Lahat ng Kabanata ng His Secret Child (Tagalog): Kabanata 51 - Kabanata 60
157 Kabanata
Chapter Fifty
  "D*mn it! Ano ang ibig sabihin nito!? Bakit nandoon si Mayell sa Cebu? Papaanong pumayag si kuya at—" Napatigil sa pagsasalita si Trish dahil biglang sumingit si Aaliyah na nakatulala pa rin sa TV.     "Hindi pa ba obvious Trish? Sa pangalawang pagkakataon, niloko at pinagmukhang tanga na naman ako ng kapatid mo. At ako naman tong si t*nga nagpadala sa mga magaganda niyang salita, naniwala ako na mahal niya ako, pero mali, si Mayell pa rin pala."    "Bes.." Naaawang tawag ni Trish sa kaibigan. Sa pangalawang pagkakataon, nakita na naman niyang nasasaktan ito, at dahil na naman ito sa kuya niya.     Litong lito siya. Bakit magkasama ang kapatid niya at ang ex nito? Bakit hindi siya nagtext sa kanila na ganoon pala? Ang daming tanong sa isipan niya.  Sobra sobra siyang naguguluhan.    Ano na naman ba ito? Matino pa ba ang isip ng kapatid niya? B
Magbasa pa
Chapter Fifty One
Gulat na gulat ito, hindi makapaniwala sa ginawang pag sampal sa kanya ni Trisha. Kahit si Aaliyah na wala sa sarili ay natauhan at nagulat.     "H'wag na h'wag mong sasabihin na kinakampihan ko ang kapatid ko! Dahil hindi mo alam ang pakiramdam ko ngayon! Parehas silang mahalaga sakin! Kaya gusto kong malaman ang side ni kuya, paano kung isang pagkakamali lang pala ang nakita natin sa TV? Paano kung set up lang? Ano na naman ang mangyayari?! Mas gugulo. Mas magandang pag-usapan 'to ng maayos bago tayo—si bes mag-desisyon. Ang importante pinakinggan natin ang side ni kuya. Para kung ano man ang kalabasan ng pag uusap at maging desisyon, hindi tayo magsisisi sa huli. At para sabihin ko sayo Jacob, ang hirap ng ganitong sitwasyon dahil naiipit ako, pero pinapalawak ko ang isip ko. Hindi porket kapatid ko si Kuya Travis siya na ang kakampihan ko! Kung alam kong mali ang kapatid ko hindi ko siya kakampihan! Tsaka ramdam ko na totoo lahat ng pinakita ng kap
Magbasa pa
Chapter Fifty Two
  "Then paano mo naman ipapaliwanag ang sinabi ng mga reporter na magkasama kayo ni mayell sa resort at sobrang sweet niyo?" Malamig na tanong ni Aaliyah. "Wife hindi totoo ang sinasabi nila, Noong nasa resort ako hindi ako nalapit kay mayell, Siguro yung sinasabi nila noong sa shoot for advertisement. pag tapos non wala na, Hindi ko nga kinakausap si mayell. Maniwala ka wife, Walang namamagitan samin ni mayell, Dahil ikaw na talaga ang mahal ko, Sayo na umiikot ang mundo ko, Yes, Aaminin ko dati minahal ko si mayell, Naging baliw ako kakahabol sa kanya, Pero noong dumating ka sa buhay ko, Kahit lagi kita sinisigawan noon, Lahat ng ginagawa mo para sakin na aappreciate ko, ang mga luto mo? sinasabi ko lang na hindi masarap, pero ang totoo sobrang sarap ng luto mo. Hindi ko man napakita yun sayo noon, pero ayon ang totoo. Dinadaan ko lang sa sigaw at pagalit. Kaya ng umalis ka, Doon na talaga nagbago lahat, Doon ko narealize na mahal na pala kita, At yung paghaha
Magbasa pa
Chapter Fifty Three
