All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 21 - Chapter 30
7044 Chapters
Kabanata 21
”Puwede ko bang tanungin kung nandito ngayon si Mr. Darby?” Inulit ni Wayne ang kaniyang tanong nang makita niyang hindi nagsalita ang lahat.Iniling naman ng lahat ang kanilang mga ulo.Alam nila na ang taong nakatayo sa pintuan ng venue ay ang kilalang si Wayne Woodall. Kaya paanong magiging Darryl, na isang basura ang tinutukoy na Mr. Darby ni Wayne?Nakitaan din ng pagkagulat sa kaniyang mukha si Wayne. Maaaring nagkamali siya ng natanggap na impormasyon, nagpadala na siya noon ng mga tao para magtanong tanong, kaya dapat lang na makita niya ang ikalawang young master sa villa ng pamilya Lyndon! Birthday ngayon ng ikalawang young master kaya personal siyang nagpunta rito para ibigay ang kaniyang regalo. At nang makarating siya sa villa, nakita niya ring magdiriwang ang mga Lyndon para sa kaarawan ng isa sa kanilang mga miyembro.Napalunok na lang dito si Wayne at ibinigay ang box na kaniyang hawak. “Mauuna na ako ngayong wala naman dito si Mr. Darby. Ito nga pala ang dala kong
Read more
Kabanata 22
Nagsimula na ring magbigay ng ispekulasyon ang ilang mga babae sa venue, sinabi ng iba na isa raw middle aged na bigotilyong lalaki si Mr. Darby.Sinabi naman ng iba na matangkad at guwapo raw si Mr. Darby. Nagawa na nilang mailagay sa kanilang ispekulasyon ang lahat ng magagandang katangian na kanilang naiisip.Dito na ikinaway ni Grandma Lyndon ang kaniyang kamay na nagpatigil sa usapan ng lahat.Tumingin sa paligid ang mga tauhan ni Felix pero hindi nakita ng mga ito si Darryl.“Iiwan ko na lang ang birthday gift na dinala ko kung ganoon, mauuna na po ako.” Bahagyang bow ni Felix.Nabagabag dito si Grandma Lyndon at iniling nang husto ang kaniyang ulo, nagawa rin nitong magbow pabalik kay Felix.Nang makaalis si Felix, binuksan na nila ang regalong iniwan nito. Ito ang regalong mas gumulat sa kanilang lahat!Isa itong titulo!“Para sa marami pang birthday at tagumpay na darating sa iyo. Sa iyong ipinagdiriwang na kaarawan, dala ko ngayon ang isang espesyal na regalo para sa
Read more
Kabanata 23
Makalipas ang 30 minuto, sa bahay ni Ashton.“Tulong, tulungan ninyo kami!” Sigaw ng nakataling si Samantha!Hindi kailanman pumasok sa isipan ni Samantha na gagawa ng ganitong klase ng bagay ang inaasahan niyang magiging asawa ng kaniyang anak! Pareho silang nakatali ng anak niyang si Lily sa mga sandaling ito.“Shhh.” Sabi ni Ashton habang nilalagay ang kaniyang daliri sa kaniyang mga labi para mapatahimik ang dalawa. “Huwag na kayong sumigaw dahil wala rin namang makakarinig sa inyo kahit na anong sigaw pa ang gawin ninyo. Mas makapal nang tatlong beses kaysa sa normal na pader ang mga pader ng bahay ko. Kaya huwag na kayong magsayang ng lakas.” Sabi ng masiglang si Ashton.Nagsara nang husto ang mga kamao ni Samantha habang namumula ang kaniyang mga mata. “Huwag kang magpadalos dalos, Ashton, isa kang talentadong bata na may magandang kinabukasan, huwag mong sirain ang kinabukasan mo!”“Manahimik ka!” Mabilis na naglakad si Ashton papunta kay Samantha, sinabunutan niya ito at
Read more
Kabanata 24
