All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 141 - Chapter 150
7044 Chapters
Kabanata 141
Sa mga sandaling ito, lumangoy ang ‘pating’ papunta kay Megan!Natakot dito si Megan at sumigaw ng, “Kent, tulungan mo ako!”Kahit na marami na itong naranasangpanganib sa kaniyang buhay, isa pa rin itong pating na papalapit sa kaniya.Ngumiti rito si Kent. Ito na ang oras para maging isa siyang “Bayaning to the Rescue”! Haha!Gusto niyang ipakita kay Megan kung gaano siya kamanly. Ito rin ang rason kung bakit niya ginawa ang eksenang ito na pagatake ng isang pekeng ‘pating’.Naging mabangis ang sinasabi nilang ‘pating’ at mabilis na lumangoy papunta sa mga babae!Pero mukhang hindi nangangagat ang ‘pating’ na ito…Narealize na rin ito nina Zayler at Justin kaya agad silang lumapit sa kanikanilang mga partner para protektahan ang mga ito.Habang sa kabilang banda, lumulutang lang si Darryl sa isang bahagi ng lawa habang pinapanood ang mga ito. Dito na nadismaya nang husto si Lily. Bakit hindi siya nagawang lapitan ni Darryl para protektahan siya sa ganitong klase ng mga sitwasy
Read more
Kabanata 142
”Wow, napakagaling talaga nito umarte!” Tawa ni Darryl. Para bang nasa loob sila ng isang eksena sa pelikula. Dito na humarap si Darryl kay Lily para lumangoy papalapit dito.“Anong nangyari, Lilybud?” Tanong ni Darryl habang papalapit sa naiinis na si Lily.“Natakot kaya siya sa pekeng pating na iyon?” Isip ni Darryl.Nadismaya si Lily at nanlalamig na sumagot ng, “Ok lang ako. Wala ako sa mood kaya huwag kang makipagusap sa akin.”Dito na siya lumangoy papunta sa pampang nang hindi tumitingin kay Darryl.Matapang na hinarap ng fiancé ng iba ang pating na nakapagpaproud sa lahat habang ang kaniyang asawa ay masayang nanonood sa isang tabi.Mukhang nagkamali siya sa pagaakalang nagbagong buhay na si Darryl noong magkaroon na ito ng trabaho. Pero wala pa rin palang nagbabago rito na kahit ano. Hindi na lang sana niya isinama ito sa outing ngayong taon.Natigilan si Darryl sa naging reaksyon ni Lily sa kaniya. Ano ba ang biglang nangyari sa kaniya?At noong makahabol si Darryl ka
Read more
Kabanata 143
Napatakip na lang sa kanikanilang bibig ang lahat sa mga sandaling ito habang ang iba ay nagsisigaw dahil sa eksena na kanilang nasasaksihan!Ngumanga nang malaki ang pating habang papalapit kay Lily!“Hindi…” Ipinikit na lang ng walang pagasang si Lily ang kaniyang mga mata habang naghihintay sa napipinto niyang kamatayan sa bahaging iyon ng lawa.Pero nagulat siya nang hindi siya maabot ng napakalaking bungangang iyon.Dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nagulat sa kaniyang nakita.Hindi lang si Lily, maging ang mga tao sa pampang ay napapapigil sa kanilang paghinga habang napupuno ng katahimikan ang paligid!Dito na nila nakita ang pagsakay ni Darryl sa likuran ng pating habang hawak hawak ito sa palikpik, walang tigil niyang pinagsusuntok ang pating na papalapit kay Lily.Ano?Natigilan at hindi makapagsalita ang lahat sa kanilang nakita. Wala ring kahit na anong ingay ang ginawa ng mga ito.Malakas namang nagpumiglas ang pating hanggang sa mahiwa ng isa s
Read more
Kabanata 144
