All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 1931 - Chapter 1940
1942 Chapters
Kabanata 1931
Sa ilang sandali, natanggap ni Cheryl ang video na ipinadala ng kanyang babaeng kasamahan.Pagkatapos itong pindutin… naramdaman niya na parang nanonood siya ng pelikulang sci-fi. Gayunpaman, bilang isang taong nagtataglay ng legacy ng Immortal Doctor, hindi siya nagdududa sa mga bagay na iyon. Higit pa rito, palaging makakaharap ni Alex ang mga sitwasyong tulad nito.Dahil dito, alam niyang si Alex ang sumisigaw sa kalangitan ng Japan.Noong tumatawag pa sila, nasa tabi niya ang lolo’t lola ni Cheryl. Nakita ng dalawa ang video at narinig din ang boses ni Carol.Inangat nila ang kanilang mga tingin at tinitigan si Cheryl na hindi makapaniwala na para bang lahat ng alam nila ay kasinungalingan. “Cherry, tina... tinatawag niya si Alex? Yung, yung Alex na kilala natin?”Inalis ni Cheryl ang video at agad na pinindot ang numero ni Alex.Noong una ay nag-isip siya kung dapat ba niyang burahin ang numero nito at maging estranghero, ngunit wala siyang pusong gawin iyon. Siya ang humabol kay
Read more
Kabanata 1932
Swish—Swish, swish—Narating na ng grupo ang bulubundukin sa loob lamang ng ilang segundo. Sina Alex, Martiny, Fairy Doctor, at Uncle Drake iyon.“Sis, maaari bang matatagpuan ang Izanami Shrine sa loob ng Mount Fuji?” Nagtatakang tanong ni Fairy Doctor.Dahil si Martiny ay asawa ni Hilbert, at si Dawn ay sinumpaang kapatid ni Hilbert, ang pagtawag kay Martiny bilang kanyang kapatid ay teknikal na tama.Tumango si Martiny. “Tama iyan.”Lumingon siya kay Drake. “Uncle Drake, naubos mo na ang lakas mo, at medyo magtatagal bago ka gumaling. Kaya dapat hindi ka na sumama sa amin, dala ko na ang Exorcism Bell, wala nang masyadong magiging problema roon.”Yumuko si Drake sa kanya. “Masusunod, miss!”Kasalukuyang malakas na umuulan ng niyebe sa Mount Fuji, ngunit ang napakalamig na temperatura ay hindi nakaabala kahit kaunti.“Sundan ninyo ako!” Naglakad si Martiny papunta sa isang lawa.Noong panahong iyon, ang ibabaw ay ganap na nagyelo at natatakpan din ng niyebe. Kung hindi si Martiny an
Read more
Kabanata 1933
Umiling si Martiny. “Hindi ito alamat o mito; nasa harap mo na mismo.”Napalunok si Alex. “Napakalaki!”Biglang lahat ng walong ulo ng dambuhalang ahas ay napalingon sa kanila gamit ang kanilang berde at kumikinang na mga mata. Ang bawat ulo ay may isang pares ng mga mata; kaya labing-anim sa mga kumikinang na ilaw na ito ay marahas na pinapanood sila.Swoosh!Ang tubig ay bumubulusok sa kaguluhan na parang binuksan ang higanteng blender. Pakiramdam ni Alex at ng iba pa ay hindi nila kayang hawakan ang kanilang mga katawan.Hinawakan ni Martiny ang kanyang Exorcism Bell at tinitigan ang ahas na parang meteorite na sumusugod sa kanila. “Kailangan nating maghiwa-iwalay! Sasalubungin ko sa harap, at kunin ninyong dalawa ang mga gilid.”“Sige!”Nagkatinginan si Alex at ang Fairy Doctor at naghiwalay. Sunod sunod na inalog ni Martiny ang kanyang kampana. Ang tugtog ay nagparamdam sa ahas na parang kaharap ang isang malakas na kalaban, at ito ay nanlamig sa takot.“Lusob!”Unang sinunggaban
Read more
Kabanata 1934
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l
Read more
Kabanata 1935
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Read more
Kabanata 1936
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Read more
Kabanata 1937
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
Read more
Kabanata 1938
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Read more
Kabanata 1939
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
Read more
Kabanata 1940
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Read more
DMCA.com Protection Status