All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 2941 - Chapter 2950
3080 Chapters
Kabanata 2941
Kumaway si Joshua at sinabi niya sa staff sa tabi ng entablado na buhatin palayo si Adrian, na siyang walang malay sa sahig. Tumingin siya ng malamig kay Jacqueline.“Naniniwala ka ba talaga na ganung klaseng tao ako kung hindi nangyari ang mga nangyari ngayon? Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang binabalak mo? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo para maging malapit kay Adrian at pati ang paggawa mo ng malaking kasal na ito?”Hindi inaasahan ni Jacqueline na ibubunyag siya ni Joshua sa harap ng marami. Nabigla siya, ngunit hindi siya tumigil sa malamig na pagtingin niya kay Joshua.Ngumiti siya. “Tama ako na hindi ka isang tanga.”Sumingkit ang mga mata ni Joshua. “Sa tingin mo ba ay hindi kita iimbestigahan pagkatapos kong malaman na magpapakasal kayo ni Adrian? Lalo na at magkamukha kayo ni Fiona?”Nang maramdaman ni Jacqueline na kumalma na siya, ngumiti siya. Tumingin siya kay Joshua at sinabi niya, “Totoo ‘yun. Pero….”Tumingin ulit siya kay Joshua bago siya tumingin kay Luna.
Read more
Kabanata 2942
Kumunot ang noo ni Luna pagkatapos itong marinig. Tumingin siya ng malamig kay Jacqueline. “Ano ang ibig mong sabihin?”‘Hindi ba’t umuwi si Anne kasama si John pagkatapos nila kaming dalhin ni Joshua sa arkiladong bahay? Ano ang… kinalaman sa akin ng pagkidnap sa kanya?’ Ito ang naisip niya.Kumunot ang noo ni Jacqueline nang makita niya na nalilito si Luna. ‘Ano? ‘Wag mo sabihing nakalimutan mo na. Nagshopping kayo ni Anne nitong hapon. Pagkatapos, pumunta kayong dalawa sa restaurant, at nandoon pa ako…”“Jacqueline!” Sumingit si Joshua sa pag uusap, natatakot siya na maalala ni Luna ang lahat kung pinaalala ni Jacqueline kay Luna ang nangyari nitong hapon. “Alam ko na kapatid ka ni Fiona, pero hindi mo dapat kami sisihin sa pagkamatay niya.”Tutal, gumawa ng patibong si Fiona at balak niyang saktan ng sobra si Luna, ngunit nabigo ang plano niya. Siya ang namatay nang mahulog siya sa bangin.“SIno ang sisisihin ko kung hindi kayong dalawa?” Agad na naiba ang atensyon ni Jacqueli
Read more
Kabanata 2943
“Huli na ang lahat.”Sa oras na matapos si Luna, tumawa na parang baliw si Jacqueline. “Ikaw ang kidnapin ko? Mababaliw si Joshua kung ginawa ko ‘yun. Walang bagay na hindi niya gagawin kapag nabaliw siya.”Lumala ang baliw na tingin sa mga mata niya habang nakatingin ng masama kay Luna. “Pero hindi ito pareho kapag kinidnap ko si Anne. Para sayo, isang kaibigan lang si Anne. Wala siyang halaga para kay Joshua. Ang asawa ni Anne, si John Young, ay hindi bigatin. Wala siyang magagawang masama sa akin.”Pagkatapos ay tumaas ang kilay niya kay Luna. “Pero, pwede kitang bigyan ng pagkakataon. Subukan mong hulaan kung ano ang layunin ko sa pagkidnap kay Anne.”Si Jacqueline ay isang baliw na tao. Paano magagawa ng isang normal na tao na takutin ang ibang tao sa pagkidnap sa kaibigan nito? Gayunpaman, walang magagawa si Luna kundi ang sumunod sa kagustuhan ni Jacqueline na makipag hulaan, kahit na alam ni Luna na isang baliw si Jacqueline.‘Nasa kanya si Anne,’ Ito ang nasa isip niya.
