them both settled in peace. Marami na silang pinagdadaanan as a lov