Semua Bab My Boss and Me: Bab 51 - Bab 60
62 Bab
Chapter 51: Deal
Pagdilat ng mga mata ko ay bumungad ang magandang sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto. May kakaibang saya sa puso ko, na parang kay gaan gaan sa pakiramdam. Yung tipong nakalutang ako sa ulap. Sa isip ko ay wala akong nakikita kung hindi ang mga mata ni Mr. Montano habang sinasabi nito na mahal niya ako. "Hay, kung panaginip lang ang lahat ay wag niyo muna akong gisingin, please..." Bulong ko sa sarili kasabay ng pagyakap sa unan ng kay higpit. Kasunod nun ay ang paglanghap ko dun na parang ang bango bango nito na animo amoy ng bulaklak, parang ang buong paligid ay nagniningning eh. Parang puno ng butterflies na iba't ibang kulay ang paligid at... 
Baca selengkapnya
Chapter 52: Dance
Pumarada ang itim na kotse sa harap mismo ng bahay namin. Tanaw ko yun mula sa bintana ng bahay. Kanina pa naman ako nakabihis pero hindi ko pa pala naisusuot ang sandals ko.   “Ma, aalis na po ako.” Paalam ko sa mama ko na kasalukuyang naghihiwa ng gulay na gagamitin nito sa ilulutong ulam.   5:30 pa lang ng hapon at nakatakda ang dinner meeting ng boss sa La Palma Hotel sa Makati ng 7:00 ng gabi. Isang kilalang investor kasi ang aming tatagpuin sa gabing iyon kasama ang fiance nito kaya naman sa isang romantikong lugar napili ng boss ganapin ang meeting. Isang malaking tao ito kaya naman gustong makuha ni Anton agad ang loob nito.   Agad na tumayo si mama at tumanaw din sa bintana. Lumabas ang napakagwapo kong boss mula sa kotse at humalukipkip habang nag-aantay sa paglabas ko.   “Hmm, sigurado ka bang meeting ang lakad niyo o baka naman date?” May halong panunuksong sabi nito bago bumalik sa lames
Baca selengkapnya
Chapter 53: Secretary
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ginawang biglaang pagbitaw sa akin ni Anton. Hindi naman niya ako tinulak o ano man, pero parang ang lakas ng pagkakabitaw niya sa akin. O baka naman pakiramdam ko lang iyon? Sabay kaming napatingin sa lalaking ngayon ay nakatayo na pala sa harapan namin. Ang isang kamay nito ay nakahapit sa beywang ng katabing babae. Halata ang edad nito sa mukha, na nasa mahigit 40 na siguro. Kayumanggi ang balat at halos kasingtankad ko lang, in short ay maliit din ito. “Mr. Montano, I didn’t know that you were already here.” Sabi nito na direkta lamang na nakatingin sa mukha ng boss. “Mr. Villanueva, nice to see you again” Hindi nakaligtas sa akin ang mahinang pagtikhim nito bago magsalita. Mukhang nagulat din kasi si Anton sa biglang paglapit ng kameeting.  Agad na inilahad ng boss ang kamay para makipagkamay sa kausap na agad naman n
Baca selengkapnya
Chapter 54: MU
Natapos ang meeting na hindi man lang ako nagsasalita. Sa totoo lang ay wala naman akong papel dun kung hindi ang sumama. Minsan naiisip ko nga kung kailangan ba talagang nakabuntot ako sa boss kahit saan.Maayos na nagpaalam ang dalawa pero hindi nakaligtas sa akin ang pahabol na tingin ng Kelly Salvador na yun kay Anton. Si Anton naman ay deadma lang naman. Lagi na lang deadma ito, kahit na nga mismo ako ay dinedeadma nito madalas.Naiwan kaming dalawa sa mesa at nagkunwari na lamang akong busy sa pag-aayos ng bag ko. Nilagay ko lang ang notepad at ballpen na gamit kanina.“Have you written the important points from the meeting?” Hindi ko alam saan ito nakatingin dahil hindi ako nagabalang bigyan ito ng pansin.“Ahm. Oo.” Maikli kong sagot.Nadinig ko ang buntung-hininga nito kaya naman napatingin ako dito. Magkaharap kami kaya naman agad na nahuli nito ang mga mata ko pagkabaling ko pa lamang sa mukha
Baca selengkapnya
Chapter 55: Lying
Ano nga ba kami? MU?Hindi ba ay parang panghighschool lang yun? Pero wala naman kaming kahit na anong naging usapan. Basta pagkatapos ng araw na yun ay parang kami na o assumming lang ba ako? Kaya ba kagabi ay ganun siya? Kaya hindi niya ako pinakilala kay Mr. Villanueva?“Aba, besh. Pati kayo ba naman ay makikiuso dyan sa relasyong walang label?” Hindi ko mawari ang ekspresyon ng mukha ni Cherry kung nagbibiro ba ito o seryoso. Pero wala na akong naisagot at napakamot na lang ako sa ulo.Sandali nga, kailangan ko bang tanungin si Anton kung ano kaming dalawa? Hindi ba ay sa kanya dapat manggaling yun dahil siya ang lalaki? Siya dapat ang magtanong sa akin.Hmm. Ni hindi nga ako nito inaaya man lang magdate. Kung lalabas man kami o kakain ay dahil lang sa trabaho. Ni walang paflowers , chocolates or kahit ano na ginagawa ng magkasintahan. Kailan ba nito huling sinabi na mahal niya ako? Isang beses pa lang nga ata, hindi ba?Pero iilang
Baca selengkapnya
Chapter 56: Why