Read more
Kabanata 2944
Nang makita na mas lalong nagagalit si Jacqueline sa bawat lumipas na minuto, agad na tinaas ni Luna ang kamay niya para pigilan si Joshua, natatakot siya na mabaliw ang babaeng ito at saktan si Anne. “‘Wag ka munang makialam sa ngayon.”Baka tama si Jacqueline nang sabihin na isang kaibigan lang si Anne sa pananaw ni Joshua. Normal na wala masyadong pakialam si Joshua kay Anne.Ngunit para kay Luna, iba ito. Si Anne ang bestfriend niya.Noong nasira ang mukha niya noong pitong taon na ang nakaraan, si Anne ang taong pinagkatiwalaan niya ng lubos. Si Anne din ang taong nilalapitan ni Luna tuwing may problema siya.Pagkatapos sirain ni Malcolm ang orihinal na mukha ni Luna, si Anne at ang mga guro nito ang nag ayos ng mukha ni Luna ng pakonti-konti. Kahit na isang intern pa lang si Anne noon, siya ang taong pinahahalagahan si Luna kumpara sa ibang mga surgeon.Ang mahalaga lang sa ibang mga doctor ay ang pag galing ni Luna at kung nagtagumpay ang pagbalik ng mukha niya. Si Anne lan
Read more
Kabanata 2945
Napahinto si Jacqueline dahil dito. “Ba… Balak mong isakripisyo ang sarili mo para kay Anne?”Impossible ito!Si Luna ay hindi isang tao na gagawa ng ganito, at hindi rin siya magiging ganito! Ang babaeng ito ang pumatay kay Fiona—sa kapatid niya! Paano magagawa ng babaeng tulad niya na isakripisyo ang sarili para sa iba, lalo na para sa isang kaibigan na walang koneksyon sa kanya?”“Hindi ba’t ito ang gusto mo?” Tumaas ang kilay ni Luna, tumitig siya ng malamig kay Jacqueline, at tinuro niya ang kutsilyo sa sarili niya. “Sinabi ko na sayo—sa akin mo ilabas ang galit mo, ‘wag sa ibang tao!”“Luna!” Lumaki ang mga mata ni Joshua sa gulat habang pinapanood niya na tinutok ni Luna ang kutsilyo sa sarili niya. Lumapit siya, sinubukan niyang pigilan si Luna. “‘Wag kang kumilos ng basta basta! ‘Wag mong saktan ang sarili mo ngayon—baka may pag asa pa!”Kahit na hindi alam ni Luna na hindi na buhay si Anne, alam ito ni Joshua.Dahil napunta na ang mga bagay sa puntong ito, wala nang pu
Read more
Kabanata 2946
Lumaki ang mga mata ni Luna sa takot nang makita niya ang video sa screen/Ang eksena na ipinakita sa ang puting screen ay ang video ni Anne na sinaksak siya ni Willow nitong hapon.Hindi alam ni Willow ang tungkol sa paghihiganti ni Jacqueline kay Luna. Ang alam niya lang ay may problema si Jacqueline kay Luna dati, at ito ang rason kung bakit inutusan siya na kidnapin si Anne para sa paghihiganti.Ang alam niya lang ay gusto ni Jacqueline na kidnapin si Anne at na hindi makakatakas ng buhay si Anne.Hindi lang ‘yun, sinabi pa ni Jacqueline sa kanya na magkakaroon ng video call ng gabi para makita ng lahat ang live stream ng pagpatay kay Anne dahil kay Luna. Dahil dito, akala ni Willow ay ang gusto lang ni Jacqueline ay ang makitang patay si Anne.Kaya naman, noong sinabi ni Vanessa sa kanya na magkita sila nitong hapon, nag aalala si Willow na makakahanap ng paraan si Anne para tumakas habang wala siya, at papagalitan siya ni Jacqueline kapag hindi niya nagawa ang trabahong ito,
Read more
Kabanata 2947
Tila huminto ang oras nang sumaksak ang patalim sa tiyan ni Jacqueline.Kanina lang, ang lahat ng nasa hall ay nabigla sa video na sa screen tungkol sa pagkamatay ni Anne, ngunit ang atensyon ng lahat ay napunta kay Luna, na siyang sinaksak ang isa pang babae sa harap nila!Kahit si Jacqueline ay nabigla dito. Lumaki ang mga mata niya sa takot, tumitig siya kay Luna.Paano nangyari ito? Paano nagawa ni Luna na saktan si Jacqueline sa harap ng lahat?Yumuko siya ng mabagal.Ang kutsilyo ay nakabaon ng malalim sa kanyang tiyan, dumaloy ang dugo sa dulo ng kutsilyo, at sa huli ay tumulo ito sa puting sahig at napinturahan ito ng pula.Nawala ang gulat mula sa kanyang mga mata nang tumitig siya sa dugo. Pagkatapos, sa huli, lumingon si Jacqueline para tumitig kay Luna, may malaking ngisi sa kanyang mukha.“Luna,” Ang sabi niya, sinusubukan niyang pigilan ang sakit habang ngumisi siya sa babaeng nasa harap niya. “Patay ka.” Ang rason kung bakit ginawa niya ito para maghiganti kela
