All Chapters of I Married The Ice King: Chapter 31 - Chapter 40
77 Chapters
30
“Ma..” Mahinang sambit ni Sandy. Hindi nya alam kung nasaan sya, but it seems like nasa tabi nya lang ang mama nya. “A-anak.” Dahan dahan na iminulat ni Sandy ang kanyang mga mata. She saw white ceiling, then her mom’s worried face. Wait, her mom? “M-ma..” Dala ng bugso ng damdamin at pagka miss dito ay agad na tumulo ang luha sa magkabilang mata nya. She tried to stand up pero tila hindi sya makagalaw. “Anak, huwag ka muna masaydo’ng gagalaw, baka mabinat ka.” Sabi nito. “N-nasaan ako?” Tanong nya. “Nasa hospital ka anak.” Sagot ng mama nya. Niyakap nya ito. “Ma.. miss ko na po kayo.” Lumuluha na sabi nya. “Ate, miss ka na rin namin.” Yumakap rin sila Carina at Chloe. "
Read more
31
"Did you really do this?" Gulat na tanong ni Sandy kay Aled. Hindi naman sya nagtagal sa hospital. Wala naman syang baling buto, just some scars on her head, face and feet. Nalaman nya na lang na nag organize ng 3 days tour ang student council. Hindi mandatory pero alam nya na mga mapepera at mga mahilig sa good time ang mga studyante roon ay sasama ang mga ito. Depende sa course ang destination. Journalism ang kinukuha nya at ang pagkakaalam nya ay sa Paris France ang tour nila kasama ang mga multimedia arts at fine arts. Nagulat sya ng sabihin ni Aled na sa kanya sya sasama. Sa New York naman ang mga Business related course. Gusto nya sana sa Paris France. it's been her dream to come there. "Yeah. You need some rest bago tuluyang bumalik ang sigla mo sa pagpasok sa klase." Sabi nito. Kasalukuyan silang nasa kwarto ng lalaki. Nag eempake ito ng mga damit nito. 
Read more
32
"All passengers, please wear your seatbelts. We will land in John F. Kennedy international Airport in two minutes." Almost 16 hours din ang tagal ng byahe. Sabi ni Aled ay mabilis na nga daw yun kasi since puro studyante ng St. Bernard ang sakay ng eroplano, wala na silang stop over. May isinama silang dalawang guard at ang bagong kasama nila sa bahay na butler ni Aled, si Butler Gio. Hindi nya alam kung bakit nagka idea ang lalaki na mag hire ng butler, pero kahit papaano ay na eenjoy nila kasi para silang may dalang computer. Alam nito ang halos lahat ng dapat gawin sa mga certain na bagay. Late thirties pa lang daw ito ayon sa files nito but he looked younger in personal. Matandang binata daw ito. Walang asawa, anak o kasintahan. Former butler daw ito ng isa'ng mayaman na pamilya na nag migrate na matapos malugi ang negosyo. "May naghihintay po na kotse sa atin sa labas." Magalang na sabi ng Butle
Read more
33
Inilapag ni Dychie ang coat na hinubad sa kama at tila pagod na nahiga. Tinanggal nya ang kanyang shades at napangiti. Natakasan nya na si Prince. Maaaring masundan sya nito but since ang paalam nya ay two days trip sa Boracay ay hindi pa sya hahanapin nito. That bastard got her car. Hindi nya rin alam kung bakit sumusunod ang mga walang hiyang body guards nya rito. Sino ba ito? Hindi sya makapag sumbong sa Daddy nya dahil nasa out of country business conference daw ito. Ugh! What was she suppose to do? Edi nag book sya ng flight papunta ng New York. Hindi sya sanay ng mag nag uutos sa kanya kung ano ang gagawin o saan pupunta. Duh? Her mother raised her well mannered but taught her to do whatever she wants as long as alam nya na ikabubuti nya iyon o walang masasagasaan na tao. Tumayo sya at hinawi ang makapal na kurtina sa glass wall ng hotel suite nya. Miss nya na ang mama nya. Pangarap nito noon ang makarating sa New
Read more
34
7:35 am ------  "Thank God. Hindi pa sila nakakasakay sa shuttle." Nakahinga ng maluwag si Sandy ng makita na naka pila sa lobby ng hotel ang mga kaklase at ka course ni Aled. Hindi na nga sya nagkaroo ng time patuyuin ang buhok nya. "I told you. Hindi nila tayo iiwan." Muli ay sabi naman ni Aled. "Okay, fine." Sabi nya na lang. Luminga linga sya sa paligid. Lahat ay busy sa pakikipag kwentuhan at pagpapakita ng mga pictures ng kanya kanyang pinuntahan nila. Tiningnan nya rin ang hawak na digicam at napangiti ng maalala ang mga nangyari. Pumunta sila sa Empire Estate Building at gumala sa Times Square kahapon ng hapon. Kumain rin sila sa tatlong restaurants. Sinabi nya kasi rito na gusto nya talagang mag restaurant hopping minsan. Mahilig sya sa pagkain at buti ay hindi na sya mabilis tumaba hindi kagaya noong bata pa sya. "Come here." Sabi ni Al
Read more
35