Walang buhay na napaupo si Lily sa buhangin matapos marinig ang boses ng mga tao sa paligid.“Pa… patay na ba talaga siya? Hindi, hindi, hindi ko siya papayagang mamatay. Hindi siya pupuwedeng mamatay!” Isip ni Lily.“Ano bang itinatayo tayo ninyo riyan? Tulungan ninyo siya, tulungan niyo siya!” Sigaw ni Lily sa mga tao.Mukhang bumigat dito ang mukha ng lahat at walang sinuman sa mga ito ang tumingin pabalik kay Lily.Nahihibang na ba siya? Isa itong pating na may 10 talampakang haba! Walang kahit na sino ang tatalon sa tubig para tumulong sa kaniya.Isa lang naman siyang nakikitirang manugang na may walang kuwentang buhay. Mabuti na lang at wala nang kahit na sino pang nasaktan bukod sa kaniya. Wala namang nagsabi sa kaniya na magpakabayani para iligtas si Lily.Hindi rito sumuko si Lily. Isinuot niya ang kaniyang stilettos at naglakad papunta kay William. “William, parte ka rin ng pamilya Lyndon. Dapat lang na iligtas mo siya!”Hindi niya magagawang humingi ng tulong sa iba k
Read more
Kabanata 145
Isang nakabibinging katahimikan.Nang makarating si Darryl sa pampang, hinila niya ang 10 talampakang pating sa buhangin.“Gulp!” Napalunok nang malakas ang isa sa mga taong nakatingin sa kaniya.Paano niya nagawa ito? Paano naging posible sa kaniya na pumatay ng isang pating?Tiningnan ng ilang daang mga mayayamang sumama sa outing si Darryl. Natigilan at namangha ang bawat isa sa mga ito. Napakagaling!Ngumiti si Darryl at sinabing “Bakit umiiyak nang ganito ang wifey ko? Nagalala ka ba nang husto sa hubby mo?”“Ikaw…” Durog na durog ang puso ni Lily habang iniisip na hindi na niya ito makikita pang muli. Gusto na lang niyang yakapin nang mahigpit si Darryl nang makita niya itong naglalakad papunta sa pampang.Punong puno pa rin ng luha ang napakaganda niyang mukha. Hindi niya inaasahang magbibiro pa rin si Darryl matapos niyang tawagin ang kaniyang sarili biglang hubby at tawagin siyang wifey sa harap ng lahat. Nakakahiya!“Tigilan mo na iyan, hi-hindi ako nagaalala s aiyo!”
Read more
Kabanata 146
“Masuwerte si Darry para magawang maging kaibigan ni Dax, pero malayo ang agwat ng kanilang mga katayuan kaya hindi rin magtatagal ang pagkakaibigan nilang ito,” isip ni Kent. Siya ang nagisip ng eksenang iyon tungkol sa isang pating pero si Darryl ang nakakuha ng atensyon na para dapat sa kaniya. Maging ang fiancé niyang Megan ay hindi na siya pinapansin sa mga sandaling ito.“Alright, maaari bang tumahimik tayong lahat.” Dito na umabante si Edward at nagsalita.“Nagmula tayong lahat sa mayayaman at kilalang mga pamilya. Ang bawat isa ay pinalaki nang husto ng kanikanilang mga magulang. Ang aim ng outing na ito ay para ichallenge ang survival instinct ng bawat isa. Kaya dapat lang na ihawin natin ang pating na iyan mamaya. Pero sa ngayon, humanap na muna tayo ng lugar para matulog.” Malaks na sinabi ni Edward.“Magaling!” Agad namang sumangayon dito ang lahat.Hindi nagtagal ay naghanap na ang bawat isa ng lugar na mapagpapahingahan matapos kainin ang inihaw na isda.“Dalian niny
Read more
Kabanata 147
Sa Moonlit River.Naglakad papasok si Giselle matapos niyang bumaba sa kaniyang sasakyan. Tinawagan siya ng kanilang high school class monitor noon na si Clifford para sabihin ang tungkol sa kanilang reunion.Hindi pa rin nawawala ang galit sa kaniyang dibdib mula sa nangyaring iyon kahapon. Kaya magiging mabuti para sa kaniya na umattend ng reunion para magrelax.Agad na naging focus ng lahat ang mukha ni Giselle. Dito na nagsilapit ang lahat ng kaniyang mga kaklase dahil si Giselle ang diyosa ng kanilang highschool class na isa na ring sikat na artista ngayon!Maliban kay Giselle, ang ikalawang tao na kumuha sa atensyon ng lahat ay ang kanilang class teacher noon na si Lana Thomas. Hindi nakapunta si Lana noong huli nilang reunion kaya nagawa na nitong bumawi sa pagkakataong ito.Ang 30 years old na si Lana ang pinakamagandang teacher sa kanilang school. At habang nasa gitna ng kanilang lesson, hindi magawang makapagconcentrate ng mga lalaking estudyante nito sa kaniyang mga iti