Read more
Kabanata 2948
Nabigla si Joshua sa sinabi ni Luna.Pagkatapos ng ilang sandali, tinaas niya ang kamay niya at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Luna. “Alam ko na masama ang loob mo ngayon, at naiintindihan ko rin na mahalaga sayo si Anne, pero isipin mo kung gaano karaming tao ang nanonood sayo ngayon, Luna. Hindi ko…”“Kunin mo na pala ang buhay ko! At least ay makakasama ko na si Anne!” Ang sabi ni Luna.Lumingon siya. Ang mga mata niya ay puno ng galit at pagsisisi.Kumirot ang puso ni Joshua dahil sa tingin ni Luna. Alam niya na seryoso si Luna sa sinasabi nito. Ito ay hindi isang bagay na sasabihin ni Luna ng basta basta.Huminto siya ng ilang sandali. Nang maipon niya na ang mga salita para gumaan ang loob ni Luna, tumawa si Jacqueline. “Luna, akala ko ba ay maghihiganti ka para sa kaibigan mo at papatayin mo ako?”“Gawin mo!” Pinilit ni Jacqueline si Luna.Ang wedding gown ni Jacqueline ay kulay pula na dahil sa dugo, ngunit ang ngiti niya ay mas mayabang at malupit pa kaysa kani
Read more
Kabanata 2949
Nabigla si Joshua sa mga sinabi ni Joshua. Tulala siyang tumingin sa lalaking nasa harap niya. “Dapat… kong tulungan si Anne na alagaan si Sammie?”“Oo!” Nagulat si Joshua at yumakap siya sa baywang ni Luna. Seryoso niyang sinabi, “Kung sa tingin mo ay may utang ka kay Anne, at naniniwala ka na ikaw ang rason kung bakit patay na si Anne, dapat kang bumawi sa kanya. Dahil ikaw ang rason na wala nang nanay si Sammie, kunin mo ang responsibilidad na maging nanay niya! Alagaan mo si Sammie para lumaki siya ng masaya.”“Kaya mo bang harapin si Anne para humingi ng tawad kapag nagkita kayo sa kabilang buhay? Sigurado ka ba na ayaw mo munang bumawi sa kasalanan mo bago mo siya makita?”Bumalik ang pag asa ang mga mata ni Luna. Kinagat niya ang labi niya at hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. “Tama ka…”Siya ang rason kung bakit patay na si Anne. Siya ang rason kung bakit lumaki si Sammie ng walang nanay.Kailangan niya tulungan si Anne para mabigyan ng isang kumpletong
Read more
Kabanata 2950
Nabigla ang mga bisita dahil sa malakas na tunog ng pinto habang tumingin sila sa pinto.May nakatayo na grupo ng mga pulis. Ang ilan sa kanila ay sumugod patungo sa entablado. “Ms. Grace, arestado kayo sa pagkidnap at hinalang pamamaslang. Kukunin ka namin ayon sa batas.”Inaasahan ni Jacqueline na dumating ang pulis. Tahimik niyang nilabas ang kamay niya.Click! Inaresto ng pulis ang babaeng may suot na wedding gown gamit ang malamig na posas.“Sir.” Tumingin si Jacqueline sa sugat niya pagkatapos siyang iposas. “Pakiusap, dalhin niyo ako sa hospital.”Tumingin ang pulis at napansin na dumudugo si Jacqueline. Ang lead, isang babaeng pulis, ay kumunot ang noo. “Paano nangyari ito?”“Sinaksak ako ni Ms. Luna,” Ngumisi si Jacqueline. “Sinubukan niya akong patayin. May gagawin ba kayo tungkol dito?”Kumunot ang noo ng babaeng pulis at tumingin siya kay Luna, “Ikaw ang gumawa nito?”Nakilala niya si Luna. Noong kinidnap si Anne, nakinig sila ng pag uusap sa pagitan nila Vanessa at
Read more
PREV
1
...
293294295296297
...
308
DMCA.com Protection Status