”Grandma, narito naman po ngayon ang president ng Poesia Eleganza na si Emily Dickinson.”Wow!Nagulat sa mga sandaling ito ang buong villa!Kung masasabi ng marami na mataas na ang reputasyon nina Wayne at Felix sa buong Donghai City, mas mataas naman ng isang level sa dalawang ito ang reputasyon ni Emily!Nasa golden age nito ngayon ang Poesia Eleganza! Sa lahat ng mga cosmetic brands, tanging ang Poesia Eleganza lang ang nakatanggap ng napakataas na mga review habang nangunguna sa sales at maging sa market shares. Maging ang bagong labas nitong Crown line ay hindi magagawang makuha o mabili ng kahit na sino!Kilala rin ni Grandma Lyndon si President Dickinson?Natitigilang tumingin ang lahat sa pintuan papasok sa venue.Nakasuot si Emily ng business attire at high hills habang naglalakad kasama ang lima hanggang anim na mga maskuladong lalaki sa kaniyang likuran.Natigilan ang karamihan sa mga lalaki sa kanilang nakita. Masyadong naging kabighabighani ang aura na ipinakita n
Read more
Kabanata 25
Natural naman na sumunod ang iba pang mga bisita na magpapahayag ng interes nila sa pakikiparpartner sa pamilya Lyndon matapos magsalita ni Galien.Dito na napuno ng ngiti ang mga batang miyembro ng pamilya Lyndon, masyadong naging mabilis ang pagdating ng biyaya sa kanila!Nang biglang tumayo na rin si Wentworth.“Ano iyon, Wentworth?” Nagtatakang tanong ni Grandma Lyndon.Dating pinapaboran ni Grandma Lyndon si Wentworth. Pero bilang ama ni Lily, mula noong maikasal ito kay Darryl, tumigil na rin si Grandma Lyndon sa pagpabor dito nang husto.Ikinaway ni Wentworth ang kaniyang kamay at sinabi sa kaniya na “Ma, alam mo namang matagal na akong nasa ibang bansa pero umuwi ako sa pagkakataong ito para icelebrate ang inyong birthday. Pero maliban dito, mayroon din akong dal ana magandang balita sa inyo. Isa itong project na magbibigay sa inyo ng maramingpera.”“Talaga?” Sagot ni Grandma Lyndon habang nakataas ang kaniyang mga kilay. “Sabihin mo kung ano ito.”Walang duda na narinig
Read more
Kabanata 26
Woah! Umingay ang lahat sa sobrang pagkasabik pero wala nang kahit na sino ang tumutol pa rito dahil maituturing nang final ang anumang desisyon na gagawin ni Grandma Lyndon. Sabagay, paboritong paborito nito si William kaya sapat na ang opinyon nito para makagawa siya ng isang desisyon. Sa tulong ng financial director ng kanilang pamilya, nasasabik na tinransfer ni Wentworth ang 400 million na pera ng pamilya Lyndon sa kaniyang account. ***Sa Grandioso residential community ng Donghai City. Makikita ang ilang mga kotse ng pulisya na nakaparada sa entrance papasok sa residential community habang dose dosenang mga pulis ang mabilis na pumaligid sa bahay ni Ashton! Isa itong single story na bahay, at ngayon ay napaligiran na ito ng mga pulis.Hindi inaasahan ng kahit na sino na ang babaeng pulis na nasa harapan ay ang kanilang team leader. Hindi naitago maging ng suot nitong uniporme ang kabighabighaning korte ng kaniyang katawan. “Ano na po ang susunod nating gagawin, M
Read more
Kabanata 27
”Hindi na natin puwede pang isali si Darryl sa gulong ito, Ma…” hikayat ni Lily. “Anong hindi na siya puwedeng isali rito?” Tawa ni Samantha. “Tatlong taon nating pinalamon ang Darryl na iyan na nagpaliit nang husto sa tingin ng mga kapamilya natin sa atin! Tatlong taon Lily! Kaya papasukin mo na siya rito!” Napangiti si Ashton habang mahigpit na hawak ang kutsilyo sa kaniyang kamay. Wala nang mawawala pa sa kaniya at inaasahan na niyang darating sa ganitong punto si Darryl. Pagpapalit ng mga hostage? Imposible! “Bakit ka nagpapakabasura, Ashton? Ngiti ni Darryl habang naglalakad papunta sa mga bintana. Isa na itong bagay sa pagitan nilang dalawa ni Ashton ngayon. “Nagustuhan mo nga ang aking asawa pero hindi ka naman niya gusto. Kaya nagalit ka ngayon? Lalaki ka ba talaga?” “Manahimik ka!”Dito na mas naging agresibo si Ashton! Si Darryl ang kilalang basura sa kanilang pamilya pero siya rin ang asawa ng gusto niyang diyosa! Isa itong balakid na hindi niya malampas lampasa
