All Chapters of THE BAD NERD BOY (Taglish): Chapter 31 - Chapter 40
81 Chapters
Chapter Thirty
She said, "Where d'you wanna go?How much you wanna risk?I'm not looking for somebodyWith some superhuman gifts.Some superhero, some fairytale bliss.Just something I can turn to,Somebody I can miss.I want something just like this.I want something just like this."— The Chainsmokers and Coldplay A U T U M N  S U M M E R S“Oh my God,” napasinghap si Jess at inabot ang kamay ni Colton. Napatingin lang kami sa nag-iisang lalaki na alam ang katotohanan, ang parehong tao na nag-drug sa akin.Tumayo ako, handang harapin siya at humingi ng mga kasagutan, pero pinigil ako ni Tyler. Tumayo siya sa harap ko, nakahawak sa isa kong kamay. “Autumn, ‘wag dito,” sabi ni Tyler at pinisil nang marahan ang k
Read more
Chapter Thirty-One
A U T U M N  S U M M E R S“So, bakit mo nilagyan ng pills ang inumin ko noong party ni Leah? At huwag mong sabihin na hindi mo ginawa ‘yon kasi nakita ka ni Ty!” Ipinagtupi ko ang mga braso ko at binigyan siya ng intimidating na tingin.Hindi man lang gumalaw si Blake, o nanginig. Mukhang sa tingin niya ay joke lang ang lahat ng ito. Gusto kong sampalin ang ngiti sa mulha niya. Hindi mahalaga kung kailangan kong tumayo o gamitin ang sapatos ko dahil mas matangkad siya sa akin ng isang talampakan. “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.” Tumingin siya sa aming lahat habang nakangisi. “Wala akong nilagay sa inumin mo.”“Tigilan mo na ang pakikipaglaro, pre,” sabi ni Tyler at sa loob ng isang segundo, naramdaman ko na agad ang presensya niya sa kanan ko. Nagnakaw ako ng tingin sa kanya pero inalis ko agad iyon bago pa maging pareho ang ngiti nam
Read more
Chapter Thirty-Two
A U T U M N  S U M M E R SNaranasan mo na bang hilingin na sana lamunin ng lupa ang kaaway mo at hindi na sila umangat? ‘Yong mga pagkakataon na sana lunukon na lang sila ng earth para hindi mo na kailangang maranasan ang kanilang mga bullshit, makita ang kanilang mga mukha o marinig ang kanilang boses?Palagi kong hinihiling ang mga bagay na iyon para sa worst enemy ko na si Ellie Lawson at ang kanyang sidekick na si Rosie Parks. Sila ang pinaka nakadidiring tao na kilala ko. At dahil hindi nila ako kaya, palagi nilang tina-target ang mga kaibigan ko gamit ang pranks nila. Gaya na lang noong inilagay nila sa inodoro ang Harry Potter na libro ni Mey, o pinalitan ang shampoo ni Norma ng bleach, o binuhusan ang laptop ni Jess, at iba pang mga bagay na naging dahilan kung bakit ko gustong ihampas ang mga ulo nila sa dingding.Pero ni minsan hindi ko ginawa ang mga iyon kasi hindi ako bayolente
Read more
Chapter Thirty-Three
I'm gonna give all my secrets awayThis time, don't need another perfect lieDon't care if critics ever jump in lineI'm gonna give my secrets away— Ryan Tedder, One Republic T Y L E RHindi isa si Mr. Stanton sa mga pinakanakakaaya na mga nilalang, pero matalino siya. Habang boring ang ibang klase, nagawa niya akong maging curious sa klase niya, and before I knew it, nakita ko na lang ang sarili ko na hinahanap ang mga sagot sa aking isipan. Hawak ko ang dalawang Advanced Chemistry books sa kamay ko at umiling -- ‘di makapaniwala. “I’m so lame,” bulong ko sa sarili. Dapat umuwi na ako at magsimulang magbasa tungkol sa stoichiometry bago ko pa mapahiya ulit ang sarili ko sa harap ni Jebediah Stanton.Inilabas ko ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan ang oras. “Shit! Pa
Read more
Chapter Thirty-Four
A U T U M N Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na okay lang ako. Ngumiti pa nga ako ng peke para ipakita sa kanya na okay lang ako, pero mukhang nakikita niya ang lahat ng pagpapanggap ko. Buti na lang hindi na ako nagtanong pa, o baka masabi ko sa kanya kung gaano ako natakot at mag-break down pa sa harap niya. Wala akong alam sa mga sasakyan. Hindi ako isa sa mga cool chicks na may alam sa mga makina. Pero alam ko na kapag hinila mo ang emergency brake at walang nangyari, mayroong seryosong problema. Hindi sa akin sinabi ni Ty, pero alam ko na may itinatago siya. Na-sense ko na may gustong pumatay sa amin. Isinawalang bahala niya iyon at sinabing nasira ang brake dahil sa araw-araw na paggamit, at dadalhin niya ang sasakyan sa pagawaan. Hindi ako naniniwala. Pinoprotektahan nanaman niya ako gaya ng dati. At kahit na sa tingin ko ay cute iyon, malungkot ako na
Read more
Chapter Thirty-Five
