Lahat ng Kabanata ng The Cold Hearted Gangsters: Kabanata 141 - Kabanata 150
289 Kabanata
Chapter 140
 -Golf Z- Justine’s POV “Naka-setup na ang lahat ng bomba na naroon, King,” rinig kong wika ni Prince Ken na hingal pa rin dahil sa pakikipaglaban sa cyborg kanina. Mabuti na lamang at dumating kami agad ni King kundi ay baka wala na siya ngayon. Tumango naman siya sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kaniya.  “Good. How about you Damon?” si King saka inaayos ang kaniyang Ak-47  riffle. Nagkatinginan pa kami ni King saka nagsitanguan. Ikinasa ko na rin ang hawak kong M134 Minigun.  “Shutdown na lahat, King,” sagot ni Damon na may hawak na isang klase ng katana na kilalang Khopesh. Hinahati-hati niya kanina ang mga cyborg na nakakalaban niya. 
Magbasa pa
Chapter 141
Third person’s POVDugo.  Halos bumaha na ang buong paligid ng kulay pulang likido sa Sembrano’s Palace. Marami ang nagbuwis ng buhay, hindi dahil lumaban para sa sarili, kundi maisakatuparan ang sinumpaang tungkulin na maglingkod sa pinakamakapangyarihang grupo, ang Blood Organization. Nagkalat din ang mga bangkay sa bawat paligid. Mga bangkay na ang ilan ay nagkapatong-patong na sa sobrang dami at ang ilan ay namatay dahil sa pagkakapatong sa kanila ng mga namayapa. Marami ang nawalan. Lumaban at nagpahayag na hanggang sa huling hininga ng kanilang buhay ay nagawa nilang pagsilbihan ang tinaguriang organisasyon. Nakikita ng mga nasa kabilang pader ang kalagayan ng main place na pinanggalingan ng mga putok ng baril at pagsabo
Magbasa pa
Chapter 142
 Third Person’s POV Bago pa man masugod ulit ni King Arthur si Prince Nathan na inaakala niyang Neizan ay gumitna si Prince Ken. Napahinto si King Arthur dahil sa pagtigil sa kaniya ng ikawalong prinsipe. nakaramdam siya ng inis at pagkadismaya sa inaksyon nito. Ang kaniyang nag-aalab na galit ay mas tumindi. Nakaramdam naman ng pagkailang si Prince Ken sa awra na ipinapakita ni King Arthur kung kaya’t dumistansya siya ng kaonti sa hari. “King, hindi siya si Neizan! Patay na ang totoong Neizan. Si Prince Nathan ‘yang kaharap natin ngayon!” aniya saka itinutok ang baril kay Prince Nathan. Humagalpak naman ng tawa si Prince Nathan na kunwari ay nagmamaang-maangan pa sa ibinunyag ng ikawalong prinsipe.  “I am a good actor, eh? Masyado ko na yatan
Magbasa pa
Chapter 143
 Sean’s POVNapahinto ako sa pagbaril nang mapansin kong tumatakas na ang siyam na kalalakihan na may tattoo sa balikat. Bago pa sila tuluyang makatakas ay pinaputukan ko ang isa sa kanila na agad namang bumawi ng putok.  “Ang bobo naman umasinta no’n!”  “Oo nga, parang ikaw,” napalingon agad ako sa likuran ko nang may magsalita. Nakita ko ang naka-all black na babae na nasisiguro kong miyembro ng Dark Alliance. Halos takpan niya na lahat ng katawan niya pati mukha sa suot niya. Madaling sabihin na mata at labi lang niya ang nakikita ko pati na ang buhok niyang mahaba na nakatali.  “Done checking me?“  ang yabang naman ‘to! Nginisihan pa ako nito
Magbasa pa
Chapter 144
Third Person’s POVTadyak at suntok ang ginawa ni King Arthur kay Prince Nathan na inaakala niyang si Neizan. Ngayon ay nakalagpak si Prince Nathan sa sahig at duguan ang buong mukha pero nakuha pa rin nitong ngumisi at mang-asar kay King Arthur na hingal sa ginawang aksyon.  “Wala kang kaalam-alam… Arthur. Sa simula hanggang sa wakas. Nakaplano na ang lahat. Piece by piece… go signal ko na lang,” ani Prince Nathan saka napadura ng dugo. Mas tumalim naman ang awra ni King Arthur saka muling binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha si Prince Nathan.  “Matagal ko na itong plinano. Sinisira mo lang. Lagi kang kumokontra sa mga gusto ko… kayo ng kakambal ko. Kaya dapat sa inyo ay pinapahirapan. Pinaubaya ko na muna sa’yo ang pagig
Magbasa pa
Chapter 145
