Lahat ng Kabanata ng Manhater (Filipino): Kabanata 101 - Kabanata 110
115 Kabanata
Kabanata 101
"Okay na ba? masaya ka na ba?" lingong turan ni Ivan kay Alona mula sa passenger seat habang abala itong kumakain ng cotton candy."Suotin mo na yung seat belt mo at aalis na tayo." Dugtong pa niya pero hindi siya pinapansin nito kaya saglit na muna siyang bumaba ng sasakyan at tumungo sa puwesto ng dalaga para ikabit ang seat belt nito, ngunit bigla naman siyang napamaang at napatitig sa kagandahan nito.Umayos ka, Ivan. Huwag mong abusohin ang pagkakataon dahil lang sa hindi siya nakakakita. Ang binulong niya sa kaniyang isipan kaya umalis na rin siya kaagad at muling tumungo sa puwesto niya, (sa driver seat.)Maya maya pa ay nakarating na nga sila sa mansyon nito at naabutan niyang nakatulog na pala ito dahil sa sobrang pagod. Napangisi na lang siya nang mapalingon siya sa dalaga at pinagmamasdan ang mahimbing niyang pagtulog."Pati sa pagtulog, maganda ka pa rin." Mahinang saad niya sa kaniyang sarili.Nauna na siy
Magbasa pa
Kabanata 102
"Saan ka nanggaling kahapon?" biglang tanong ni Karlos kay Alona habang nasa harapan sila ng hapag-kainan at natigilan naman ito sa pagsubo nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang asawa. "Diyan lang sa tabi." Maikling tugon niya na ikinangisi naman ni Ivan na kasalukuyang nakatayo sa likuran ng dalaga. Tumingin naman si Karlos sa kaniya at inirapan siya sa mata."Sa susunod magpaalam ka na muna sa akin kung saan ka pupunta bago ka umalis." Dugtong pa niya habang nakayuko ang ulo niya at nakatingin sa plato niya.Muling natigilan sa pagsubo si Alona at binaba saglit ang hawak niyang kutsara at tinidor sa plato, sabay pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang puting panyo na nakapatong sa hita niya kanina."Bakit? tapos ka na ba kumain? e, halos hindi mo pa nga nagagalaw yung kalahati ng pagkain mo." Ani ni Karlos sa kaniya habang tinuturo ang plato nito na nasa harapan niya.
Magbasa pa
Kabanata 103
Habang nagmamaneho ng sasakyan si Ivan, patungo sa hospital kung saan dinala si Alona ay tila panay naman ang pag-iling niya sa kaniyang ulo na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.Bago kasi mawalan ng malay si Alona ay saglit muna itong napasulyap sa kinaroroonan niya at nagtama ang mga mata nila sa isa't-isa na animoy nakikita talaga siya nito."Totoo kayang nanumbalik na ang paningin niya sa normal?" bulong niya sa kaniyang isipan at tila hindi siya mapalagay hangga't hindi niya nasisiguro kung tama ang hinala niya tungkol sa dalaga.Pagkarating niya sa nasabing lokasyon ng hospital ay laking gulat naman niya nang bumaba siya ng sasakyan at nakita ang pamilyar na lugar sa kaniya."Nalintikan na." Mahinang saad niya sa kaniyang sarili at apurahan siyang napatakbo papasok sa loob ng hospital nang makapagtanto niya ang hospital na kinalalagyan ni Alona ay yung hospital kung saan nagtatrab
Magbasa pa
Kabanata 104
Nang magkamalay na si Alona ay nadatnan niya na si Ivan ang kasalukuyang nasa tabi niya. "Alona? Alona, naririnig mo ba ako ha?" tanong ng binata sa kaniya na may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha."Karlos," ang unang salitang bumigkas sa kaniyang bibig na ikinatahimik ni Ivan.Muli tuloy siya napaupo sa silya at napabuga ng malalim na paghinga."Wala siya rito. Kakaalis lang niya kasama yung tatay niya." Mahina niyang tugon sa sinabi nito na may guhit ng kunot sa kaniyang noo.Tila naalimpungatan din naman kaagad ang dalaga nang marinig niya ang sinabi nito."Ivan?" tawag niya kaya muli nabaling ang tingin nito sa kaniya."Ako nga 'to, naririnig mo ba ako? kamusta ang pakiramdam mo? may masakit pa rin ba sa iyo o gusto mong tumawag na muna ako ng doktor?" tipong aalis na sana siya ng silid nito upang tumawag ng doktor ngunit natigilan a
Magbasa pa
Kabanata 105
Malakas na pagsuntok sa mukha ang naramdaman ni Ivan mula sa nangangalit na kamao ni Jake nang madatnan siya sa ganoong posisyon habang nakatitig sa mga mata ni Jen. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga sa sobrang gulat at tila hindi ito makapaniwala sa ginawa ng binata sa kaniyang harapan. Sa lakas ng pagkakasuntok niya ay mabilis ding dumugo ang gilid ng labi ni Ivan, dahilan para gumanti siya sa binata at sinungaban ito ng malakas na suntok sa mukha na mas lalong ikinabigla ng dalaga.Tipong susuntukin sana niya ulit ito ngunit kaagad din namang lumapit si Jen kay Jake upang harangan ito at pigilan si Ivan sa binabalak pa niyang gawin sa binataNatigilan naman saglit si Jake nang masilayan niya ang likuran ng dalaga sa kaniyang harapan at nang makitang pinoprotektahan siya nito.Sa mga sandaling iyon ay tila bigla siya nakaramdam ng kakaibang kaba mula sa kaniyang dibdib na hindi
Magbasa pa
Kabanata 106
Kasalukuyang nakaupo sa harap ng hapag-kainan sina Karlos, Alona, Jen at Jake. Habang nakatayo naman si Ivan sa bandang likuran ni Alona at tahimik na pinagmamasdan ang sitwasyon ng apat."By the way, kamusta na pala ang pakiramdam mo? hindi ka na ba nahihilo ngayon?" tanong ni Jen kay Alona na ikinalingon naman ng dalawang binata sa kaniya.Katapat ni Jane si Karlos, kaya madalas silang magkasalubong ng tingin sa isa't-isa ngunit kaagad din naman siyang iniiwasan ng tingin ni Karlos, sapagkat kasama at katabi nito ngayon ang kaniyang asawa na si Alona.Wala namang pakialam si Jake sa ginagawa ng dalawa. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa pagkaing kinakain niya kahit alam niya na may nangyayaring kababalaghan tungkol sa dalawang ito.Medyo natagalan naman sa pagtugon ang dalaga at tila bigla siya nakutuban ng hindi maganda tungkol sa sinabi ni Ivan sa kaniya kanina.