   Hindi niya inaasahan na yayakapin siya nito, pero kalaunan unti unti niyang pinulupot ang mga braso sa bewang ni Aaliyah at niyakap ito ng mahigpit.    "Wife.. I love you so much, gagawin ko ang lahat para hindi ka ulit mawala sakin. Gusto kong patunayan sayo na ikaw na talaga ang mahal ko at hindi na si Mayell." Mas lalong yumakap si Aaliyah dahil sa narinig sa lalaki.    Napangiti si Trish habang lumuluhang nakatingin sa mag-asawa. Buti na lang nakinig si Aaliyah sa kanya, buti na lang at nagkalinawan na.    Magkakaayos na rin ang kuya niya at ang bestfriend niya.    "Nakakainggit sila 'no?" Napaigtad sa gulat si Trish nang bumulong si Jacob sa kaliwang tenga niya.    "Ano ba! bakit ka ba bumubulong dyan?!" Mahinang sabi ni Trish.    "Para hindi sila maistorbo?" Mahina ring sagot nito. Sinamaan niya ng ting
Magbasa pa
Chapter Fifty Four
  Tahimik ang lahat..     Walang umiimik...    Dumating na ang mga magulang nila Travis at Aaliyah. Parehas itong nagulat nang makita ang dalawa na magkasama at magka-holding hands pa. Nasa sala sila lahat..    Hindi alam ni Aaliyah kung paano niya uumpisahan ang pag-uusapan nila.    Nang biglang lumabas si Trishana sa kwarto nito at patakbong pumunta sa kanila.     "Mommy! Daddy!" Lahat sa bata nakatingin. Rumihistro sa mukha ng magulang ni Travis ang gulat habang nakatingin sa batang ngayon ay nakayapos na sa ama.     "Trishana anak, diba sabi ni mommy mamaya ka na lumabas? Bakit lumabas ka?" Malumanay na tanong nito sa anak.     "E, mommy nabobored na po ako sa kwarto tsaka nandito po kasi sila mamalah at papaloh!" Tumingin ito sa lolo at lola niya na ngayon ay na
Magbasa pa
Chapter Fifty Five
Event Day     "Bes, ito na 'yung maskara mo. Sulitin mo na ang pagsusuot dahili ito na ang huling gamit mo dito. Hahaha," Sabay abot nito ng maskara sa kaibigan.     "Sira! Itatago ko 'to bilang remembrance."     "Pwede! Para sa tuwing nakikita mo ang maskarang iyan, maaalala mong naging si Alice Mendez ka."     Parehas na natawa ang dalawa. Nasa dressing room sila. Nag-iisa lang si Aaliyah doon dahil 'yun ang gusto ng asawa niya. At si Trisha lang daw dapat ang nasa loob pati yung make up artist nito na lumabas saglit.    "Alam mo bes, narinig ko kanina ang mga empleyado naming mga tsismosa. Alam mo bang ikaw ang pinag-uusapan? Bakit daw nakahiwalay ka sa dressing room ng ibang models, bakit VIP ka raw, siguro jowa mo na daw si kuya. Gosh, kung alam lang nila, tsk. Pero sabagay mamaya naman ipapalandakan na ni kuya na asawa ka niya hi
Magbasa pa
Chapter Fifty Six
  Habang naglalakad ang mag-ama, ang mga taong nasa paligid nila ay nagtataka. Lalo na nang makita nila ang CEO ng kompanya sa stage at may katabing bata. Ang mga magulang naman nila ay naiiyak sa saya. Mukhang alam na ng mga ito ang gagawin ni Travis.    Habang si Trisha na nasa likod ng stage ay napanganga na lang. Hindi niya din alam na ngayon na lalabas ang kuya niya at si Trishana. Ngayon na pala ito ipapakilala! Ang alam din nito ay mamaya pa ito magsasalita kapag natapos ang fashion show. Kaso mukhang nainip ang kapatid niya kaya umakyat na ito ng stage at may papatay effect pa na ilaw. Napailing na lang si Trisha habang pinagmamasdan ang kapatid niya.    Nang makalapit na ang mag-ama kay Aaliyah, nakangiting inabot ni Travis ang bulaklak sa asawa niya.    "For my beautiful wife." Dahil naka-open pa rin ang mic ni Aaliyah, narinig ng lahat ang sinabi nito. Muli ay nagulat ang lahat dahi