A U T U M N “Sobrang busog na ‘ko! OMG, I hate my food bumps. Mukha akong limang buwang buntis!” umungol ako at tinitigan ang bundat kong tiyan. Siguro nga tama sila; kapag stressed ka, mas dadalas ang kain mo. Kumain ako ng bowl ng pumpkin soup, macaroni and cheese, tatlong piraso ng bruschetta, at isang tiramisu. Nagulat sa akin ‘yong tatlo kong kaibigan. Hindi sila nagsalita, pero alam kong nagulat sila. Mahal ko talaga ang pagkain. I mean, sino bang hindi? Pero hindi ko pa narasang kumain na para bang ilang araw akong hindi pinakain. Ito ang first time. Binalot ni Jess ang braso niya sa balikat ko. “Hindi na nakagugulat na pagkain mo pang higante!” Natawa kami pareho habang naglalakad sa sidewalk. Nasa likod lang namin si Norma at Mey dahil hindi kami kasya sa iisang linya. May nadaanan kaming eskinita nang pinahinto ako ni Jess. “Hey, tingnan mo! Dito nagta
Read more
Chapter Thirty-Six
A U T U M N Mas masarap ang kape kaysa sa inaakala ko kaya napaisip ako kung bakit hindi ko nahanap ang lugar na ito nang mas maaga samantalang ilang kanto lang naman ang layo nito sa bahay. “Hindi ako makapaniwala na nagsusuot ka ng apron at marunong gumawa ng kape--at hindi ‘yong instant na galing sa pakete, ha. Pero ‘yong totoo na ginagamitan ng coffee machine. I’m impressed.” Itinaas ko ang mga kilay ko at ngumiti kay Colton. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari. Si Colton Barnes, gumagawa ng kape. Sinong mag-aakala? Tumayo siya nang tuwid. “Hindi ikaw ang unang taong ‘di makapaniwala. Akala ni Jess nagbibiro ako noong sinabi ko sa kanya.” Pinisil niya nang marahan ang balikat ni Jess bago nagpatuloy, “pero naniwala na siya sa ‘kin nang makita niya ako na may suot na apron.” “Siyempre.” Tumayo si Jess at binigyan si Colton ng mabilis na halik. “Mukha kang hot che
Read more
Chapter Thirty-Seven
T Y L E R Tinitigan ko nang diretso si Blake. Hawak ko ang collar niya. “Kung mangangahas kang may gawin ulit, mas malupit pa rito ang mararanasan mo.” Itinulak ko siya at naglakad palayo. Kumikibot ang kaliwang mata ko pero hindi ko iyon pinansin. Walang leon ang didilain ang gamot sa harap ng kalaban. Humarap ako kay Hunter na naglalakad sa tabi ko at nagtanong, “okay ka lang, pre?” “Yeah.” Pinunasan ni Hunter ang bibig gamit ang manggas. “Anak ng pucha, sinong mag-aakalang magdadala ‘yon ng resbak?” Anak ng pucha talaga. Pero masaya ako na kasama ko si Hunter lalo na’t may kasamang dalawang malalaking lalaki si Blake. Natagalan kami bago nabugbog silang lahat. Sa bawat labanan, imposibleng makalabas ng buhay na walang sugat. ‘Yong unang malaking lalaki ay nagawang suntukin sa kaliwang mata, pero nasipa ko siya sa tiyan kaya ikunsidera na lang nating patas ang
Read more
Chapter Thirty-Eight
T Y L E RHindi ako magarbong lalaki. Wala sa akin ang sosyal at mamahaling taste. Kaya naman ni minsan ‘di ko inaakala na ang unang date ko kasama ang babaeng gusto ko ay sa isang designer booth na napapalibutan ng wedding gowns.Kahit na hindi ko plano na ikasal agad, natatakot pa rin ako sa lugar. Pero tinitiis ko ‘yon at itinago ang kakaibang pakiramdam kung saan iyon nanggaling.Magpakalalaki ka, Ty.Kumportable ang sofa na inuupuan ko. Malambot ito at hindi kasing tigas ng higaan ko. Kasyang-kasya ako at puwedeng kong tulugan.May maliit na problema nga lang: wala ako roon para matulog. Nandoon ako para tulungan si Autumn na pumili ng damit para sa taunang Bernucci gathering. Gaya ng kahit anong makapangyarihang pamilya, bilang anak ni Thornton Summers, imbitado siya.Ipinanganak na siyang ganoon. Hindi ko siya sinisisi da
Read more
Chapter Thirty-Nine
A U T U M N“Anong problema?” Rinig ko ang pag-aalala sa boses niya pero hindi ako umimik. Paano mio ipapaliwanag sa boyfriend mo na ang babaeng nakikipagtawanan kay Rosie ngayon ay ang parehong babae na kalandian ng ex-fun buddy mo na English teacher mo rin?Tunog magulo ‘yon. Alam ko kung gaano gaano ako kakumplikado. Paminsan, kailangan nating umatras at tingnan ang mas malaking picture, hayaan ang sarili na makita ang mga pagkakamali kahit gaano natin kaayaw ang makikita natin.Pinagsisisihan ko ang mga nagawa noon. Hindi ako palaging good girl; at may mga pagkakataon na may mga nagawa akong hindi magandang bagay para lang masabing masama ako. Biktima si Ellie at Rosie ng mga naging aksyon ko noon.Kaya baka nga karma ito, at alam nating lahat na bitch ang karma. Kailangan ko lang mag move on. Mayroon akong Ty, at higit pa siya sa hinihiling ko.
Read more
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status