Magbasa pa
Kabanata 107
Nabitawan na lang bigla ni Alona ang hawak niyang baso habang pinupunasan niya ito at tinutulungan sa gawaing bahay ang mga kasambahay niya sa loob ng kusina na kasalukuyang nagpupunas din naman ng mga pinggan at baso.Napalingon naman silang lahat at natigilan nang marinig nila ang malakas na pagkabagsak nito sa sahig at kaagad ding nagkapiraso-piraso sa sahig. "Naku, Ms. Alona! ayos lang ho ba kayo? hindi ba kayo nasaktan o nasugatan? sinabi ko naman ho sa inyo na kami na ang bahala rito at magpahinga na lang kayo sa loob ng kuwarto niyo." Nag-aalalang turan ng isang katulong nila sa kaniya habang nililinis naman ng ibang kasambahay niya ang basong nabitawan nito kanina.Apurahan namang tumungo sa loob ng kusina si Ivan nang marinig niya ang malakas na pagkabasag ng baso at nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang matagpuan niya si Alona na nakatayo lamang sa puwesto niya at nakatulala.
Magbasa pa
Kabanata 108
(Alona's POV)Nagpasama ako sa isang kasambahay ko na magtungo sa malapit na hospital upang ipatingin ang aking mga mata.Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iba ang sinadya ko roon at hindi para ipa-check up ang aking mga mata.Walang nakakaalam tungkol sa pag-alis kong iyon. Tangging ako lang at ang kasambahay na sinamahan ako sa pagpunta roon.Nito kasing mga nakaraang araw ay parang nagiging madalas ang pagkahilo ko at pagsusuka.Palagi rin mabigat yung pakiramdam ko kahit wala naman talaga akong sakit. Medyo nag-iiba na rin ang timpla ng panlasa at pang-amoy ko na tipo pati mga paborito kong kinakain nuon ay tinatanggihan ko na ngayon at parang nababauhan ako.May kutob na ako sa mga sunud-sunod na sintomas na nararamdaman ko, subalit gusto ko pa rin makasigurado kung tama ba ang hinala ko at hindi naman ako nabigo dahil nakumpirma ko mismo mula sa aking doktor na isang buw
Magbasa pa
Kabanata 109
Pagkagising ko sa umaga ay bigla na lang akong nakaramdam ng papanakit ng ulo kaya napabangon din ako kaagad at lumabas mula sa aking kuwarto nang makarinig ako ng mga pagtatawanan mula sa kabilang silid at kung hindi ako nagkakamali ay opisina iyon ni Karlos. Maliit na liwanag lamang ang naaninag ko ngunit parang dinadala ako roon ng mga paa ko, hanggang sa mapakahawak sa seradura ng pinto at marahan itong binuksan.Mas lumakas pa ang pagtatawanan na naririnig ko kanina at napagtanto ko na may babae pala sa loob ng opisina niya at kung hindi ako nagkakamali sa boses na aking narinig kanina ay mula mismo iyon kay Jen o sa totoong pangalan na si Shaina.Tila nabigla naman silang dalawa nang makita ako sa tapat ng pintuan kaya kaagad din silang natahimik at apurahan namang lumapit sa akin si Karlos habang nakasunod sa likuran niya ang babae niya."Kanina ka pa ba nandiyan?" bungad niyang tanong
Magbasa pa
Kabanata 110
Nakatanggap kami ng magandang balita ni Ivan mula sa ibang bansa, tungkol ito sa aking donor sa mata.Nakumpirma rin namin mula sa pinakamahusay na doktor na may pag-asa pang maibalik muli sa normal ang mga paningin ko at buong puso akong nagpapasalamat sa maykapal dahil binigyan niya ako muli ng isa pang pag-asa para makita ang mga magagandang tanawin sa aking kapaligiran.Kaya nagsagawa na rin kami kaagad ng plano na pansamantala na muna kaming maninirahan sa ibang bansa hanggang sa matapos ang operasyon ko at hanggang sa mailuwal ko ng maayos ang aking anak.Wala pa ring kaalam-alam si Karlos tungkol sa anak naming dalawa. Pinili kong ilihim ito sa kaniya dahil ayokong angkinin niya ang aking anak, kagaya ng ginawa ng kaniyang ama sa tunay na ina ni Jake.Kung saan puwersahan siyang sinama ng kaniyang ama at pinatay ang sarili niyang ina. Kung magkataon ay baka ikamatay ko rin iyon kung sakaling mawa
Magbasa pa
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status