Magbasa pa
Chapter Fifty Seven
"Huh! Anong kailangan ko? Ikaw! Ikaw na babae ka! Sana nagpakalayo layo ka na lang! Kasama ng anak mo! Sana hindi ka na bumalik! Dahil sayo binalewala na ako ni Travis! Dahil sayo hindi na niya ako mahal! Dahil sayo iba na ang tingin niya sakin! Para sa kanya isa na lang akong estranghero! Hindi na niya ako magawang tingnan ng matagal katulad ng ginagawa niya noon, dahil lahat 'yon sayo! Sayo na umiikot ang mundo niya! Mang-aagaw ka!" Sigaw nito. Napatingin sa paligid si Aaliyah, walang tao. Bakit walang tao dito? Kanina lang may mga dumadaan at mga tambay dito. Bakit ngayon tila sila na lang? Bigla siyang kinabahan, hindi maganda ito.    "Hoy babaeng manloloko! Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo sa kuya ko!? Ikaw 'tong naghanap ng iba dahil nasasakal ka na sa relasyon niyo! Tsaka ano pa bang pinuputok ng buchi mo? Hindi mo pa rin ba matanggap?" Singit ni Trish. Kumukulo talaga ang dugo nito kay Mayell.    "Dahil ako dapat ang mah
Magbasa pa
Chapter Fifty Eight
  "Mamatay kayo!"   Kakalabitin na sana ni Mayell ang gatilyo ng baril nang may dumating.   "Mayell stop!" Napamulat sila Trish at sabay na napalingon kung sino ang sumigaw.   "T-Travis.." Gulat na tawag ni Mayell sa lalaki.   Nag-unahan naman ang mga luha nila Trish at Aaliyah. Akala nila may masasaktan. Akala nila may mangyayari sa sa kanila.   "Mayell.. put your gun down." Mahinahong sabi ni Travis.   "Travis.. hon.."   "Ssshh, calm down Mayell." Dahan dahan naglakad si Travis patungo kay Mayell.   Umatras si Mayell habang umiiling.   "No.. H'wag kang lumapit!" Sabay tutok ng baril kila Trish. Napayuko ang dalawa dahil sa takot. Tumigil sa paghakbang si Travis, kinalma ang sarili.   "Mayell, why are you doing this? You are not like this.." Mahinahong pagkausap
Magbasa pa
Chapter Fifty Nine
  Mabilis na rin naglakad si Travis para makarating sa kotse niya at madala sa hospital ang asawa.     Nang makarating sa kotse niya, agad niya itong binuksan sa likod para isakay ang asawa. Nang malagay ng maayos, umikot na ito sa driver seat at mabilis na pinaandar ang kotse.    "Wife please kumapit ka lang, h'wag mo kaming iiwan."      Nang maiwan si Trish, galit nitong dinambahan si Mayell na kanina pa tawa ng tawa.     "H*yop ka! Dahil sa kadesperadahan mo, kaya mo nang pumatay!" Gigil na gigil na pinagsasampal ni Trish si Mayell. Hindi na niya inalintana ang balikat na nagdurugo pa rin.     "Hahahaha mamatay na ang kaibigan mo! Mamatay na si Aaliyah!" Lalong nag-init ang ulo ni Trish dahil sa sinabi nito.    "At ako naman ang papatay sayo na baliw ka!" Sinuntok, sinabunutan at kung a
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
16
DMCA.com Protection Status