Read more
Kabanata 148
Kahit isa siyang school teacher, nagkaroon naman ng magandang vocals, magandang itsura at balingkinitang katawan si Lana. Nagmukha pa rin siyang elegante sa kaniyang 30s.Habang si Giselle naman ay isa nang sikat na bituin. Kaya magiging maganda kung si Giselle mismo ang magrerekomenda sak aniya.Natigilan dito si Giselle at agad na sumagot ng, “Sa totoo lang po, ang presidente ng Platinum Corporation ay si…”Pero agad siyang tumigil sa pagsasalita. Muntik na niyang makalimutan na gusto ni Darry na mapanatili ang kaniyang low profile kaya ayaw niyang ipaalam sa lahat ang tunay niyang estado.Paano? Ano ang gagawin niya para mapagbigyan ang request ng kaniyang guro?Habang iniisip kung paano ito gagawin, ngumiti si Giselle at sinabing. “Sige po, titingnan ko po bukas.”Sabik na sabik si Lana habang nagpapatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Magaling! Papadalhan kita ng ilan sa aking mga litrato. Ipadala mo ang mga ito sa presidente ng Platinum Corporation.”Sinimulan nang ipadala ni
Read more
Kabanata 149
Nagpapanic na bumalik si Dax buhat buhay ang asawa niyang si Nancy. “Mayroon bang doktor dito sa inyo? Mayroon ba?”Dito na tuluyang nawalan ng malay si Nancy sa kaniyang mga braso.Agad na nagpunta sa kanila ang lahat ng nagkukuwentuhan sa loob ng kuweba at nagulat sa kanilang nakita.Ano ang nangyari? Bakit siya nahimatay?Hiniling ng lahat na gamitin ang pagkakataong ito para magkaroon ng kuneksyon sa pamilya Sanders, pero walang kahit na sino sa kanila ang mga doktor!Sa mga sandaling ito, isang babae ang umabante. Siya ay walang iba kundi si Helen Darwin, ang apo ng pamilya Darwin. Isa siyang napakasipag na babaeng nasa second year na ng kaniyang medical degree.Nakahinga na nang maluwag si Dax nang makita niya si Helen. Agad namang kinuha ni Helen ang pulso ni Nancy iniling ang kaniyang ulo habang sinasabing, “Hindi normal ang bagay na ito, masyadong naging mahina ang kaniyang paghinga, siguradong dalawang oras na lang siyang magtatagal kung magpapatuloy pa ito.”“Tinatak
Read more
Kabanata 150
“Oo nga, gusto mo na bang mamatay?” Sigaw ng nafufrustrate na si Kent.Hindi kaagad sumagot sa mga ito si Darryl. Ikinaway lang niya ang kaniyang mga kamay at sinabing, “Sige kung ganoon, kayo nang dalawa ang gumamot sa kaniya.”Hindi na nakapagsalita pa ang dalawang ito. Paano nila magagawang gamutin ang iniindang sakit ng asawa ni Dax!“Sige, manahimik na kayong dalawa,” Ibinaba ni Dax ang kaniyang mga kamay. Dahan dahan niyang ibinaba si Nancy para paupuin sa kandungan ni Darryl.“Dax, humanap ka ngayon ng mga ugat ng puno at mga bulate sa labas,” sabi ni Darryl habang dinidiinan ang tiyan ni Nancy!Ang Rising Sun Acupoint. Noong magaral siya ng martial arts, binalaan siya ng kaniyang master na ang acupoint ay hindi maaaring hawakan nang basta bata. Ito ay dahil sa pagikot ng dugo at enerhiya sa parte na ito ng katawan ng isang tao na maaaring magresulta sa pagtigil sa pagdaloy ng dugo ni Nancy.Matapos umalis ni Dax, mabilis na lumapit si Lily kay Darryl at sinabing, “Huwag k
Read more
PREV
1
...
1314151617
...
705
DMCA.com Protection Status