NANGINGINIG man ang aking mga tuhod, pilit kong itinayo ang aking sarili, naglakad nang naglakad. Mabuti na lamang at plat sandals ang aking suot kaya hindi mahirap sa akin na lakbayin ang madilim na lugar na ito. Habang tinatahak ko ang madilim na lugar na ito, may naririnig akong yapak papunta sa aking kinaruruonan, mabilis at tahimik akong nagtago sa pinaka madilim na lugar. Kahit ako ay nakakubli sa dilim, kitang kita ng mga mata ko ang mga patayang nagaganap ngayon dito mismo sa harapan ko, napapapikit at takip nang palad ang aking labi, malayang namamalisbis ang aking mga luha. Wala akong nagawa nang mapatingin sa gawi ko ang babaeng duguan, itinaas ang isa n’yang kamay... alam kong hinihingi n’ya ang tulong ko, pero papaano? Tatlo ang mga lalaking iyon, hindi ko sila kaya. Masakit man sa akin na hindi ko s’ya matulungan ay wala parin akong magagawa kung hindi ang panuorin na lamang siyang barilin ng lalaki sa ulo nang agaran niyang pagka
Magbasa pa