WHAT!!
Halos pumuno ang malakas at tila rumaragasang boses ni Drax sa kuwartong iyon matapos marinig mula sa mga tauhan nito ang nangyaring pagkawala ni Jino. "Kung hindi ba naman kayo sang katerbang pagkatanga! Iisang tao lang, natakasan pa kayo! Mga inutil!" Kamuntik na niyang itapon ang hawak na telepono kung hindi lang agad na rumesponde si Izaac Jed. "Relax. Ang puso mo." Pagpapakalma nito sa kaniya habang gumagapang sa kaniyang tiyan ang dalawa nitong kamay. Katatapos lang nilang muling magtalik para ipagdiwang ang nalalapit na tagumpay ng bigla ay tumawag ang kaniyang mga inutusan at ganoon na ang ang balita. Tila naman kumalma ang kaniyang maningas na emosyon at napalitan ng isang di pangkaraniwang sensasyon na naging dahilan upang muli siyang tigasan. Naramdaman niya na lang din ang mainit at banayad na haplos ng mga palad ng kaniyang kuya Jed sa kaniyang kahabaan. Napangiti siyang tinitigan ito na siMALIWANAG na noon ang buwan kahit alas siyete pa lamang ng gabi. Noon ay nakauwi na si Naikkah sa kanilang bahay at nailuto na din ang mga nakuhang shells. Matapos makapaghanda ng hapunan ay nagpaalam siyang may saglit na pupuntahan. Hindi naman naging maimbestiga ang Ginang pagkatapos nang lahat nang nangyari sa kaniya sa buong maghapon. Nagtataka man ang kaniyang nanay ay hindi na din nagawang kuwestiyunin pa ang pagbabagong naganap sa kaniya sa buong araw. Siguro ay naisip na lang nito na mabuti naman ang nagaganap sa anak kaya hindi na iyon pinansin. Maluwag na nakaalis si Naikkah ng mga sandaling iyon. Hindi tulad ng dati na tinatadtad muna siya ng tanong ng ina bago pa man siyang makalayo sa kanilang bakuran. Nakakapanibago man ay hindi na din niya kaylangang magtaka dahil sa totoo lang ay mas nakakapanibago siya kaysa rito. Malayo pa ay dinig na niya ang mahina ngunit maalong hampas ng tubig sa dalampasigan. Iisa lang ang nasa isipan niya tungkol sa naririnig na karani
TAHAN na! Jino will be fine, I believe." Malayo pa ay narinig na niya ang mga salitang iyon mula sa asawa ni Arianne na si Jake. Yakap nito ang asawa at patuloy na hinahaplos ang likod na para bang binibigyan ito ng comfort. Sa kaniyang pagtataka ay agad siyang nangusisa siya sa katulong ng mansiyon na matagal nang naninilbihan sa pamilyang ito. "Ano'ng nangyayari?" nagtataka at kunot ang noong tanong niya sa katulong na nagbabakasakaling may makuhang sagot. Mahigpit na umiling ang kausap. "Hindi ko din po alam Ma'am. Ang alam ko lang po ay may problema ang pamilya tungkol kay Jino." Bigla ay nakaramdam siya ng pagkabahala nang marinig ang pangalan ni Jino. Sari-saring negatibong bagay din ang biglang nagsalimbayan sa kaniyang isipan nang mga sandaling iyon. 'Ano kaya ang nangyari sa pamangkin niya?' isang tanong na pumurma sa isipan n Parang iba kasi sa pandinig nya ang pag-alo ng asawa nito. It sounds terrible what happened to her nephew. "Sige, kung hindi mo masamain ay
HINGAL na hingal na si Naikkah sa ginawang paghila sa katawang na lalaking mas lalong bumigat dahil sa basang-basa ito sa tubig papuntang pampang. Noon niya narealized na kaya pala nagpapakita sa kaniya si Jino ay dahil pala sa lalaking ito na iyon nga ay naabutan niyang palutang-lutang sa pampang. Sa pamamagitan ng sariling lakas ay sinikap niyang hilahin ang katawan ng naturang lalaki upang dalhin sa pampang. Medyo malalim pa kasi sa bandang iyon kaya sinikap niyang hilahin ito sa mas mababaw malapit sa pampang. Gustuhin niya sanang sumigaw upang humingi ng saklolo at upang tulungan na din siya sa paghila rito subalit naisip niyang walang posibleng tao ang naroon malapit sa kaniyang lokasyon. Isolated ang nasabing lugar at halos madalang ang mga taga isla ang nagagawi roon. Ewan lang ba at kung bakit siya ay napadpad sa bahaging iyon ng mangroves area nang walang nararamdamang anuman kahit panganib. Hirap na hirap man ay sinikap niyang muling hilahin ang lalaki. Naging dahila
LIHIM siyang napangiti nang muli namang maalala iyon kahit pa para na naman siyang niyakap ng isang malamig na hangin. Ang lamig din na ibinibigay ng tubig sa kaniyang katawan habang patuloy na hinihila ang mabigat at basang katawan ng estrangherong ito ay mas lalong nanuot sa buo niyang kalamnan. Sinubukan niyang sulyapan ang nasa unahan. Sandali na lamang at makakaahon na sila pareho sa malamig na tubig na ito. Ilang pagsisikap na lang ay nasa tabing dagat na sila. Noon sumagi sa isip niya ang kondisyon ng naturang lalaki. Kanina ay sinubukan niya ito pulsuhan kung humihinga pa at doon nga ay natiyak niya na buhay pa ito kaya mabilis niyang hinila. Hindi niya maintindihan kung anong mahika ang biglang lumukob sa kaniya nang makita ang katawan nitong palutang-lutang. Instant na binigyan siya ng command sa isip na kumilos kaya naman patakbo pa niyang nilangoy ang nasabing nilalang para tiyakin kung humihinga pa at para mailigtas sa pagkalunod. Hindi naman siya nakapag-aral ng nursin