Hindi ko naman gusto ang magsinungaling kaya lang ay gusto ko na din talaga kasi siyang makauwi na at magpahinga. Pero gusto ko din kasing mag-isip na muna ng dahil sa sinabi ni Cherry kanina. Naguguluhan na naman kasi ang utak ko. Ano ba naman ito?! Dapat pala ay diniretso ko na lang si Anton kanina kaysa gumawa pa ako ng dahilan at kwento. Lumabas pa tuloy na nagsisinungaling ako. Pero nagsinungaling naman talaga ako, hindi ba? Maling-mali ang ginawa ko na yun. Hindi ko din naman kasi akalain na tatawagan nito si Cherry. Malay ko ba na may number pala siya nito. Biro mo yun? Hay! Pero siya nga pala ang boss, natural na may contact siya ng lahat ng empleyado niya. Bakit ba umiral na naman ang katangahan ko at hindi ko naisip yun kanina? “Jenna, I’m talking to you.” Wala akong choice kung hindi ang mag-angat ng ulo. Ramdam ko na parang ang lapot ng laway ko dahil hirap na hirap akong lulunin yun. Kinaka
Baca selengkapnya
Chapter 57: Traffic
Natameme na lang ako kay Anton na tumingala pa sa sunroof ng kotse niya. Mula kasi doon ay kita ang maliwanag na kalangitan at mga bituin. Balak pa atang magstar gazing sa gitna ng Edsa ng lalaking ito. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaasal nito. Ilang minuto na itong nasa ganung pwesto kaya naman tumingin ako sa labas. Dinig ko pa rin ang walang tigil na businahan ng mga sasakyan sa paligid at ang nasa likod namin ay kanya-kanya ng diskarte para makalipat ng lane. Siguro ay naisip na lang nila na nasiraan kami sa gitna kaya nakatigil at hindi umaandar. Pero kailangan ko na talaga itong kumbinsihin na paandarin na ang kotse. Lalo lang kaming nagdudulot ng traffic sa lugar na halos hindi na nga gumagalaw. Baka mamaya ay magalit na at tumawag pa ng pulis. “Anton, please umuwi na tayo. Bukas na lang tayo magusap ulit.” Pakiusap ko na niyugyog pa ang braso
Baca selengkapnya
Chapter 58: Leche Flan
Sa isang Filipino restaurant namin napiling kumain ni Anton. At dahil weekday naman kaya siguradong wala masyadong tao ngayon.   Pagpasok pa lang ay isang waitress na nakasuot ng national dress ng Pilipinas ang agad na sumalubong sa amin. Iginiya kami nito sa isang mesa na nasa dulo. Mas maganda ang napili nitong lugar dahil parang may privacy mula sa ibang kumakain. Pero tanaw pa rin naman ang ibang mga tao mula doon.   Pagkaupo pa lang namin ay iniabot na ng waitress ang menu at saka nagsabing babalik mamaya. Magkatapat ang upuan namin ni Anton kaya naman kita ko ang lalaki na parang nahihirapan sa pwesto niya. Masyado kasi atang mababa ang upuan kaya nahihirapan itong pagkasyahin ang mahahaba niyang binti sa ilalim ng lamesa. Bahagya itong umusod palayo para kumportableng makaupo.   Hindi nito napansin na lihim akong natatawa sa itsura nito dahil abala sya sa paghanap ng maoorder.   “What do
Baca selengkapnya
Chapter 59: Ngiti
Tulad ng inaasahan ay naging busy na naman ang mga sumunod na araw sa trabaho. Hindi ko na nga halos nakikita ang opisina dahil papasok lang ako dun para magkape at pagkatapos ay aalis na rin naman agad. Panay ang labas namin ni Anton kasama si Kuya Den sa mga meetings, events at site visits. Okay lang naman dahil ibig sabihin nun ay maganda ang takbo ng kumpanya dahil sa maraming projects at collaborations. Mas lalong pabor yun para sa akin dahil doon ako nagtatrabaho. Pero kung minsan ay naiisip ko din na masyado na atang napapagod si Anton at nag-aalala na din ako sa kanya. Pero sa bagay na yun ay hindi ako nakikielam sa kanya. Isa pa ay alam kong gusto niyang tutukan ang kumpanya ng pamilya niya. Naalala ko nga ang sinabi ng Mommy niya na simula raw ng magkasakit ang Daddy nito ay wala na itong ginawa kung hindi ang magfocus lang sa kumapanya. Naawa akong bigla kay Anton sa naalala kong iyon. Siguro ay ibinuhos na lan
Baca selengkapnya
Chapter 60: Muli
Nang makarating kami sa site ay namangha agad ako sa gate pa lamang ng subdivision na iyon. Bongga ang itsura at mukhang hindi talaga basta-basta. Nakapalibot pa ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak at berdeng mga halaman sa bungad pa lang ng lugar. Ang automatic barrier nito ay tumaas bago pa man tumapat ang kotse sa guard’s house. Nakatayo sa gilid nun ang isang security gurad na agad pang sumaludo sa aming sasakyan.Pagbaba namin ay sinalubong na kami ng tauhang nag-aantay sa aming pagdating. Isang maputing babae na nakabestidang kulay royal blue at isang lalaki na nakacoat and tie pa na kulay royal blue din. Siguro ay uniporme nila ito kaya magkakulay sila ng damit. Iginiya nila kami agad sa isang model bungalow house na moderno ang itsura.Dark gray, puti at dark brown ang kombinasyon ng kulay ng mga pader at ang mga glass windows naman ay mula ceiling hanggang sahig. Minimalist ang style ng mga usong bahay sa panahon ngayon kaya naman siguradong magi
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234567
DMCA.com Protection Status