Nathan’s POV Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Nagtitimpi siya. Lubos na hindi makapaniwala sa mga ibinunyag ko sa kaniyang mga nakakadiring angkan na babae. Maging ako ay nandidiri sa sarili ko kapag sa tuwing naaalala ko ang mga eksenang iyon noong kasing edad lamang niya ako na maliit pa. At dahil magkamukha kami ni Neizan, mula ulo hanggang paa. Kapag nagtatago ako, siya ang minomolestya ng mga pinsan ni Arthur. Salitan kaming dalawa ni Neizan dahil ayaw namin mapalayas sa Sembrano’s Palace dahil wala pa kami ganoong sapat na kapangyarihan hangga’t hindi pa kami sumasabak noon sa Bloody Training. Ngunit mas tumindi ang galit ko, naunang maihalal si Arthur na maging hari kahit magsasanay pa lamang kami. Sobrang nakakapanlumo iyon sa aming dalawa ni Neizan. Gusto ni Neizan na patayin na noon si Arthur pero hinarangan ko. Dahil hindi pa iyon sapat na oras para patayin siya. Kaya mas mabu
Magbasa pa
Chapter 146
Zylan’s POV Hindi ako makakilos sa nakikita ko kay Reign. Ang mga mata niya nag-aalab sa galit na parang walang kinikilala sa amin. Mabilis ang mga kilos ng galaw niya sa tuwing magbibigay siya ng atake sa misteryosong lalaki na nandito sa gawi namin. Ang ipinagtataka ko lang, sino siya? Paano niya nakilala si Reign na anak ng Empress at kapatid ni King? Ngayon ko lang siya nakita dito sa Sembrano’s Palace at base na rin sa kaniyang mga kilos, nagsanay ito sa Bloody Training. Bawat pag-iwas nito sa mga atake ni Reign ay tila sanay ito sa labanan. Kung kilala ko lamang ang lalaking ito, iisipin kong nasa hanay siya ng Royalties.  “Nice to finally meet you… kamukhang-kamukha mo nga siya, Arthyrn,” naririnig kong sambit niya kasabay ng mga pag-iwas sa bawat atakeng suntok at sipa ni Reign. Tila nang-aasar ang kaniyang mga
Magbasa pa
Chapter 147
Grey’s POV Gusto kong sumigaw ng malakas. Gusto kong ibuhos ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso. Magpapasko na mamaya. Ganito pa ang mapait na mararansan naming dalawa ng kapatid ko. Literal na mag isa na lamang ako. Hawak ko ang kamay ng kakambal ko na wala ng kasigla-sigla maging ang balat nito na namumutla na. Akala mo eh natutulog lamang ang mokong pero kailanman ay hindi na magigising pa.  Napatingin ako kila Damon, Prince Ken at Prince Justine na nakikipaglaban sa mga natitirang cyborg na narito. Parang nawalan ako ng gana para lumabas. Parang gusto ko na lamang tumunganga at maghintay din ng kamatayan. Para saan pa para mabuhay kung doon din naman ang punta? Lahat may limitasyon. Lahat ay may hangganan. Ang kasiyahan ay may hangganan, ang pagsasama ay may hangganan. Kung sino pa ang pinakainaasahan mo, iyon din pala ang mawawala.
Magbasa pa
Chapter 148
Third Person’s POVUmigting ang panga ni King Arthur nang makita ang kapatid na si Alyana na may hawak na katana. Para itong isang living cyborg na may kakaibang awra. Isang awra na walang awa kung pumatay. Halo-halo ang emosyon ni King Arthur sa mga oras na ito. Kaba, takot, lungkot at galit. KInakabahan siya para sa kaniyang kapatid. Ayaw niyang magkasakitan sila. Ayaw niyang masaktan niya ang kapatid. Natatakot siya na baka hindi niya mapigilan ang bawat pag-atake na gagawin nito sa kanya. Natatakot siya sa mga posibilidad na mangyari sa kanilang magkapatid. Nalulungkot naman siya dahil sa tagal niya ng mag-isa sa angkan ng Sembrano sa palasyo, ngayon lang niya nalaman na buhay pa pala ang kapatid tapos nasa sitwasyon sila na magpapatayan. Nalulungkot siya sa sasapitin nilang dalawa. Hangad lang naman niya na maging masaya silang dalawa na magkasama at mamuhay bilang isang normal na pamilya. Hindi n
Magbasa pa
Chapter 149
Third Person’s POV Napaatras ng kaonti si King Arthur sa narinig. Hindi siya lubos makapaniwala sa mga ibinunyag ni Prince Patrick. Buong akala ng hari na ang kinakalaban niya ngayon at ang kaharap nila ay ang kakambal ni Prince Nathan. Ngunit nagkamali siya, ito pala talaga ang ikalawang prinsipe. Nainis at nagagalit na si Prince Nathan dahil mukhang pumalpak ang plano niya na bilugin ang hari sa pngalawang pagkakataon. Naiinis din siya kung papaanong nalaman ni Prince Patrick ang mga nangyayari sa palasyo at kung papaano nito nakilala na siya ang totoong Prince Nathan.  Ngumisi naman ng tagumpay si Prince Patrick sa nakikitang ekspresyon ng mukha ni Prince Nathan. Alam niyang dismayado ito sa ginawa niya at nagulat kung bakit niya nalaman na hindi siya ang kakambal nito.  Hindi
Magbasa pa
PREV
1
...
1314151617
...
29
DMCA.com Protection Status