"She's actually my fiancee. Maybe you saw her in a magazine one time. She's pretty famous too, you know." Hindi alam ni Prince kung saan nagmula ang mga kataga na iyon na lumabas sa mga labi nya. Tumayo rin si Aled at inayos ang collar ng suot na polo. "I see. She seems pretty ineresting.." Nilingon ni Prince ang lalaki. "Yeah." "So where did the two of you met? When?" "You don't really need to know." Mabilis na sagot nya. "I have to go." Mabilis nyang nilisan ang lugar at agad na sumakay sa kotse na nirentahan nya. Pinasibad nya ang kotse ng hindi alam ang patutunguhan. He was thinking about Dychie. What if malaman ni Aled na pinsan nito si Dychie? Masyado pang malabo ang sitwasyon para maisingit nya ang existence ni Dychie. Isa pa, kahit papaano ay natutuwa syang inisin ito kaya hahayaan nya na muna ang mga pangyaya
Read more
36
Hindi na natapos ni Sandy ang tina-type sa laptop nya ng marinig nyang gumalaw mula sa kama si Aled. He was still naked but he was covered with the comforter. Hindi mapigilan ni Sandy ang mamula nang maalala ang mga eksena ng gabing iyon. She saved the document and turned off her laptop. Isa lang iyon sa iilang gadget na binili nya bago sila pumunta ng airport. Bumili rin sya ng digicam na syang ginamit nila for the last two days, ipod dahil gusto nya na munang pagpahingahin ang mp3 nya na regalo pa ng papa nya at isang digital organizer. "Good Morning baby.." Ang malambing at husky na boses na iyon ni Aled ang nagpapitlag sa kanya. Nanatili syang nakatalikod dito, not knowing what to do. NAHIHIYA SYA. Ilang sandali pa ay narinig nyang arahan ito'ng tumawa. "Hey.. nahihiya ka pa rin ba sa akin?" Palapit ng palapit ang mga hakbang nito. He hugged her from the back. He's still nake
Read more
37
MADAM. Hindi na mabilang ni Sandy kung ilang beses na syang tinawag ng ganun ng mga lalaki na kanina lang ay nakayuko sa kanila ni Aled habang papasok sa gusali. Hindi nya rin alam kung maiilang o matutuwa. Kakaiba ang atensyon at pag galang na ibinibigay ng mga ito sa kanya. Tila ito mga militar kung gumalaw at magsalita. WELL TRAINED ika nga. Dumiretso sila sa elevator ng asawa nya kasama ang dalawang bodyguard at isa'ng lalaki na may dalang ipad at suot na headset. Hindi pa rin sya nagsasalita. Hindi naman sya tanga para hindi malaman na iyon na ang opisina (kala mo legit business) ng underground group na hawak nito. Maluwag ang elevator pero parang ang sikip sikip noon para sa kanilang lima. Akbay akbay pa rin sya ni Aled habang ang isang kamay nito ay nasa bulsa nito. He looked impatience. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng elevator. 4th floor. Sa tingin nya ay hang
Read more
38
Hindi alintana ni Dychie kung mapanis man ang kanyang laway dahil sa hindi pagsasalita. It's the least she can do para ipakita kay Prince na napipilitan lang talaga syang sumama dito. Hindi nya naman kasi talaga maintindihan kung bakit isinasama pa sya nito sa isa'ng auction event na sa pagkaka alam nya ay hindi naman kailangan ng partner unlike other social events. Kulang na lang ay batuhin nya ito ng lampshade na nasa bedside table nya ng bigla ito'ng pumasok sa kwarto nya at tinanong sya kung pwede syang sumama. Syempre ay tigas iling sya. Pero ano pa ba ang magagawa nya? He promised to unfreeze her bank account kinabukasan ng event kapag sumama sya. Isa pa.. ang daddy nya na ang nagsabi na pakitunguhan nya raw ang lalaki. Pati sa daddy nya ay naiinis na sya. Bakit parang pati ito ay hindi maka laban sa lalaki? Nag walk out sya sa opisina nito ng sa tingin nya ay wala rin naman syang mapapala. A day before the auction
Read more
39
"Looks like the two of our youngest gentlemen both wanted the necklace for their lovely ladies!" Umalingawngaw sa hall na pinagdadausan ng auction ang boses na iyon ng auctioneer. Tila naging tambol kalakas ang pintig ng puso ni Dychie ng mag sink in na sa utak nya ang nangyayari. Prince and the guy, who introduced his self as ALED are having a conversation with their eyes. She has to move! Hinawakan nya ang kamay ni Prince. "Just give it to them, i can pick another item anyway." Bulong nya rito. Tense na tense na sya. Aled looked dangerous and snob. Malay nya ba na gusto rin nito o nang 'asawa' nito ang necklace na iyon?! Nilingon sya nito. "I can get it for you." Mahina at kalmado ang pagkakasabi nito pero halatang determinado. Umiling sya. "It's alright. I don't really like it anyway." Tanggi nya. "So.. am i hearin
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status