Marahang napalingon si Jino matapos marinig ang isang pagtawag sa kaniyang pangalan.Boses iyon ng kaniyang asawa. Tiyak na hinahanap na naman nito siya gaya ng karaniwan nang nangyayari.Napakamot sa ulong tumayo siya at bitbit ang isang tasang pinagkapihan niya kanina.Noon ay ubos na ang hinihithit niyang sigarilyo.Agad na niyang sinalubong ang asawa na parang 'di maipinta ang mukha. Namamawis ito at halatang pagod na pagod sa kakalakad."Bakit? Anong problema?" nag-aalalang tanong niya rito sabay hapit sa sexy nitong beywang.Matulis ang ngusong nagreklamo na naman ito. "Kanina pa kita hinanap!" anitong naging isip bata. "Napagod tuloy ako." reklamo pa nito na kitang-kita ang mga namumuong pawis sa noo at leeg.Pagak siyang tumawa na kaagad niya ding pinigilan dahil nangasim ang hitsura nito bigla."Langhiya ka!" anito sa kaniya sabay hampas sa braso niya. Nagsalubong din ang mga kilay nito. Indikasyon na galit na ito ngayon. "Nakuha mo pa talagang tumawa ha? Sa lagay ko ngayon
Arianne!"Nanlalaki ang mga matang bulalas ni Jake nang maabutan ang asawa na noon ay binalak na saktan ang sarili sa pamamagitan ng paghiwa ng sariling braso gamit ang isang matalim na kutsilyo. Kagagaling lang niya noon sa opisina at noon ay mag-aalas singko pa lamang ng hapon. Wala pa noon si Kayla Reece dahil tiyak niyang nasa school pa ito ng mga oras na iyon. Wala din ang kanilang Inay Leah dahil busy din ito sa isang Fitness Program na ito ang namamahala. Sa edad ng agwela ay hindi niya maisip na magtuturo pa din ito ng zumba sa mga gustong matuto ng ganitong sayaw. Wala naman siyang naging pagtutol dahil sa mga edad nito ay isang bagay na makakabuti rito ang mga ganoong bagay. Ang panatilihing malus0g at malakas ang pangangatawan sa kabila ng edad nito ay isang maituturing na healthy lifestyle at higit pa roon ay makakatulong ng husto upang labanan ang mga sakit na kakambal ng pagtanda."Arianne, throw that knife away!" Muling sigaw niya upang awatin muli ang asawa dahil bi
MAHIMBING ang tulog ni Jino nang gabing iyon liban kay Naikkah na nanatiling nakatagilid ng higa sa kama nila bilang mag-asawa. Itinukod niya ang kaniyang kaliwang siko upang itaas ang kaniyang ulo habang ang kaniyang kanang kamay naman ay nakadantay sa dibdib ng asawa. Hindi niya alam kung bakit pero kanina pa siya hindi dinadalaw ng antok. Ang kaniyang asawa naman ay mapayapa nang nakatulog kanina pa. Lihim na lamang niyang pinagmasdan ang natutulog na asawa na noon ay walang pang-itaas na damit. Ugali na ito ni Jino tuwing gabi dahil sa sobrang init ng kuwarto nila tuwing gabi. Hindi uso ang kuryente sa kanila dahil malayo sila sa bayan at tanging generator set lamang ang nagbibigay ng elektrisidad sa kanilang Isla. Malas nga lang at wala silang kakayanang bumili ng ganoong bagay kaya naman nasanay na silang nagtitiis sa lampara at kandila tuwing gabi. Tanging mga ilaw ngmga bangkang pampasahero lang ang nagpapatingkad ng Isla tuwing sasapit na ang gabi. Ang iba naman ay mapa
MALALIM ang iniisip ni Naikkah ng mga sandaling iyon habang ang mga mata ay nakapako sa larawan nilang ni Jino. Wala noon ang kaniyang asawa dahil sumama ito kina Itay at Inay niya sa palengke. Naiwan siya sa bahay nang mag-isa at sinumpong ng boring kaya napaginitan niyang magpunas -punas habang hinihintay ang pagdating ng mga ito. Maaga pa kanina umalis ang tatlo at katulad ng karaniwang routine, mga alas diyes ay maaring nasa bahay na ang mga ito depende kung mabenta ang mga nahuli nilang isda. Ang mga kapatid naman niyang sina Tobby Rob at Zeneliah ay pumasok na sa school kaya mag-isa na lang talaga siya sa bahay na iyon. Hindi naman siya natatakot, sadyang bored lang talaga kapag walang kausap kaya naman ay napagdiskitahan niya ang mga inaalikabok ng mga gamit sa loob ng kanilang bahay. Nasa paglilinis siya ng mga kagamitan nang masagi ng paningin niya ang litrato nila na magkasama bilang asawa kahit pa sabihing wala namang naganap na kasalan sa pagitan nilang dalawa ni J