Read more
Kabanata 28
Dalawang mga pulis ang kasalukuyang humaharang kay Darryl na makapasok sa bahay. Dito na lumingon si Darryl at sumigaw ng “Captain Castello, ako po ang asawa ni Lily kaya obligado po akong ipalit ang aking sarili bilang hostage para sa kaniya. Kaya hayaan niyo na po akong makapasok!” Pero… Sabagay, hindi na magagawa pang pigilan ni Megan ang pagpapalitan ng mga hostage kung si Darryl na rin mismo ang may gusto nito. “Narinig mo ba ang mga sinabi niya, Captain?” Mabilis na tumayo si Grandma Lyndon ang nagsalita “Si Darryl na mismo ang may gustong ipalit ang kaniyang sarili. Kaya bilisan niyo nang ipalit siya bilang isang hostage!” Wala nang nagawa pa rito si Megan, pero kahit na ganoon, kay Darryl niya lang itinango ang kaniyang ulo. “Pakawalan mo na sila.” Nanlalamig na sinabi ni Darryl. Sa loob ng kuwarto, nagsara nang husto ang mga kamao ni Ashton matapos makita ang pagpasok sa loob ni Darryl. Dito na niya tinanggal ang tali nina Samantha at Lily at agad na hinawakan si D
Read more
Kabanata 29
Ano? Tumingin si Megan sa bintana ng bahay at nakitang ibinaba na nga ni Ashton ang kutsilyo sa sahig habang nakaluhod sa harapan ni Darryl! Anong nangyari? Hindi makapaniwala si Megan sa kaniyang nakikita! Ito ang unang beses niyang makakita ng isang kriminal na lumuhod sa harapan ng kaniyang hostage! Natigilan din ang mga pulis na nakapaligid sa bahay at hindi makapagsalita sa nangyayari! Inisip nilang magiging matagal ang negosasyon na kanilang gagawin. Pero matapos pumasok ni Darryl at ipalit ang kaniyang sarili bilang hostage, walang sinuman ang nagakala na mapapaluhod nito ang suspect sa kaniyang harapan matapos magsabi ng ilang mga salita!Sa loob ng kuwarto, kasalikuyang nakangiti si Darryl habang nakatingin kay Ashton. Sinabi niya na ngayon ang tunay niyang pagkatao rito. Hindi siya pinaniwalaan ni Ashton noong una. Pero nang ipakita ni Darryl ang kaniyang bank account, agad na nawala sa kaniyang sarili si Ashton! Mukhang nakabastos nga talaga siya sa isang tao na
Read more
Kabanata 30
Nagsabi ang lahat ng kanikanilang mga opinyon.Tanging si Lily lang ang absent minded sa mga sandalingito. Iniisip niya kung bakit siya lang ang gusto ng Platinum Corporation? Nagustuhan na siya nito nang hindi pa niya nakikita ang mismong presidente ng kumpanya!At sino rin ang nagbigay sa kaniya ng orihinal na pares ng Worship of Crystal na iyon?Nagkaroon ng libo libong tanong si Lily sa kaniyang puso na magagawa niya munang isantabi at huwag isipin sa ngayon. Pero napuno naman ang kaniyang isipan ng imahe ni Darryl na ipinalit ang kaniyang sarili bilang hostage para makalabas sila ni Samantha nang buhay!Tatlong araw nang hindi nakikita ni Lily si Darryl. At sa tatlong araw na ito, hindi manlang umuwi sa bahay nila si Darryl, kumusta na kaya siya?Hindi na napakali pa rito si Lily. Pinilit niya ang kaniyang sarili na huwag itong isipin, pero hindi na niya ito maiwasan kaya napuno na ang kaniyang isipan nang tungkol kay Darryl.“Ano sa tingin mo, Lilybud?” Tanong ni Grandma Ly
Read more
PREV
123456
...
705
DMCA.com Protection Status